Jealous “Excited ka na ba, Jayden?” “Not really.” “Sus, not really, pero mamaya magtatakbo ka sa beach. Right, mommy?” baling sa akin ni Jade na hindi na tinigilan ang pang-aasar sa kakambal niya mula kaninang umaga pa. Pinisil ko ang tungki ng ilong niya dahil mula kanina pang umaga ay wala na siyang tigil sa pagsasalita. “Why don’t you take a rest, sweetheart? Mahaba-haba pa ang biyahe natin para mamaya may energy ka.” “But I’m not—” Natigil siya sa pagsasalita nang mapahikab. Tumawa ako. “Inaantok ka na eh,” inakbayan ko siya at inilagay ang ulo niya sa dibdib ko. Napatingin ako kay Alonzo nang akbayan niya rin ako at ipatong ang ulo ko sa balikat niya. Pinapagitnaan namin ni Jade sila Alonzo at Jayden. “You should sleep, too. I know you’re tired.” Tiningala ko siya at sini