Insatiable Nagising ako sa mahinang usapan na naririnig ko at sa pakiramdam na may mga matang nakatitig sa akin. “What’s with this room, Jayden? It looks like mommy’s room. Why are they sleeping here?” “They’re gonna wake up, Jade. Quiet. Let’s just go.” “Wait, Jayden, bakit nagkalat ang mga clothes nila daddy sa floor?” Idinilat ko ang mga mata at natataranta kong mas iniangat ang comforter sa katawan ko at napabaling ng tingin kay Alonzo na kumukunot-kunot lang ang noo pero hindi nagigising. Shit! Why did he forget to lock the door?! Gusto ko tuloy sabunutan si Alonzo na sa wakas ay nagising na at nakangiting agad na hinalikan ang labi ko. Mabilis ko namang siyang itinulak nang impit na tumili si Jade at nagtakip pa ng mga mata pero may siwang naman ang mga daliri kaya nakikita