I love you “Ba’t hindi na bumaba iyong lover boy mo? Naluto na’t lahat wala pa siya dito.” Nag-init ang pisngi ko sa term na ginamit ni Lexie kay Alonzo pero nagtaka nga din na wala pa si Alonzo. Inilibot ko ang tingin sa paligid ngunit wala pa ngang talaga si Alonzo. “Nasa taas pa ata, baka may ginagawa pa o hindi pa sila tapos mag-usap ni Artemis.” “Mukhang tapos na at mukhang hindi maganda ang pag-uusap nila.” Napatingin ako sa inginunguso ni Lexie at nakita ang paparating na si Artemis. Nagkasalubungan sila ni Sigmund pero tila hindi magkakilalang nag-iwasan hanggang sa pumihit muli pabalik si Artemis patungo kay Sigmund at hilahin ang lalaki. Masama ang hilatsa ng mukha niya at tila galit kay Sigmund na may sinasabi. “You never trusted me!” bigla’y sigaw ni Artemis dahilan