Caroline
NGITING-ngiti kong pinagmasdan ang sarili sa full body mirror sa kwarto namin ni Timothy tuwang-tuwa sa suot-suot kong dress na siyang binigay ni Kuya Ejay. It’s a black corset bodycon dress that hugged my curves. Bumagay pa roon ang short-strap shoulder bag na bigay niya rin.
Napangisi ako at natiyak na hindi totoong wala pang girlfriend si Kuya E. Knowing him, hindi niya ako pipilian ng ganitong damit kung siya ang pumili nito. Someone helped him, and I hope I could meet that woman.
I had a great time last night with my family. Doon ako nag-sleepover at tulad noong high school pa ako ay nagpuyat kami sa kakapanood ng mga horror movies.
“Sexy,” sipol ni Timothy na kakatapos lang mag-shower.
Basa-basa pa siya kaya tumatawang umiwas ako sa kanya nang tangkain niyang yayakapin ako mula sa likod.
“How do you like my outfit?”
“Too revealing but it looks good on you that I want to devour you,” pagkindat niya kaya napapahagikhik na binato ko siya ng unan na maagap niyang nasalo.
“Well I’m sorry, Mister. Male-late na tayo sa dinner kasama si Mama kaya magbihis ka na,” saad ko’t isinuot naman ang napili kong accessories ngayong gabi.
“Bigay ni Kuya Darius?”
Umiling ako. “Bigay ni Kuya E.”
Natahimik siya at napatango. “Mukhang hindi siya ang pumili, he doesn’t like you wearing revealing clothes.”
Napabuntonghininga ako. “Talaga bang hindi na kayo magbabati ni Kuya Ejay?”
Tumawa siya at nagsimula nang magsuot ng damit. “Love, sinubukan ko namang kaibiganin ulit ang Kuya mo sadyang badtrip na lang talaga siya sa akin. Huwag na lang muna nating pilitin.”
Napanguso ako. “Talaga bang dahil lang sa ginirlfriend mo ako kaya kayo nag-away ni Kuya E?”
Tumikhim siya at tumango. “Yeah, I broke our bro’s code. Ba’t kasi ang ganda at ang bait mo?”
Inilingan ko lang siya at nilapitan siya para ako mismo ang magbutones ng suot niyang polo. “Oh by the way, Rayver called me. Hindi raw nakarehistro iyong plate number ng kotseng sinakyan mo.”
“R-really? Sino kaya ‘yon?” kinabahan na namang muli kong tanong.
I have been so paranoid since yesterday because of what happened. Pakiramdam ko ay may nakamatyag sa akin.
I snapped out from my reverie when Timothy kissed me on my lips. “Are you worried?”
Umiling ako at yumakap sa kanya. “I’ll stop thinking about it. I’ll be fine, nandiyan ka naman to protect me right?”
“Of course. I won’t let anyone hurt you.”
He was about to kiss me again when my phone rang. Tumatawang lumayo ako sa kanya at sinagot ang tawag ni Mama saying that she’s already on the way to the restaurant.
“Ilang taon na nga ang Mama mo?” tanong ni Timothy habang nagmamaneho na siya patungong restaurant.
“Forty six. She’s only seventeen when she got pregnant with Kuya Darius. I was actually thinking that maybe that’s the reason why she left us? She’s still young and probably hindi niya pa na-enjoy ang youth niya?”
Napailing si Tim sa sinabi ko. “I hate to say this. I can see that you really love your mother despite what she did. But come on, you’re what? Six or seven when she left? That’s still not a reason to abandon you and your brothers.”
Bumuntonghininga ako at tumango. “There’s just something wrong with me ano? Ewan ko ba.”
He chuckled. “Nothing’s wrong with you. You’re just nice and you always see good things in people around you. You always have reasons behind their actions.”
“Yes but when it comes to cheating, walang reason reason sa akin. Kaya ikaw–”
“Can you stop it, love? Parang palagi mo na lang binabanggit ‘yan. Tigilan mo na ang pagbabasa ng kung anu-ano,” masungit niyang pagputol sa akin.
“Timothy Uy, galit ka?” nakangusong tapik ko sa hita niya. “Sorry na, nagbibiro lang naman ako.”
Hinuli niya ang kamay ko at dinala sa bibig niya’t masuyong hinalikan. “I’m not mad. Kailan ba ako nagalit sa ‘yo? I love you, Freya. I can’t wait to marry you.”
Parehas may ngiti sa labi na pumasok kami sa paborito naming restaurant sa Timog kung saan ko pinapunta si Mama.
“Oh shoot, I forgot my wallet in the car. Kunin ko lang mauna ka na sa reserved table natin.”
“Dala ko naman wallet ko–”
“Anong image ang mabibigay ko sa mama mo kung ikaw ang pagbabayarin ko ng dinner natin?”
Napapailing na tinawanan ko siya. “Fine. Bilisan mo.”
“Reserved table for Mr. Uy,” saad ko sa server na lumapit sa akin.
“Let me check it, Ma’am.”
“Sa taas po iyong pina-reserve ni Sir, let me guide you, Ma’am,” saad niya nang ma-confirm ang reservation namin.
“What drinks would you like to have, Ma’am?” saad ng server sa akin makalipas ang ilang minuto na hindi pa din dumarating si Timothy.
Nagtaka na rin ako na wala pa si Mama dahil ang huli niyang message ay pababa na siya sa restaurant.
“I’ll just wait for my companions.”
“Okay, Ma’am.”
Kumunot ang noo ko nang masulyapan ang relo ko at makitang higit sampung minuto na at wala pa rin si Timothy. Tatayo na sana ako nang sumulpot na siya.
“Finally, ba’t ang tagal mo?”
I got worried when I saw his pale face. “Are you okay?”
“Ah yeah, napa-rest room lang ako. My stomach is not feeling well suddenly.”
“Ayan na nga ba ang sinasabi ko sa ‘yo, nag-nachos ka kanina. Ang daming cheese no’n–”
“Freya…”
Natigil ako sa panenermon sa fiance ko nang marinig ang boses ni Mama.
“Ma, what took you so long? Sabi mo kanina pababa ka na.”
Umawang ang labi niya at napatingin kay Timothy na naiwanan ko nang malapitan ko siya. Umabrisete ako sa ina ko at inilapit siya sa mapapangasawa ko na sumama talaga ang pakiramdam dahil parang mas namutla pa siya.
Tumikhim si Mama at tumawa. “I’m sorry, someone called me. Kinausap ko muna bago ako pumanhik. This place is nice by the way.”
“This is our favorite restaurant. Masarap din ang pagkain dito.”
Bumitaw ako sa ina ko at umangkla kay Timothy na siniko ko pa dahil tila nabatubalani sa ina ko. Hindi ko na iyon ikipinagtaka, marahil nagulat siya na parang hindi mapagkakamalan na ina ko si Mama.
Parang kaedad ko lang siya at hindi na magsisingkwenta ang edad.
“Timothy, meet my mama, Caroline.”
“Ikaw pala si Timothy, ang lalaking papakasalan ng anak ko. Nice meeting you, Timothy.”
Siniko ko si Timothy nang hindi niya tanggapin ang kamay ni Mama. Tila natauhan na tinanggap niya iyon ngunit mabilis ding binitiwan.
“Are you okay?” bulong ko sa kanya nang makaupo na kami.
Tumikhim si Timothy at tumango. “Yes of course, sorry.”
“Can you eat? Nagloloko ba ang tiyan mo? Do you want me to buy some meds–”
“No need love, I’m fine.”
“Bagay na bagay kayong dalawa,” nakangiting saad ni Mama dahilan para matigil ang pagbubulungan namin ni Timothy. “Gaano na nga kayo katagal, baby girl?”
“Mama naman, baby girl ka na naman diyan.”
She laughed. “Oh I’m sorry, did I embarrass her, Timothy?”
Mahinang tumawa si Timothy. “No Ma’am, bagay na bagay nga kay Freya ang tawag n’yo. She’s my baby girl.”
Hinampas ko sa braso si Timothy sa sinabi niya. “Isa ka pa.”
“Ma’am? How about you call me Tita or Mama? Pwede din namang…Carol.”
Kumalansing ang natabig na kutsara ni Timothy sa hindi ko malamang dahilan. He awkwardly laughed and excused himself.
“Sorry Ma, ang tigas kasi ng ulo ni Tim. Nagkain pa ng nachos kanina na maraming cheese kahit lactose intolerant siya, ayan sinasamaan ng tiyan,” pag-iling ko.
Hindi naman kumibo ang ina ko at tipid lang na ngumiti.
“Mahal na mahal mo siya ano?” kapagdaka ay tanong niya.
Tumango ako. “Sobra Ma. Hindi ko alam kung anong magagawa ko kung mawala siya sa akin.”
Hindi ako mapakali nang maka-order na kami’t lahat ni Mama ay wala pa din si Timothy kaya nag-excuse muna ako kay Mama at sinundan ang fiancee ko sa restroom.
“Tim?” tawag ko mula sa labas ng banyo.
“Timothy?” pag-uulit ko nang lumipas ang ilang minuto na hindi pa din siya lumalabas.
Hindi na ako nakatiis at kahit men’s room iyon ay pumasok na ako.
“Timothy!” sigaw ko nang makita siyang nakasadlak sa sahig at wala ng malay.
Naiiyak ko siyang nilapitan at tinapik-tapik ang pisngi para gisingin siya ngunit hindi siya magising-gising.
“Tulong!” sigaw ko.
Napatingin ako sa pinto sa cubicle na bumagsak pero bago ko pa mausisa iyon ay may sumulpot na lalaki.
“Anong nangyari?”
“T-tumawag ka ng ambulansya! He passed out!”
Umiiyak na binalingan ko si Timothy at niyakap siya.
Please wake up!
***
ALONZO ‘MONSTER’
“SINO ba kayo?! Pakawalan n’yo ako dito!”
“Boss?”
Nakangising pinagmasdan ko ang babaeng nagwawala sa kwartong inilaan ko para sa kanya.
Inubos ko ang baso ng alak at sinulyapan si Sigmund. “Nakausap mo na ba si Marchessa?”
“Oo boss, papunta na daw.”
“Good, dalhin mo na iyong kontrata dito,” may mapaglarong ngiti sa labi kong saad at muling binalik ang tingin sa babaeng ngayon ay nag-iiyak na sa loob ng white room.
The silence. The emptiness.
I bet it’s killing her.
But I don’t pity her. She deserved it for being a demonic woman. She killed an innocent child after all.
“Monster!”
Nang marinig ang boses ng hinihintay ko ay pinindot ko ang remote para hindi muna makita ni Marchessa ang babaeng pinakamamahal niya.
Tumayo ako sa kinauupuan at sinalubong si Marchessa na agad akong tinutukan ng baril. Namumula ang mga mata niya sa galit.Tumawa lang ako at inutusan ang mga bata kong ibaba ang baril na itinutok naman nila sa kaibigan ko.
“Are you sure you can pull the trigger, Marchessa?” saad ko at pinindot na ang remote dahilan para makita niya na ang kabit niya.
“Damn you! Pakawalan mo si Caila!” sigaw niya sa akin nakikitaan ko ng takot ang mga mata.
“Boss, andito na iyong kontrata,” sulpot ni Sigmund hawak-hawak ang kontrata na susi para makuha ko ang minimithi kong partnership sa mga Ynares.
“Madali naman akong kausap, Marchessa. Just sign the goddamn papers and we’re done,” saad ko.
Nagtagis ang bagang niya at binato ang kontrata na inaabot sa kanya ni Sigmund matapos mabasa iyon.
“Tuso ka talaga! Sa tingin mo ba sa gagawin mong ‘to, mas mapapapayag mo akong pumirma! Eighty million for that property?! One hundred nga ang una mong offer–”
“But you declined it, Marchessa,” putol ko sa kanya at muling bumalik sa kinauupuan.
I push another button on the remote that I’m holding. Sumilay ang ngiti sa labi ko nang makita ang usok na nagsimulang punuin ang white room.
“That’s why I’m offering you another price.”
“Sino namang siraulo–anong nangyayari?!”
“Tulong! Tulong! Omygod! Kung sino ka man, pakawalan n’yo na ako dito! I don’t want to die! Help me please!”
“Anong ginagawa mo, Monster?! Anong usok ‘yan?!”
“It will only take two minutes before she loses consciousness from the smoke that she’s inhaling. Then bam, she’s going to be dead. Are you going to sign it or not?”
“You’re a demon!”
Tangkang susugurin niya ako nang tutukan siya ng baril sa ulo ni Sigmund.
“Clock is ticking, Marchessa,” saad ko at tinuro ang timer na nasa dingding.
Kita ko ang gitla ng pawis na namuo sa noo niya bago inilahad ang palad niya.
Inabot sa kanya ni Sigmund ang kontrata at saglit pa siyang nag-alangan na pirmahan iyon. Pinindot ko ang remote at sinenyasan ang mga tauhan kong ilabas ang babae niya.
“You know that I can contest with this contract–”
“Really? What if I send this to your wife?”
Nakita ko ang takot sa mga mata ni Marchessa nang makita ang live show nilang dalawa ng kabit niya.
“P-paanong?”
Nakangising sinulyapan ko ang babae na umiiyak na tinakbo si Marchessa at niyakap ngunit natigilan nang makita ang video na naka-play. Pinatay ko iyon at nginisian silang dalawa.
“Sa susunod, kilalanin mo ang kakalabanin mo Marchessa. Mabait akong kaibigan pero masama akong kaaway.”
Masama ang naging tingin sa akin ni Marchessa. “N-nabigay ko na ang hinihingi mo. Tigilan mo na kami ng pamilya ko!”
“Pamilya? Kasama ba ang kabit mo sa pamilyang tinutukoy mo? Poor Helga,” palatak ko tinutukoy ang asawa niya na nagluluksa pa rin sa pagkamatay ng nag-iisa nilang anak ni Marchessa.
“Benedict, please! Ilayo mo na ako dito! This place is so scary!”
“Let me give you a piece of advice, Marchessa. Don’t trust too much because it can kill you.”
Papalabas na sila nang umalingawngaw ang panibagong boses sa paligid namin. This time, it’s not their loud moans but a cry of a child.
“Tita C-caila, h-help me please…”
“W-what the f*ck? Herlene? A-anong kinalaman mo sa pagkamatay ng anak ko, Caila?!”
Umismid ako at iniwanan na sila hindi na nais makita pa ang susunod na mga pangyayari.
That’s what you get for betraying your family, Marchessa.
Sinalubong ako ni Mon na may dala-dalang envelope. Agad kong kinuha iyon at napailing nang makita ang mga larawan.
“Poor Freya Cressida…”
“Boss, heto na iyong video.”
Napapalatak ako nang makita ang video ng dalawang taong nagtatalik.
Bastard…
Ginawa mo pang iukit ang pangalan niya sa likod mo pero gagaguhin mo lang din naman pala?
Nagtatagis ang bagang na ibinato ko ang cellphone na binigay ni Mon at inapak-apakan pa iyon para tuluyang mawala ang ingay na nililikha no’n.
“Anong plano n’yo, boss? Two weeks na lang ay nakatakda na ang kasal nila. Ipapadala na ba namin?”
Umiling ako. “Send it before the day of their wedding. Mas masaya ‘yon hindi ba?”
“Boss, may hindi pa ko nasasabi. Iyong babae sa video…”
Napangiwi ako nang marinig ang sumunod na sinabi ni Mon.
Mag-ina pa talaga?
Should I bring him to the white room?
Nah. That won’t be fun.
Ngumisi ako. “Sigmund, bring me some heaven. May pagbibigyan lang ako.”
“Ikaw mismo, boss?”
Hindi ako sumagot at tumawa lang bago tinanggap ang maliit na box na naglalaman ng gamot na magpapatulog sa kanya nang medyo matagal.