Kasama ako sa loob ng ambulance at papunta na kami sa pinakamalapit na hospital. Mariing hawak ko ang kamay niya. Hindi ko maiwasan ang labis na mag-alala. Marami ng dugo ang nagkalat sa panloob na damit niya at may nakalagay ng oxygen sa kanyang bibig. Hindi pa rin niya dinidilat ang kanyang mga mata. At wala naman akong magawa kundi panuorin lang siya. Naiwan naman si Mon kasama ng mga pulis. Nasa likuran naman ng ambulance ang mga kaibigan ko upang maging escort namin may dalawa pang pulis mobile na nakasunod. Hindi ko maiwasan na sisihin ang ang aking sarili. Nang dahil sa akin ay napahamak siya. Nang dahil sa kapabayaan ko nanganganib ngayon ang buhay niya. Kung alam ko lang sana na mangyayari ito hindi na sana ako lumabas ng palasyo. Hindi sana siya pupuslit at susunod sa akin. Kung