Habang nasa byahe kami ay pakiramdam ko panay ang sulyap niya sa akin. Nakikita ko kasi sa Peripheral vision na tumitingin din siya sa akin. Pero iniiwasan ko na tumingin din sa kanya dahil hangang ngayon hindi pa rin pumapasok sa isip ko ang pag-amin ng kanyang nararamdaman. At hindi ko rin alam kung ano ang gagawin ko sa mga oras na ito. Naiilang ako sa sitwasyon naming dalawa. Lalo na pag naalala ko yung gabing hinalikan niya ako. “Bakit ayaw mo akong kausapin?” Tanong niya na ikinalingon ko sa kanya. Seryoso ang mukha niya pero mukhang hindi naman siya halatang galit. “Hindi ko po alam ang sasabihin, Mr. President.” Sagot ko sa kanya. Tumigil ako dahil nagkulay pula ang stop light at may sixty seconds pa para muling mag-green ito. “Hindi mo alam ang sasabihin mo? Bakit? Wala ka