Kabanata 5

1461 Words
Stabbed The crowd is getting wild as it approaches midnight. Mas dumarami na kasi ang tao na lango na sa alak na mga nainom. Napaparami na rin ang inom ko kaya nasasabayan ko na ang pagiging wild ng mga kasama ko. Napatigil ako sa pagsasayaw nang makaramdam ng kamay na gumagala sa maseselang parte ng katawan ko. Galit na nilingon ko ang lalaki sa likod ko na nginisian pa ako. Sa inis ko ay sinampal ko siya. “Pervert!” sigaw ko at lumayo sa kanya. Doon ko na napansin na napalayo na pala ako sa mga kasama ko. “Oh come on, I know you want it, huwag ka nang pakipot, Miss.” Kinilabutan ako nang maramdaman ang pagkiskis ng matigas na bagay sa likod at marinig ang binulong niya sa ‘kin. “Your place or mine?” “Damn you!” sigaw ko at tinulak siya. Tangkang susunod pa siya sa akin nang may humarang na lalaki sa gitna namin. Kinuha kong pagkakataon iyon para matakasan ang manyak na sumira sa pagsasaya ko. “F*ck! I’m bleeding! Help me!” Kunot-noong napalingon ako sa malakas na boses na iyon at napalunok nang mamukhaan ang lalaking nambabastos sa akin na sapu-sapo ang tagiliran niya. Natutop ko ang bibig nang makita ang dugo sa kamay niya. Someone stabbed him? Nagsigawan ang mga tao at nagkaroon ng gulo, nag-uunahan ang lahat sa paglabas na natutulak na ako. Muntikan akong matumba nang may maramdaman akong kamay na humawak sa pulsuhan ko at hinila ako palayo sa mga nagkakagulong tao. “W-who are you?” anas ko sa humihila sa akin na…babae? Kumawala ang mahaba niyang buhok sa cap na natabig ng mga nagkakagulong tao. She’s wearing a mask and shades. Binitiwan niya ako nang makarating kami sa labas ng bar. “Freya!” Napalingon ako sa tumawag sa akin at nakita sila Nathalia na mukhang hinahanap ako. Pagtingin ko sa babaeng tumulong sa akin ay nawala na siya. “Mabuti naman at nakalabas ka! May nasaksak daw sa loob ah.” Wala sa loob na napatango ako at nasapo ang dibdib kong malakas ang pagtibok ng puso. “O-oo nga eh,” tanging nasabi ko na lang at naalala na ang lalaking iyon ang siyang bumastos sa akin. Mukhang pare-parehong nawala ang mga kalasingan namin sa nangyari maliban kay Ate Janna na halos mahiga na sa daan. “I guess the party's over. See you in your bridal shower, Freya! We’ll miss you. Sayang at hindi ka na namin makakasama sa susunod na show.” “Dadalaw ako sa teatro kapag hindi busy.” Kumaway ako sa mga kasamahan ko na nagsisakayan na sa kani-kanilang mga sundo. “Sigurado kang hindi ka na sasabay, Freya?” Umiling ako at humikab nakaramdam na ng antok sa pinaghalong alak at pagod sa araw na ito. “Nakapagbooked na ako, he’ll be here in a minute,” sagot ko sa tanong ni Sabel. Gusto ko mang sumabay sa kanila ay magiging abala dahil out of the way ang apartment namin ni Timothy. Wala pang minuto na nakakaalis silang lahat ay may huminto ng kotse sa harap ko. Sumakay na ako ro’n at tinawagan si Tim para sabihing pauwi na ako ngunit hindi naman siya sumasagot. Nakaramdam ako ng hilo sa nainom kaya pinikit ko ang mga mata ko at hindi na namalayang nakatulog na ako. Naalimpungatan ako nang tumunog ang cellphone ko. Namatay din naman iyon kaya hindi ko na pinansin pang muli. Pagbaling ko sa labas ay nakita kong nandito na pala ako sa apartment namin. “B-bakit hindi n’yo po ako ginising?” tanong ko at nagpasalamat bago bumaba. Wala pa siya? Sa isip ko nang makitang nakapadlock pa rin ang gate namin. Habang hinahanap ko ang susi ay muling tumunog ang cellphone ko. Sinagot ko iyon at napatda sa mga narinig sa kabilang linya. “Ma’am naman, kanina pa ho ako tawag nang tawag. Wala po kayo dito sa pin location n’yo.” “P-po? Ano po bang sinasabi n’yo Sir, nandito na po ako sa bahay. Hindi po ba kayo iyong nasakyan ko?” “Ho? Ay hindi po! Mukhang lasing na ho yata kayo—” Ibinaba ko na ang tawag at nanginginig ang kamay na sinusian ko ang padlock. Muntikan pa akong madapa pagpasok ng garahe sa panginginig ng tuhod ko. Kung hindi iyong na-book ko ang sinakyan ko, sino iyon at bakit alam niya ang bahay namin ni Tim? Nasapo ko ang noo ramdam ang matinding takot nang makapasok. Pinagsasara ko ang pinto maging ang mga bintana bago ako pumanhik sa kwarto namin ni Timothy. Napaupo ako sa kama at dinayal ang numero ng fiancee ko pero hindi naman siya sumasagot. Tim, where the hell are you? Hindi ko na nagawang makapagpalit na ibinagsak ko ang katawan sa kama. Nakatulugan ko na ang pag-iisip kung sino ang nasakyan ko at bakit alam niya kung saan ako nakatira. Nagising ako sa mumunting halik sa mukha ko. Pagdilat ko ng mga mata ay nakangiting mukha ni Timothy ang bumungad sa akin. Napapikit ako nang halikan niya ako sa labi pero bago niya pa mapalalim iyon ay tinulak ko na siya nang maalalang madaling-araw na ay wala pa siya sa bahay. “Anong oras ka umuwi?” nakasimangot kong tanong sa kanya at bumangon. Tumikhim siya. “Sorry love, mga past six na ako nakauwi. I got so wasted last night. Hindi na ako naihatid nila Raul dito sa bahay dahil nakainom na din sila.” “Really? Saan ka natulog kung ganoon?” “Kina Jimmy,” kaswal niyang sagot sa akin. Pinakatitigan ko ang mga mata niya pero nagbaba rin ako ng tingin nang maramdaman ang pananakit ng ulo ko. Hangovers sucks! “I cooked some chicken soup. May meds din ako for your headache. How about some chocolate cake after?” Napanguso ako at niyakap si Timothy dahil alam na alam niya talaga ang mga gusto kong kainin kapag may hangover ako. “Wala ka pang maayos na tulog, papasok ka pa niyan.” Umiling siya at hinalikan ang gilid ng noo ko. “Nakaidlip naman na ako pero hindi ako papasok. We’re going to the wedding shop right?” Nahampas ko ang noo nang maalala iyon. “Oh shoot!” Napatingin ako sa orasan at napangiwi nang makitang past nine na. Eight ang schedule namin sa wedding shop. “Magagalit na naman sa akin ang Mommy mo.” “Nah. I called them, niresched ko mamayang after lunch. Told her I had an important meeting.” Nakangiting tiningala ko siya. “You’re the best, Timothy Uy! Pero this will be the last time na magpapaumaga ka ah, mamaya niyan hindi ka pala kay Jimmy talaga tumuloy. Baka nakipag-ONS ka diyan,” ismid ko. Pinisil niya ang pisngi ko. “Let me prepare your bath nang hindi kung anu-ano ang naiisip mo.” “I’ll ask for a copy of the CCTV sa security guard. Let’s check the plate number kung sino iyon,” ani Timothy habang nagmamaneho na siya pauwi nang maikuwento ko sa kanya ang nakakatakot na nangyari kagabi. “Hay nako nakakatakot talaga, and there’s one thing that happened last night. May nambastos sa akin and the next thing happened so fast, someone stabbed him. Nagkagulo nga sa bar, buti may tumulong sa akin para makalabas ako.” “Nambastos? Sino ‘yong hayop na ‘yon. Mabuti nga sa kanya at nasaksak siya. I hope he’s not doing well.” Napailing ako sa naging reaksyon niya. “Ikaw talaga! Even if he’s a pervert. That’s still a crime.” “You’re really an angel. Pero mabalik tayo sa sinabi mo. Someone helped you? Is it a guy?” Napangiti ako nang mahimigan ang pagseselos sa boses niya. “Nope. He’s not a knight in shining armor but a woman with a mask.” “Woah, kung sino man siya, lubos ang pasasalamat ko na tinulungan niya ang asawa ko.” “Asawa ka diyan. Hindi pa tayo kasal.” Tumawa siya. “Malapit na malapit na kaya–” Sunod-sunod na nagmura si Tim nang may mag-overtake na sasakyan sa harap namin. “Porke’t maganda ang kotse ang yabang na!” sigaw ni Timothy na namula ang tenga senyales na nagalit siya sa kung sino mang nagmamaneho na iyon at sunod-sunod na bumusina bago binilisan ang pagpapatakbo balak na habulin ang sasakyan. Hindi ako maalam sa kotse pero sa hitsura pa lang nga no’n ay tiyak kong hindi biro ang halaga no’n. Convertible iyon at nakaangat ang bubong. “Timothy, ‘wag mo nang patulan. Slow down,” utos ko sa kasama ko at napalingon sa kotse na napantayan na namin. Umawang ang labi ko nang makita ang nagmamaneho no’n. That man. Mr. Wellington.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD