Kabanata 4

1543 Words
Mr. Dangerous “Freya, let’s dance!” aya sa akin ni Ate Janna pero tumawa lang ako at inilingan siya. Ilang oras pa lang kami sa bar na kinaroroonan ay mukhang naparami na ang inom niya at handa nang makipagsabayan sa mga nagsasayaw sa dance floor sa baba. “Ano ba naman ‘to! Let’s have some fun! Parang kanina ka pa wala sa mood–” Hindi na niya natapos ang sasabihin nang hinila siya ni Nat na kinindatan ako. “Mamaya na si Freya, nagwa-warm up pa siya. Tayo muna ang magsayaw, Ate Janna.” Napapabuntonghininga na ininom ko ang piña colada sa harap at tinanaw na isa-isang nawala ang mga kasama ko sa table. Nagsisimula nang magkasiyahan ang lahat pero wala ako sa mood na makisama sa kanila. Sinulyapan ko ang cellphone ko at pinakatitigan ang message na natanggap ko mula sa ama ko pagkatapos ng dinner namin bago dumiretso dito sa bar para magkasayahan. Wala nang mangyayari sa amin ng mama mo. Huwag mo nang uulitin ito. Sa tono pa lang ng ama ko ay alam ko nang hindi niya nagustuhan ang plinano ko ngayong gabi para sa kanila ng ina ko. Napangiwi ako nang makatanggap naman ng tawag mula sa nakakatanda kong kapatid na si Kuya Darius. Siguradong lilitanyahan ako nito sa ginawa ko ngayong gabi. “Hello Kuya?” “San ka? Ba’t ang ingay ng background mo? Nasa bar ka? Anong oras na ah, kasama mo ba si Tim?” Napangiti ako nang mahimigan ang striktong boses ni Kuya Darius. Kahit na matagal na akong nakahiwalay sa bahay, hindi pa rin nawawala ang pagiging overprotective niya sa akin. “Hindi ko kasama si Tim, Kuya. We’re in a bar. Celebrating our last show na hindi mo man lang pinanood.” “A-about that, I’m sorry bunso. Busy lang talaga sa work.” Napangisi ako. “Busy sa work o may iniiwasan?” My brother Darius Vazquez worked for an engineering firm in Makati. I know that he’s really busy with his job but he’s my number one fan and he always watches my performance but after he broke up with her girlfriend, he stopped coming to our shows. Her ex-girlfriend named Nathalia who just saved me a while ago. They’ve been together for almost two years until all of a sudden, they broke up. He scoffed. “I’m busy. Wala siyang kinalaman doon. But anyway, I called just to warn you.” Napalunok ako at nagmaang-maangan. “Warn me from what?” “Huwag mo nang subukang maging tulay nila Papa at ng babaeng ‘yon–” “Kuya naman, she’s our mother. You can call her mama–” “Tatawagin ko siya no’n kung deserve siyang tawagin no’n. Did you know that our father drank again after so many years just because she met with that woman?” Nakagat ko ang labi sa sinabi niya at nasapo ang noo. “He did?” malungkot ang boses kong tanong. “Freya…I know you just wanted us to reconcile with that woman. Gusto mong bago ka ikasal ay ayos na tayo sa kanya pero gusto ko mang ibigay sa ‘yo ‘yon, I’m sorry but I can’t. The last time we tried to accept her, she messed up everything. Besides, Papa’s better off without her.” “Kuya, ang sabi niya naman ginamit niya ang pera na ‘yon–” “Para magpagamot? Do you really believe her? Iyong pera na ‘yon na itinakbo niya ang dahilan kaya nagkandahirap tayo noon! Remember? That year, we lost Lola, nalimutan mo na din ba ‘yon?” I suddenly felt guilty with what Kuya said. “I understand Kuya. I promise h-hindi ko na ‘to uulitin. Naawa lang kasi ako eh.” “Hay nako, naawa ka na naman. Baka nagbigay ka pa ng pera diyan–” “Kuya hindi, she’s financially stable now. Hindi niya kailangan ng pera ko.” “Whatever, Freya. Susunduin ka ba ni Tim? Do you want me to pick you up?” “Hindi na Kuya, I know you’re tired from work. I’ll call Tim na lang. Tell Papa I’m sorry.” “You do it. Come here tomorrow, ipagluto mo kami ng lunch.” "Fine, I'll cook sinigang na hipon for you and Papa. How about Kuya Ejay? May flight ba siya?" tukoy ko sa isa ko pang nakatatandang kapatid na piloto naman ang propesyon. "Kung sasabihin ko bang mamayang madaling araw ang uwi niya, hindi ka ba pupunta?" "Pupunta pa din. Miss ko na kayo eh." "Good. See you tomorrow then. Huwag masyadong uminom. Love you bunso." "Love you, Kuya." Napabuntonghininga ako nang maibaba ang tawag. I was about to type a message for my brother Kuya Ejay but I changed my mind. I'll just surprise him tomorrow. Hopefully, he's no longer upset with me. My second older brother, Ejay Vazquez, is only two years older than me kaya sa kanilang dalawa ni Kuya Darius ay sa kanya ako mas close. Hindi kasi strikto at maluwag siya sa akin bagama't protective din naman. He's funny and loves to spoil me. But it all changed when I started dating Timothy who used to be his close friend. Mas lalo kaming nagkaroon ng gap nang makipag-live in ako kay Tim. Now that I'm getting married, I wanted to patch things up between the two of us. Gusto kong bumalik ang closeness namin noon. I miss him. Pero napangiwi ako nang maalala ang ginawa ko kanina. I called my father yesterday telling him that I want to have some dinner with him. Pero ang totoo ay ang ina ko ang sisipot sa dinner na 'yon. Kapag nalaman ni Kuya Ejay ang ginawa ko, tiyak kong magagalit siya. Baka higit pa sa reaksyon nila Papa at Kuya Darius ang gawin niya. What if hindi siya umattend ng wedding ko? Hindi pa man nangyayari ay nalungkot na agad ako sa isiping iyon. I dialed my mother's number but she didn't answer me. I was eight when my mother left us. I longed for her love and affection ever since then. Pinunan naman iyon ng lola ko pero hindi pa rin naalis ang pangungulila ko para sa kanya. After all, she used to be the perfect wife and a mother to us. O baka ayon lang talaga ang imaheng nabuo niya sa isip ko. When I was in highschool, she came back. I was happy. Sa wakas ay may magulang na akong maipagmamalaki sa school nang bumalik siya. Ang Papa ko kasi ay piniling mangibang-bansa para maitaguyod kaming magkakapatid. Ilang buwan makalipas bumalik sa amin ni Mama ay umuwi din si Papa. Masayang-masaya ako noon dahil unti-unti nang nabubuo muli ang pamilya namin. But I was wrong. Lahat ng ipon ni Papa ay sinimot niya at muli kaming iniwan. Nagtanim ako ng sama ng loob para sa kanya pero nang muli naman kaming nagtagpo ay tila nalusaw iyon nang malaman kong nagkasakit pala siya kaya niya kami iniwan at tinangay ang pera ni Papa. Naniniwala ako siguro dahil hanggang ngayon hindi pa rin ako napapagod na subukang ibalik ang pamilyang meron kami noon. Family is important to me. Ayon nga ang dahilan kaya masayang-masaya ako nang sa wakas ay alukin ako ng kasal ni Timothy. Sa kabila ng mga protesta at panghuhusgang narinig ko nang piliin kong sumama sa kanya after I graduated from college even though we’re still not married, I still did. Ganoon ko kamahal ang lalaking papakasalan ko at hindi ko naman pinagsisihan ang ginawa ko. Hindi naman puro saya ang naranasan namin ni Timothy, ilang beses din naming muntikan ng maghiwalay. Pero sa huli ay bumabalik pa rin kami sa isa’t-isa. “What happened ba at nagmumukmok ka dito? Let’s dance, Freya,” pagdating ni Nat at inabutan ako ng tequila shot. Ngumiti ako at naisip na kapag kinasal na kami ni Tim ay may posibilidad na ito na ang huling beses na pupunta ako sa bar at dapat akong maglibang. “Don’t tell me dahil iyon kay Mr. Dangerous na pinuntahan ka kanina.” “Mr. Dangerous?” Tumawa siya at muling uminom ng tequila. Gusto ko siyang pigilan dahil namumula na siya senyales na naparami na ang inom niya. “Bansag nila Ate Janna, ang gwapo-gwapo raw tapos iyong awra parang mapanganib.” Napailing ako dahil nakaisip agad sila ng itatawag sa lalaking ‘yon. Pero sa isip-isip ko’y nakisang-ayon din ako sa tawag nila. Mapanganib. Sa tingin, pananalita, at kilos. I can feel it, he’s dangerous. Ano bang kailangan sa akin ng lalaking ‘yon para ako ang mapili niyang magpanggap na ina ng mga anak niya? Bigla’y nakaramdam ako ng awa para sa mga anak niya kahit hindi ko pa sila nakikita. I know how it feels to grow up without a mother. It’s lonely. Ipinilig ko ang ulo at kinastigo ang sarili sa naisip. I don’t have the right to feel pity for them. Ni hindi ko nga sila kilala, besides hindi ako natutuwa sa ugaling meron ang ama nila. “Oh lumilipad na naman ang isip mo, come, let’s dance,” paghila sa akin ni Nat at hindi na ako tumanggi pa. I need to take things off my mind.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD