Lucian “What? Sinong lalaki?” “I-I don’t know, okay?! But he’s on the balcony of Jayden’s room–” “I got it. Open the sliding door. I know that man.” Napabalik ang tingin ko sa sliding door at napatda sa sinabi ni Alonzo. “You k-know him?” “Yes, open it. Don’t be scared.” “S-sigurado ka ba?” nanginginig ang boses kong tanong at tumayo na. “Yes. Ipapahamak ko ba naman kayo?” Napapalunok na tinungo ko ang sliding door at dahan-dahang binuksan iyon. Napapitlag ako sa gulat nang magtapat agad kaming dalawa ng lalaki. “Hi! Did I scare you?” nakangiti niyang tanong tila natatawa pa na hindi ko napigilang samaan siya ng tingin. “That’s Lucian. He’s a friend of mine. Kilala din siya nila Nanay Glo at ng kambal. Don’t you remember him?” Remember him? Paano ko namang makikilala– Namilo