Distorted ALONZO “So, ano nga ang pag-uusapan natin?” tanong ko kay Art at nagsindi ng sigarilyo habang pinagmamasdan sa ibaba si Freya mula sa veranda na kausap si Lexie. “Papaalala ko lang Al, ikaw ‘tong nagsabi kanina na mag-usap tayo.” “Ah yeah yeah.” Iniwas ko ang tingin kay Freya dahil tiyak kong hindi ko lang maiintindihan ang pag-uusapan namin ni Artemis kung nasa kanya ang tingin ko. Damn man, you’re whipped! “Pero mukhang nakalimutan mo dahil nasa kanya ang atensyon mo mula kanina pa.” Tumikhim ako at inaya siya patungo sa study room nang maubos ko ang hawak kong sigarilyo. Sinigurado kong na-i-lock ko ang pinto bago naupo sa sofa at kinuha ang baso ng alak na nadala na pala ng katulong at nilagok iyon. Napapikit ako sa init na dumaloy sa lalamunan ko pero agad din akon