Billion “Wow, you’re really good in taking pictures, Jayden,” puri ko kay Jayden habang tinitingnan ko ang mga kuha niya sa camera na dala-dala niya. “Thanks, mom,” saad niya nang iabot ko na sa kanya ang camera. He even captured the hug that Alonzo and I shared in that restaurant. Abot-langit ang ngiti ko sa picture na ‘yon ibang-iba sa estado ko noong una akong dumating sa mga Wellington. “Ako din, mommy, magaling din hindi ba?” saad naman ni Jade sa tabi ko na may icing pa ng cake sa gilid ng labi dahil kanina pa kinukurutan ang maliit na cake na binigay sa akin ni Alonzo kanina. “Well, of course. Parehas kayong magaling, but enough with that cake, Jade. Baka sumakit na ang ngipin mo, and too much sugar is not good for you.” Ngumuso siya pero hindi naman nagprotesta nang kunin