Malungkot at tahimik na lumuluha si Danica habang nakatingin sa Lola n'yang nakahiga sa kama ng ospital. It's been three days simula ng dalhin ito dito at hindi pa rin ito nagigising. Tatlong araw na rin s'yang walang maayos na tulog at kain. Umuuwi lang s'ya sa bahay kapag dumarating ang ilang kapitbahay at kaibigan ng Lola niya para bumibisita dito. Willing naman ang mga itong bantayan ang Lola niya habang wala siya roon. Mabilis din naman s'yang bumabalik dahil naliligo at binibisita lang n'ya ang mga tanim nila bago s'ya muling bumabalik sa ospital.
Nakisuyo na din lang s'ya sa malalapit niyang kapitbahay na kung pwede ay sila na muna ang bahala sa bahay at sa tanim nila. Pumayag naman ang mga ito dahil halos lahat ng tao sa lugar nila ay kasundo nilang mag-Lola. Pero may ilan din namang hindi n'ya kasundo, na hindi na lang niya muna iisa-isahin sa ngayon.
Hindi ma-ampat ang luha n'ya dahil sa bumabalik sa isipan niya ang resulta ng test ng doctor sa kanyang Lola. Kanina lang lumabas ang resulta at naging doble lalo ang pag-aalala n'ya sa matanda dahil sa sinabi ng doctor. Mahaba ang sinabi ng doctor na halos hindi niya lahat naintindihan dahil sa bukod sa English 'yon at napakalalim pa ng ginamit na mga salita. Nakaka-intindi naman siya kahit papano pero yong mga basic lang. Yong mga mababa lang na English dahil elementary lang ang kanyang natapos.
At ayon sa pagkaka-unawa niya sa sinabi ng doctor ay may sakit sa puso ang Lola n'ya. Mayroon daw nagbabaradong ugat na patungo sa puso nito dahilan ng hindi maayos na pag-function ng puso ng Lola niya. At kailangan na daw nitong maoperahan na kakailanganin ng medyo malaking halaga. At yon ang isa pa n'yang problema dahil alam n'yang kulang ang kaunti nilang naipon para sa operasyon ng matanda.
"Huwag po kayong mag-alala, Lola. Gagawin ko po ang lahat para ma-operahan kayo. Hihiram na lang po ako ng pera sa ilang nakaka-angat sa lugar natin at hihingi na rin ako ng tulong sa iba pa," wika n'ya at hinaplos ang kamay nito. Pinunasan niya ang luha n'ya at tumayo bago hinalikan ito sa noo. "Aalis po muna ako sandali. Pupunta naman po dito si Ate Rosa na pinakiusapan kong magbantay muna sa inyo habang naghahanap ako ng mahihiraman ng pera," tukoy n'ya sa kapitbahay niyang sobrang kasundo nilang mag-Lola. Ito ang pinakiusapan niya munang magbantay sa Lola niya habang maghahanap s'ya ng pera.
Hindi nagtagal ay dumating na ang magbabantay sa Lola n'ya kaya umalis na rin syya kaagad ng hospital. Umuwi muna s'ya ng bahay at naglinis ng katawan at kumain kahit konti dahil sa wala syang gana. Gusto naman n'yang kumain pero ayaw 'yong tanggapin ng tyan n'ya at parang kay hirap pa nung lunukin. Labis pa rin kasi s'yang nag-aalala sa Lola n'ya at apektado nun ang buo n'yang pagkatao at emosyon.
"PASENSYA na hija, ito lang ang maibibigay ko sa'yo," wika ng Ginang at inabutan s'ya ng dalawang libong piso. "Kahit huwag mo na 'yang bayaran, tulong ko na 'yan sa Lola mo. At sana gumaling s'ya ng mabilis," dagdag nito na labis n'yang ikinatuwa.
"Salamat po. At sana nga po gumaling ma agad sya. Mauuna na po ako at marami po ulit salamat dito sa tulong nyo," taos-puso n'yang wika sa Ginang dahil sa tulong nito.
"Walang anuman yon, hija. Mag-iingat ka sa daan," wika nito bago sya umalis para puntahan ang ilan pang kakilala na pwede n'yang mahiraman ng pera.
Nakakaipon na s'ya ng halos seven thousand at lahat ng 'yon ay bigay tulong sa kanyang Lola. Lahat ng pinupuntahan n'ya para hiraman ng pera ay nagbibigay ng kaunting tulong sa halip na pahiramin s'ya. Sapat na yon para makatulong sa Lola n'ya dahil alam naman nyang hindi rin ang mga ito masyadong nakaka-angat sa buhay.
Halos hapon na ng makabalik s'ya sa bahay nila matapos n'yang mapuntahan lahat ng hiningan nya ng tulong. Malaki-laki rin ang lahat ng nakulekta n'ya at lahat ng 'yon ay bigay tulong sa Lola n'ya. Iba talaga pag mabait ka sa kapwa. Dahil dadating talaga ang panahon na maibabalik din sa iyo ang nagawa mong kabutihan para sa kapwa mo. Dadating at dadating ang panahon na ikaw naman ang tutulungan ng mga ito. At malaki ang pasasalamat n'ya sa mga taong tumutulong ngayon sa Lola n'ya.
"Paano na ngayon? Kulang pa rin," buntong-hininga n'ya ng mapagsama-sama lahat ng pera pati ang ipon nila. Mahigit sa twenty thousand lang lahat ng 'yon at sobrang laki pa ng kulang. Halos pambayad n'ya lang 'yon sa pag-stay ng Lola n'ya sa hospital.
"Anong gagawin ko?" nawawalang pag-asa anas n'ya at humiga sa papag na tulugan n'ya. Nakatitig lang s'ya sa bubong ng bahay nila habang nag-iisip pa ng solusyon sa problema n'ya ng biglang pumasok sa isip n'ya ang malaking bahay sa gitna ng kakahuyan.
Halos kalahating oras na lalakarin 'yon mula sa bahay nila at minsan na s'yang nakarating doon. Nag-iisa 'yon sa gitna ng gubat at ang sabi ay bahay daw yon ng mga Montellano na minsan lang bumisita doon. Sila ang may-ari ng Isla na kahit minsan ay hindi pa n'ya nakikita. At sa twing nagagawi s'ya sa parteng iyon ay hindi pa n'ya nakikitang nagkatao doon. Wala rin iyong kalapit na bahay at ang pinaka-malapit ay ang bahay nila doon.
Napakaganda noon at halatang mamahalin ang mga gamit sa loob. Isa 'yong napakalaki at nasa mataas na parte din 'yong bahagi ng Isla kaya maganda ang tanawin doon. Kaya nga minsan sumasadya s'ya talaga doon para doon manatili sa twing libreng oras n'ya. Bukod sa napakatahimik doon ay sobrang nagustuhan pa n'ya ang buong lugar dahil sa nasa gitna 'yon ng kagubatan katulad ng mga nasa libro ng pantasya na nababasa n'ya noong bata pa siya.
"Pasensya na Lola sa gagawin ko. Alam kong mali pero wala na akong iba pang alam na paraan para humanap ng pera para sa operasyon n'yo. At gagawin ko ang lahat para sa inyo, kahit na ikapahamak ko basta lang gumaling kayo," may pumatak na luha sa mata n'ya bago s'ya pumikit para sandaling makapagpahinga bago s'ya bumalik sa hospital.
*****
"Welcome back po Sir," bati kay Christian ng ilang trabahante nila sa hacienda sa Isla Montellano. Tango lang ang isinasagot n'ya sa mga ito habang patuloy s'ya sa paglalakad para icheck ang ilang parte ng Hacienda.
Kararating n'ya lang sa isla at sa hacienda muna s'ya dumaan para diretsong pahinga na siya pagkarating sa bahay nila dito. May hangover pa kasi s'ya dahil lumabas siya kagabi pero minus naman sa babae. Hindi na nga nya tanda kung kailan ang huli nyang labas na may kasamang babae dahil busy sya sa trabaho. Five to six months na yata ang last? Lumabas lang talaga sya para uminom kasama ng ilang business partner niya kagabi.
Lumanghap s'ya ng sariwang hangin habang inililibot ang tingin sa kabuuan ng hacienda na pinagkukunan ng supply ng mga prutas, mga alagang hayop na pwedeng katayin at mga kung ano-ano pa na inilalabas nila sa Isla patungong Manila. Naisip nya na hindi na rin masamang maging haciendero minsan. Makapag-pahinga man lang sa trabaho sa kanilang kumpanya. At para na rin makalahnghap s'ya ng sariwang hangin.
Nang mabisita n'ya ang mga trabahante at ng masigurong wala namang problema, bumalik na siya sa kanyang sasakyan at nagpasyang magtungo na sa bahay. Buhat sa hacienda ay kalahating oras pa ang byahe hanggang sa bahay ng magulang nya kung saan siya tutuloy. May bahay din naman sila sa Hacienda pero mas gusto n'ya sa tahimik. Malapit lang kasi dun ang quarters ng tauhan sa hacienda kaya medyo maingay dun idagdag pa ang iba't-ibang ingay na nagmumula sa makina at mga hayop na nandoon lalo na sa umaga.
Nang makarating sa bahay, napabuga s'ya ng hangin ng salubungin s'ya ng katahimikan. Tanging mga huni lang ng ibon ang naririnig nya at napangiti sya doon. At last! Katahimikan!
Pumasok s'ya sa loob at nalukot ang mukha niya ng makitang magabok ang lahat ng gamit doon. Nakalimutan niya nga palang magpadala ng tauhan para linisan 'yon ngayong linggo. At noong huling linggo pa ito huling nalinisan kaya ganun na ito kaagad kadumi. Mukhang mapapasabak sya ngayon sa ilang araw na linisan. Mag-isa pa naman siya doon at hindi sya kumuha man lang ng makakasama niya sa bahay bilang katulong n'ya. Haayyss.. Mabuti na lang at sanay s'yang mag-isa at hindi iniaasa sa iba lahat ng gawain lalo na sa gawaing bahay.
Umakyat siya sa ikalawang palapag para magtungo sa kwarto n'ya. At ng buksan n'ya 'yon, napangiti siya ng makitang malinis naman 'yon at mukhang nalilinisan naman 'yon ng maayos. Wala ring nagbago sa room n'ya at kahit sa ilang taon s'yang hindi nakakabisita doon ay tanda pa rin niya na ganung-ganun pa rin sa dati ang ayos ng kwarto. Mula sa kung saan mga nakapwesto ang mga gamit nya, kulay ng kurtina na gusto n'ya at lalo na sa kama kung saan may apat na poste sa sulok nun. Napailing pa s'ya habang may pilyong ngiti sa labi habang inaalala n'ya kung bakit niya pinalagay 'yon. Kayo ba, what do you think ang posibleng reasons kung bakit n'ya iyon pinalagay?
Ipinasok n'ya muna lahat ng gamit n'ya sa kwarto bago muli s'yang lumabas para simulang linisan kahit living room lang muna. Hindi pa naman siya nakakaramdam ng gutom kaya maglilinis na lang s'ya bago pa tuluyang dumilim. Halos alikabok lang naman ang dumi doon kaya vacuum cleaner lang ang katapat nun. Sanay naman sya sa gawaing bahay dahil mag-isa lang sya sa bahay n'ya sa Manila. Yeah, nakabukod na sya ng tirahan sa magulang kahit na wala pa syang sariling pamilya.
Halos isang oras din s'yang naglilinis bago n'ya natapos 'yon. Medyo may kalakihan rin kasi ang sala at isa pa gusto n'ya is yong pulido ang paglilinis. Matagal man s'yang maglinis pero atleast sobrang linis naman ng s'ya ay matapos.
Napaupo siya sa sofa ng matapos. Isinandal n'ya ang likod at ipinatong ang ulo doon bago s'ya pumikit dahil napagod s'ya sa ginawa. At dahil sa pinagsama-samang pagod sa byahe, pagod sa paglilinis at hangover ay hindi nagtagal ay nakatulog s'ya sa ganoong posisyon.
At madilim na ang buong kabahayan ng nagmulat s'ya ng mga mata. Nag-inat-inat muna siya bago sana tumayo ng makarinig s'ya ng kaluskos at yabag na parang may ibang tao sa loob ng bahay bukod sa kanya. Bigla nagtaasan ang balahibo n'ya ng sumagi sa isip n'ya na baka tinitirhan na ng mga multo at ligaw na kaluluwa ang bahay dahil sa matagal ng walang nakatira dito. Hindi naman sa natatakot o naduduwag s'ya pero iba kasi pag usapang multo na, nakakapanindig balahibo.
Pero naglaho ang mga naiisip n'yang multo ng biglang may hindi kalakasang flashlight ang nabuhay sa hindi kalayuan sa pwesto n'ya. At dahil nga gabi at wala naman syang inaasahang ibang dadating na tao, iisa lang ang pumasok sa isip nya. Magnanakaw ito. At balak nitong umakyat sa taas dahil sa binabaybay na nito ang hagdan at nasa unang baitang na ito habang inihihikap ang flashlight na parang nagtitingin ng gamit na pwedeng makuha.
Dahan-dahan s'yang tumayo at nagtungo sa switch ng ilaw na hindi kalayuan sa pwesto ng taong nangahas na pasukin ang bahay nila. Pinilit n'yang hindi gumawa ng ingay at nagtagumpay s'yang makarating doon ng hindi nito napapansin. At bigla itong natigilan ng buksan n'ya ang ilaw kasabay ng pagbagsak ng dala nitong flashlight dahil nabitawan nito 'yon. Nakatalikod ito sa kanya kaya hindi n'ya makita ang mukha nito pero kita n'ya ang mahaba nitong buhok. A girl? Isang babae ang pumasok sa bahay nila para magtangkang magnakaw?
"Who are you!? And what the f**k are you doing here!?" seryoso at mapanganib na wika n'ya.
Namimilog ang mata nitong humarap sa kanya na parang hindi inaasahan na may tao sa bahay. Kasabay naman nun ay ang pagkabog ng dibdib n'ya ng masilayan ang mukha nito na ikinamura n'ya. Damn! Hindi maari! Kinakabahan lang s'ya kaya ganun ang reaksyon ng dibdib nya. Tama, kinakabahan lang s'ya.
"f**k!" mura n'ya ng makitang nawalan ito ng malay-tao. Mabilis s'yang lumapit dito bago pa man bumagsak ang katawan nito at sinalo ang nahimatay na babae.
Damn! She's beautiful!- anas ng isip nya ng masilayan ang mukha nito sa malapitan na lalong ikinabilis ng t***k ng puso n'ya. Oh god! S'ya na ba?