Wedding Dress
Did he know that I was riding in that car? Why did he smirk as if he saw me?
Heavily tinted ang kotse ni Timothy pero kanina ay para bang nakikita ako ni Mr. Wellington na nginisian pa. Ipinilig ko ang ulo at naisip na baka nang-aasar lang siya.
What a weirdo…
“May nangyari pa bang iba?”
Napatingin ako kay Tim sa narinig na tanong niya. “Huh? W-what do you mean?” nautal kong balik-tanong sa kanya hindi masyadong naringgan ang iba niyang sinasabi.
Minaniobra niya ang sasakyan at nag-park na sa harap ng sikat na wedding shop sa Manila na pinili ng ina niya para sa amin.
“I was asking kung may nangyari pang kakaiba sa ‘yo kagabi? Aside from the pervert, woman who saved you, nasakyan mong car na hindi naman pala ang binook mo. May nangyari pa bang iba?”
“Name your price…”
“Love?”
Tumikhim ako at nginitian si Timothy. “Aside sa bulaklak na pinadala mo wala na po. Nakakapanghinayang talagang naiwan ko ‘yon sa bar,” nakanguso kong saad at inunahan na siya sa pagbaba.
Huminga ako nang malalim at tinapik-tapik ang pisngi kinakastigo ang sarili dahil ginugulo ako ng lalaking iyon. Hindi ko na dapat siya isipin pa.
“Let’s go?” akbay sa akin ni Timothy at giniya ako papasok sa wedding shop.
Kahit hindi naman ito ang unang beses na pagtatagpo namin ng Mommy niya ay hindi pa rin mawala-wala ang kaba ko. Palaging ganito sa tuwing nagkikita kami ni Tita Zenaida. Hindi ako kailanman naging komportable sa kanya.
“By the way love, uuwi pala ako kina Papa mamaya. Ako ang magluluto ng dinner for them. Can you come?”
“Nandoon si Ejay?”
Tumango ako. “Oo–”
“Love, it will be better kung sa kasal na lang natin kami magkita. You know he doesn’t like me. I don’t want to ruin your family dinner.”
Napabuntonghininga ako at hindi na rin nagpumilit pa. The last time they met, it was a mess. Muntikan pang ma-hospital si Papa dahil sa pag-awat sa kanilang dalawa.
“Bakit ba kasi hindi na kayo nagkasundo ni Kuya Ejay?”
Hindi niya ako kinibo at pumasok na kami sa loob. Sa entrance pa lang ay natanaw ko na si Tita Zen na nag-angat ng kilay nang makita ako.
“Good afternoon sa pinakamaganda kong Mommy,” bati ni Tim sa Mommy niya at yumakap.
“Good afternoon Tita,” bati ko at bumeso sa kanya.
“Parang nananaba ka yata Freya, you should watch your figure baka hindi magkasya ang gown mo sa ‘yo.”
“Mommy, ano bang sinasabi n’yo? Freya is the definition of sexy. I’m so lucky to be her husband.”
Umiling ang Mommy niya at hindi na nagkomento pa habang ako ay napatingin sa salamin feeling conscious with my body.
Tumaba ba talaga ako? Magda-diet na nga lang ako…
“Tim! Nandito na pala kayo,” bati sa amin ni Tita Aiza na siyang may-ari ng wedding shop at kumare ng ina ni Tim. “Kanina pa naiinip ‘tong Mommy mo. Sabi ko nga’t maaga lang siya at hindi naman kayo late.”
“Okay na ba iyong pinagawa ko, Tita Aiza?”
“Well, of course. Pinahirapan mo ako sa designs pero kinaya naman. Let’s go, I’ll show it to you guys. I’m sure Freya will like it.”
Pinagawa?
“Pinagawa? Anong pinagawa? Hindi ba’t may napili na kami ni Freya na isusuot niya at pina-adjust lang natin.”
"Mom, my soon to be wife should have a wedding gown that's made only for her."
Pinandilatan ko si Tim dahil tiyak kong hindi magiging maganda ang tingin ni Tita Zen dito pero nginitian niya lang ako at iginiya patungong show room.
Dinig ko kaagad ang pag-ismid ni Tita Zen. Hindi nagustuhan na hindi ang napili niyang wedding gown ang isusuot ko sa kasal namin ni Timothy.
Sa simula ng relasyon namin ni Timothy ay okay naman sa akin si Tita Zen kahit na hindi ganoon kainit ang pagtanggap niya sa akin.
Nga lang nang magsama kami ni Tim sa iisang bahay at madiskubre iyon ng mama niya, naging harap-harapan na ang disgusto nito sa akin.
Palaging may panget na napupuna sa tuwing nagkikita kami, lalo na 'pag wala si Timothy.
Batid kong hindi ako ang gusto niya para kay Timothy kaya may mga pagkakataon na gusto ko na lang makipaghiwalay pero sa huli ay hindi ko naman kaya.
"What do you say?"
Umawang ang labi ko nang makita ang wedding gown na halatang ginawa para sa akin. It was the same design Timothy drew for me when he asked for my dream wedding gown.
"It's beautiful, Tita Aiza. You did a great job!"
Habang sinasabi iyon ni Timothy ay naglakad ako patungo sa wedding gown at namamanghang pinagmasdan ang pulidong pagkakagawa no'n.
"Hindi ba masyadong mababa ang neckline niyan?" komento ni Tita Zen na ikinatawa ni Timothy.
"Mommy naman, we're living in a 20th century, besides babagay naman 'yan kay Freya."
"Magkano naman 'yan?"
"Murang-mura na lang nakuha ni Tim 'yan sa akin mare, syempre inaanak ko 'yan kaya may discount na fifty percent. So, two hundred eighty five thousand na lang."
Namilog ang mga mata ko at natigil sa pagtingin sa wedding gown.
"Timothy Uy! Napakamahal naman niyan!"
"Mommy, may ipon naman ako para sa kasal namin ni Freya."
"Kahit na–"
"Mommy, please lang. Huwag na nating pagtalunan pa 'to."
Lumapit sa akin si Timothy at inakbayan ako. "Sukat mo na?"
"Mag-uusap tayo mamaya, Tim," pag-iling ko sa kanya.
***
"Galit ka pa?" abot ni Timothy ng kape sa akin. Parang batang nagtatanong sa kanyang ina.
Sa isang coffee shop kami dumiretso mula sa wedding shop. Hindi na sumama sa amin si Tita Zen magmeryenda na halatang hindi talaga nagustuhan ang pagbabago ng plano ni Tim para sa wedding gown ko.
Bumuntonghininga ako at humilig sa balikat niya. Nakokonsensya naman ako na inaway ko pa siya kanina sa kotse when he just wanted to surprise me.
"Love, hindi naman ako galit sa 'yo. Kaso dapat kasi tinanong mo muna ako. Tama naman si Tita, masyadong mahal ang gown na 'yon–"
"Compared to all the things you gave to me, the price of that wedding gown is nothing. Mas mahal pa din kita compare sa presyo no'n."
"Ikaw talaga! Masyado mo akong mahal. Nakakatakot na."
Kumunot ang noo niya. "Nakakatakot?"
"Oo, may nabasa kasi ako sa socmed, iyong guy ganyan na ganyan. Kesyo mahal na mahal pero nag-cheat pa din naman."
Natahimik siya at agad akong lumayo sa kanya nang makita ang reaksyon niya.
"Ba't ganyan hitsura mo? Don't tell me gagaya ka sa lalaking 'yon?"
Tumawa siya at pinisil ang pisngi ko. "Kung anu-anong binabasa mo–"
Inalis ko ang kamay ni Tim sa pisngi ko at tinampal iyon nang tumunog ang cellphone ko.
Napabuntonghininga ako nang makita ang tumatawag pero sinagot ko din naman.
"Your mom?" tanong ni Tim na tinanguan ko lang.
"Hello baby girl?"
"Ma, what's up?"
"Tumatawag ka kagabi, hindi ko na nasagot. Mission failed baby, ayaw na talaga sa akin ng Papa mo."
"Huwag na lang natin siya pilitin pa, Ma. Nagalit din sa akin sila Kuya eh."
"Hay Freya, gusto ko lang naman sila makita para mag-sorry. Hindi mo ba talaga sila mapapapayag na kitain ako?"
"Hindi muna sa ngayon Ma, how about sa wedding ko? We'll see then."
"Okay sige. Speaking of, ikakasal ka na pala pero hindi ko man lang nakikita iyong mapapangasawa mo kahit sa picture nalimutan mo na ipakita."
"Then, how about tomorrow we eat up with him?"
"Really? Ipapakilala mo talaga ako?"
"Yes ma, see you tomorrow night?"
"Okay baby girl, I love you."
Nang maibaba ko ang tawag ay sinimangutan ko si Timothy na dinidikit ang tenga niya sa phone ko kanina.
"Ahhh, baby girl," subo niya sa akin ng cake na tinanggap ko naman pero nakatikim siya sa akin ng hampas.
"Don't tease me, Timothy Uy."
He laughed then became serious. "It didn't work out?"
Bumuntonghininga ako at umiling. He knew my plan of helping my mother. Due to our busy schedules, kahit ilang buwan na ang nakakalipas simula nang makabalik si Mama from Cagayan de Oro, hindi pa sila nagtatagpo.
"Take it easy, I'm sure everything will be okay."
"Sana nga, I know Mama did us so bad before but I'm still hoping na hindi man sila magkabalikan ni Papa, at least maging okay kami as a family."
"Knowing you, I'm sure magagawa mo silang mapag-ayos. Nabago mo nga ang basagulero at walang direksyon sa buhay na si Timothy eh,” nakangiting paghaplos niya sa pisngi ko.
After our snacks, hinatid niya na ako sa bahay namin. Hindi ko na siya pinilit bumaba pa at pinayuhan ko na lang na magpahinga pagkatapos niyang pumunta sa security office ng subdivision namin para sa CCTV na hinihingi niya.
"Winwin!" tuwang-tuwa na salubong ko sa aso ni Kuya Darius na isang golden retriever. Nilundag niya ako dahilan para matumba ako. Napatili ako nang pagdidilaan niya ang mukha ko.
Mabuti na lang kahit ilang buwan na akong hindi nakakauwi sa amin ay kilala niya pa rin ako.
“Winwin!” saway sa kanya ni Kuya Darius dahilan para kumalma na ang aso at nanakbong pumasok ng bahay.
Tinulungan ako ni Kuya Darius at nilundag ko naman siya para yakapin.
“Kuyaaaa, I missed you!”
Ibinaba niya ako at ginulo ang buhok ko. “Kung makalundag ka diyan, parang bata ka pa din. Mag-aasawa ka na’t lahat, ang gaslaw mo pa din Freya Cressida,” nanenermon niyang saad ngunit may maliit na ngiti sa labi.
“Si Kuya Ejay?”
“Kakagising lang, nasa dining nagkakape kasama si Papa.”
“Galit ba sa akin si Papa?” napapangiwing tanong ko nang akbayan niya ako papasok ng bahay.
“Kelan ba nagalit ang Papa sa prinsesa niya?”
Ngumuso ako. “Noong nalaman niyang si Timothy ang kasama ko sa bahay at hindi ang bestfriend ko na si Aicel?”
Sinamaan niya ako ng tingin at mahinang binatukan. “Kagalit-galit talaga ang bagay na ‘yon.”
Umabrisete ako sa kanya at inakap siya sa bewang. “I love you, Kuya,” malambing kong saad.
Ginulo niya lang ang buhok ko at hindi tumugon. Gayunpaman ay alam kong mahal na mahal ako ng Kuya ko. Words not needed to know that.
“Paaaa! I missed you,” akap ko kaagad sa ama ko na palabas na ng dining area balak na malamang na salubungin ako.
“Aba’t hindi ka ata nagpasabi na pupunta ka.”
“Nagsabi ako kay Kuya D, kaso sabi ko ‘wag sabihin sa inyo para surprise. Baka rin kasi magkaroon ng biglaang lakad ang isa diyan,” pagpaparinig ko kay Kuya Ejay na tahimik lang na humigop ng kape niya.
Humiwalay ako kay Papa at nilapitan siya. “Hi Kuya E, how’s your flight?”
“Smooth,” tipid na sagot niya sa akin.
Nagtungo ako sa likod niya at yumakap sa leeg niya. “Kuya, I missed you…hindi mo ba ako na-miss?”
Inalis niya ang braso ko sa leeg niya at tumayo. Malulungkot na sana ako dahil akala ko aalis na siya ngunit napangiti ako nang higitin niya ako at yakapin.
“Siyempre na-miss din kita. May uwi ako sa ‘yo from Hongkong.”
“Really?!” excited kong tugon.
Mahina siyang tumawa at pinisil ang tungki ng ilong ko. “Para pa ding bata,” saad niya na ikinatawa din nila Papa.
“It’s in my room. Nasa bed ko, go get it.”
“Yay!” sigaw ko at nanakbong nagtungo sa kwarto niya.
Umawang ang labi ko nang makita ang mga label ng paper bags na nasa kama. Branded clothes, shoes, and bags.
“OMG! What’s this? Ang mamahal nito Kuya!” lingon ko sa kanila na sinundan ako.
“Open it.”
“Here’s my gift for you, bunso,” abot naman sa akin ni Kuya D ng isang maliit na paper bag.
“Hindi ko naman birthday ah. Kayo talaga,” nag-iinit ang mga matang saad ko at isa-isang binuksan ang mga regalo nila sa akin.
Umawang ang labi ko nang makita ang sapatos na alam kong babagay sa wedding gown ko. It’s a glass slipper from a well-known brand.
“Wear that on your wedding day,” ani Kuya Ejay.
“Kuya!” I cried and hugged him.
“Open mine, bunso.”
Kinuha ko naman ang paper bag na binigay ni Kuya Darius at umawang ang labi ko nang makita ang complete set of jewelry. Kuminang-kinang pa ang mga diyamanteng bato na naroroon.
“You guys! A-ang mamahal talaga nito!” pag-iyak ko at umakap sa kanilang dalawa.
“Siyempre mahal ka ng mga kuya mo eh, pero magpapahuli ba si Papa?”
Humiwalay ako sa mga nakakatandang kapatid ko at napatitig sa envelope na inaabot sa akin ng ama ko.
“W-what’s that, Pa?”
“Buksan mo na lang.”
Kinuha ko iyon at nalaglag ang panga ko nang mabasa ang nilalaman no’n. It’s a house and lot property title owned by me.
“Papa!”
Tumawa ang ama ko at inakap ako. “Alam kong may ihahanda naman ng bahay sa ‘yo si Tim pero talagang kinuha ko ang bahay at lupa na ‘yan when you graduated from high school. Para sa ‘yo talaga ‘yan. Pwede mong ipamana din ‘yan sa mga magiging apo ko.”
“Grabe kayong tatlo! Mahal na mahal n’yo talaga ako. Ang swerte-swerte ko!” umiiyak kong saad at pinagyayakap silang tatlo.
"Sipon mo Freya, natulo! Dumidikit pa sa damit ko kakaligo ko lang!" pagtulak sa akin ni Kuya Ejay at nang-aasar naman na mas isinubsob ko pa ang ilong ko sa t-shirt niya.
Lord, thank you for this family.