Chapter 1

1508 Words
"Danica, apo. Halika muna rito at ako'y tulungan mong mamitas at mag-ani nitong mga gulay. Dadalhin ko pa to sa bayan para ibenta mamaya," "Opo, Lola," magiliw at masayang wika ni Danica bago lumapit sa matanda para tulungan ito. Kasalukuyan silang nasa likod-bahay kung saan meron silang taniman ng ibat-ibang gulay. Doon sila kumukuha ng ulam araw-araw at doon din sila kumukuha ng pandagdag gastusin nila pag nabenbenta nila yon. At pag malaki ang kita nila sa pagbebenta, doon lang sila nakakabili ng isda at pag sinwerte ay karne pa. Hindi naman sila ganun kasalat sa pera, alam lang nila talaga ang salitang pagtitipid. Sapat naman ang kinikita ni Danica sa paglalabada nya sa mga kapitbahay n'ya at pagpasok bilang taga-hugas ng pinggan sa isang karenderya. Makakabili naman sana siya kung gugustuhin niya pero iniipon na lang n'ya yon para sa kanyang Lola dahil sakitin na ang matanda dahil sa nagkaka-edad na rin ito. Isa 'yon sa dahilan kung bakit ibat-ibang sideline na ang pinasok niya at sa awa naman ng Dyos ay lagi s'yang kumikita dahil kilala siya sa kanilang lugar na isang mabait at masipag na bata. At marami ang humahanga dahil sa mabuti niyang katangian na 'yon. "Huwag ka na munang sumama sa'kin sa bayan. Magpahinga ka muna dito sa bahay at alam kong pagod ka. Mabilis lang naman ako doon dahil kinukuha lahat ito ng suki ko. Ihahatid ko lamang," wika ng Lola ng matapos sila sa pag-aani. "Sige po, Lola. Hihintayin ko na lang po kayo dito sa bahay at ipagluluto ko kayo ng masarap na ginataang sitaw at kalabasa," nakangiting anas n'ya na ikinatuwa ng matanda. Hinaplos nito ang buhok n'ya bago pa sya mahigpit na niyakap na kanya naman agad na sinuklian. "Mag-iingat ka, hija. Alagaan mo ang sarili mo at lagi mong tatandaan na mahal ka ni Lola," anas nito bago humiwalay sa yakap nuya. "Ay sya, paalis na ako at baka abutin pa ako ng init sa daan. Ikaw na muna ang bahala dito sa bahay habang wala ako apo," paalam nito. "Sige po, Lola. Mag-iingat po kayo," Pagka-alis ng matanda ay nanatili pa s'ya sa taniman. Parang baliw na kinausap n'ya yon at nagpasalamat sa araw-araw na inaani nila. Diniligan niya muna 'yon lahat lalo na ang bagong tanim pa lang nila bago s'ya bumalik sa loob ng bahay para ipagluto ng masarap na ulam ang Lola n'ya. Sa murang edad na 20, sanay na s'ya sa hirap ng buhay dahil doon na siya namulat at lumaki. Namulat s'ya na tanging kasama lang ay ang Lola niya at kahit isang kapamilya ay wala na s'yang iba pang kilala bukod dito. Namatay ang kanyang ina sa pagluluwal sa kanya at wala s'yang balita sa ama n'ya dahil ayon sa kanyang Lola ay nabuntis lang nito ang kanyang ina at may sarili na rin itong pamilya sa Maynila. Lugar na hindi pa n'ya nararating simula ng isilang sya. Hindi naman sa gusto n'yang makarating doon dahil kung papipiliin ay mas nanaisin pa niyang manatili sa Isla Montellano. Bukod sa tahimik dito ay dito na siya lumaki. At isa pa, ayon sa kwento at sa napapanood niya sa t.v ng kapitbahay nila ay medyo magulo daw doon. Masyado pang madaming sasakyan na pinagmumulan ng polusyon sa hangin. Ibang-iba sa sariwang hangin na nalalangahap niya dito sa Isla. Sariwa na ang hangin, mga sariwa pa ang mga gulay, isda at karne na bilihin. Oh di ba? Saan pa kayo niyan. Malapit na s'yang matapos sa niluluto nya ng may marinig syang tumatawag sa kanya sa labas ng bahay. Saktong pwede na n'ya yong ihain kaya inalis na n'ya 'yon sa lutuan na gamit ay kahoy. Sinigurado n'ya munang hindi na 'yon magniningas bago s'ya lumabas ng bahay sa pag-aakalang dumating na ang kanyang Lola. "Danica! Danica!" boses iyon ng kapitbahay nilang katulad ng lola n'ya ay nagtitinda din sa bayan. Humahangos ito at pawis na pawis kaya pinatuloy nya muna ito sa loob at binigyan ng tubig na maiinom. "Ano po ang  sadya nyo at parang kayo ay nagmamadali?" tanong n'ya dito ng medyo kumalma na ang paghinga ng babae. "Hija, ang Lola mo. Dinala s'ya sa hospital matapos n'yang mawalan ng malay tao sa bayan. Kasama namin siya kanina at nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib at nahihirapan sa paghinga bago syia nawalan ng malay. Magbihis ka at sasamahan kita papuntang hospital.." wika nito na ikinatulala n'ya. Kasabay nun ay ang pag-agos ng masaganang luha sa mukha niya at napaupo dahil sa parang nanghina sya sa narinig. Labis na pag-aalala ang naramdaman niya ng oras na 'yon kasabay ng paninikip ng dibdib n'ya dahil sa ibat-ibang emosyon na kanyang nararamdaman. Pero mas nangingibabaw doon ang takot at pag-aalala para sa kanyang minamahal na Lola. Samu't-sari ang mga negatibong pumapasok sa isip n'ya na pilit niyang iwinawaksi dahil kailangan niyang maging matatag para sa lola niya. "Please po, Lord. Ingatan nyo po ang ang Lola ko. Sya na lang po ang meron ako at huwag nyo po muna syang kukunin sakin. Hindi ko po kakayanin. Iligtas nyo po sya," ***** "No, Mom. Hindi pwede. Marami akong maiiwang trabaho at ayaw kong manatili sa Isla. Nandito na ang buhay ko sa Manila and I'm sure maiinip lang ako don," kontra ni Christian sa Mom n'ya na pinipilit s'yang magbakasyon sa Isla Montellano na pagmamay-ari ng magulang n'ya. They want him to stay there para makapag-relax at makapag-pahinga daw sya sa trabaho sa company. At para na rin daw mapamahalaan n'ya ang hacienda nila doon na ipinagkakatiwala lang ng mga ito sa mapagkakatiwalaang tauhan. "Chris, anak. Nandito pa naman kami ng Dad mo. You need a break, hijo. Magpahinga ka naman sa trabaho mo. At isa pa, twenty-four ka na kaya kailangan mong humanap na rin ng babaeng makaka-tuwang mo. And I'm sure nasa Isla lang s'ya," giit nito na ikinataas ng kilay n'ya at ikinalukot ng mukha. Babae? Katuwang? He's just twenty-four for god sake! Bakit ba atat na atat ang mga itong mag-asawa sya? "Mom, meron din namang mga babae dito. At isa pa, ang bata ko pa para mag-asawa," "Oo, hijo. Alam naman naming meron dito pero hanggang sa kama mo lang ang nararating nila. One night stand lang ang kalimitang nangyayari sa inyo. At alam ko na sa mga babaeng 'yon, walang pang nakakakuha ng atensyon at interes mo sa isang babae," he sighed dahil tama ang magulang n'ya. He had a fair share of women pero hanggang one night stand lang talaga. Hindi naman sya playboy na matatawag dahil once a month lang s'ya lumalabas na may kasamang babae. At swerte na kung maging dalawang beses pa yon. At kung sakaling umaabot man sila sa ibabaw ng kama, hindi s'ya ang unang nagpapakita at nagbibigay ng motibo doon. Syempre lalaki lang s'ya at may pangangailangan din kaya pinapatulan na rin n'ya. Palay na ang lumalapit sa manok, tatanggi pa ba s'ya? Syempre hindi, wala naman s'yang girlfriend or asawa na lolokohin. Sinusubukan naman n'yang humanap ng magiging 'the one' n'ya pero wala talaga. Hindi n'ya maramdaman 'yong sinasabi ng Dad n'ya na makikilala nya ang babaeng para sa kanya once na nagawa nitong pabilisin ang t***k ng puso n'ya sa unang sulyap pa lang dito. Yon daw kasi ang naramdaman ng Dad niya ng makilala at makita nito ang Mom niya sa unang pagkakataon. Tss.. Uso pa ba 'yon sa panahon ngayon? Parang mas nauuna pang tumibok ang puson ngayon kesa sa puso. "Fine, payag na po ako," he sighed in defeat. Hindi din naman siya titigilan ng magulang kaya pumayag na rin s'ya. Matagal na rin naman buhat ng huling magbakasyon s'ya sa Isla at hindi na rin masama dahil makakalanghap rin s'ya ng sariwang hangin. Sana nga lang ay may mabuting mangyari sa kanya doon. Hopefully. "Good. Handa na ang gamit na dadalhin mo kaya anytime ay pwede ka ng pumunta doon." masayang wika ng Mom nya na ikina-iling na lang n'ya. Tumayo sya para bumalik sa kanyang kwarto ng magsalita ulit ito na ikinatigil n'ya. "At gusto ko, bago ka bumalik dito ay may maipapakilala ka na saking babae na magiging asawa mo. At kung pwede ay kahit na nagdadalang-tao na s'ya bago mo s'ya dalhin dito para sure at diretsong kasal na agad kayo.." napailing na lang s'ya sa naiisip ng magulang bago nagpatuloy sa paglalakad hanggang makarating s'ya ng kanyang kwarto. Still thinking na kung tama ba ang pagpayag n'ya sa gusto ng magulang. He sighed bago dumiretso sa bathroom para mag-shower. He is Christian Montellano. A successful business man at the age of twenty-four. Kilala sya sa bansa at kahit sa labas ng bansa ay popular din s'ya. Kinatatakutan s'ya pagdating sa usapang business at lahat ng bumabangga sa kanya ay natatalo n'ya. Kaya buhat ng makilala at naging tanyag s'ya sa Business World, marinig lang ang salitang Montellano, siya na agad ang tinutukoy doon. Namana niya ang husay ng Dad niya sa pamamalakad ng kumpanya at marami ang nagsasabi na nahigitan pa niya 'yon. Pero para sa kanya, his Dad is the best in everything. Ito ang nagmulat at nagturo sa kanya pagdating sa Business World at kahit kailan never nya itong hihigitan at mahihigitan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD