Hindi mapakali si Danica habang hinihintay na lumalim ang gabi. Pabalik-balik ang tingin n'ya sa orasan at halo-halo ang emosyon na kanyang nararamdaman habang tumatagal ang oras. At mas nangingibabaw doon ang takot dahil sa gagawin n'yang pagpasok sa malaking bahay ng mga Montellano. Pero nilalakasan n'ya ang kanyang loob dahil wala na s'yang iba pang pagpipilian at maisip na tamang gawin para matulungan ang Lola n'ya. Baka pag nagtagal pa na hindi ito ma-operahan ay mahuli na ang lahat na kanyang pagsisisihan sa bandang huli. Di bale ng sya ang mapahamak basta makaligtas lang ang Lola nya at ma-operahan ito.
Huminga s'ya ng malalim ng makitang alas-dyes na ng gabi. Ayos na yon para sa gagawin n'ya at isa pa wala namang malapit na bahay doon kaya makakagalaw s'ya ng malaya sa loob ng malaking bahay. Kukuha lang naman s'ya kahit isa o dalwang bagay na alam nyang mahal pag ibenenta n'ya. At kung sakaling dumating ang araw na hanapin o ipahanap yon ng may-ari ng bahay, kusa syang susuko kahit na makulong s'ya. Basta ba ma-operahan ang Lola n'ya bago mangyari ng lahat ng yon. Alam naman n'yang napakalaking kasalanan ang gagawin n'ya dahil kahit salat man s'ya sa pinag-aralan, alam naman n'ya ang tama at ang maling gawain. Nagkataon lang na nagipit talaga s'ya kaya gagawin n'ya yon..
Dala ang maliit na flashlight ay lumabas s'ya ng bahay at sinimulang lakarin ang daan patungo sa malaking bahay. Iba't-ibang uri ng hayop ang narinig n'ya na karaniwang naririnig sa gabi. Halos nagtataasan lahat ng balahibo n'ya sa katawan dahil kung ano-ano ang pumapasok sa isipan nya na maaaring mangyari sa kanya lalo na at nag-iisa s'ya sa gitna ng kagubatan. Papano na lang kung katayin s'ya ng mga mababangis at ligaw na mga hayop? O kaya naman mga maligno? O kaya may makasalubong s'yang multo o aswang?
Oh my God! Huwag n'yo po akong pababayaan kahit na may gagawin akong kasalanan.. piping dalangin n'ya habang panay ang antanda ng krus. Iwinaksi n'ya lahat ng takot n'ya sa katawan ng mga oras na yon ng maisip n'ya ang kanyang Lola. Para sa kanyang Lola gagawin n'ya ang lahat. Kahit na ang maglakbay pa sa gitna ng kagubatan sa gitna ng gabi at ang magnakaw sa bahay ng Montellano na alam n'yang ikapapahamak n'ya pagdating ng araw na matuksan ng mga ito ang ginawa n'ya.
Halos kalahating oras rin bago n'ya narating ang malaking bahay. Katulad ng inaasahan, napakadilim ng buong bahay dahil walang nakatira doon. Luminga-linga muna s'ya sa paligid para makasigurado bago naghanap ng mapapasukan. At halos nalibot na n'ya ang malaking bahay ay wala s'yang makitang bukas na bintana at kahit yong mga pinto sa likod ay naka-lock din. Matitibay pa naman lahat ng lock ng pinto at bintana doon kaya hindi n'ya magawang makapasok kahit na pilitin n'yang buksan yon. Huminga s'ya ng malalim at nalungkot dahil sa nasayang lang ang effort n'ya sa pagpunta n'ya doon dahil wala rin s'yang napala.
Ang tanga ko kasi! May magnanakaw bang wala man lang dalang gamit na pwedeng makabukas ng pinto? sisi n'ya sa sarili dahil ang tanging dala nya lang ay isang flashlight na mukhang malapit na yatang ma-lowbat dahil kumukurap-kurap na ang liwanag nun.
Ang malas ko naman yata.. umupo s'ya harap ng malaking bahay at sumandal sa malaking double door. At ng maisip n'yang hindi pa n'ya nasusubukang buksan yon... ang pinto sa harap, ay mabilis s'yang tumayo para subukan yon. At natampal n'ya ang sariling noo ng bumukas yon.
Minsan talaga hindi ako nag-iisip. Kung alin na inaasahan kong naka-lock dahil front door yon, yon pa pala ang hindi? kastigo n'ya sa sarili bago pinatay ang flashlight at dahan-dahang pumasok.
At ng nasa loob na s'ya, bago nya ulit binuhay ang flashlight dahil kung sakaling may ibang tao man sa labas ay hindi din naman s'ya makikita dahil lahat ng bintana ay natatakuban ng makakapal na kurtina. Pinatay n'ya lang yon kanina para hindi halatang pumasok sya sa loob ng bahay. Oh di'ba? Minsan naman gumagana din ang utak nya..
Malaya n'yang nasilayan ang mga gamit doon sa tulong ng mahinang liwanag ng flashlight n'ya. Magaganda ang mga gamit doon at halatang mamahalin pero sobra naman ang sukat dahil malaki lahat ng gamit doon. Bukod sa mahihirapan syang magdala pauwi dahil malalaki at mabibigat ang mga yon, mahihirapan pa s'yang ilabas ng kanilang bahay dahil masyadong halata. Kaya umakyat na lang s'ya sa taas para isa-isahin ang mga kwarto doon para humanap ng iba.
Pero namilog ang mata n'ya ng biglang nagliwanag ang buong bahay habang paakyat pa lang s'ya ng hagdan. Nabitawan nya rin ang flashlight na dala n'ya sa sobrang gulat kasabay ng mapanganib at baritonong boses sa likod n'ya.
"Who are you? And what the f**k are you doing here!?" takot at kinakabahang humarap s'ya sa pinanggalingan ng boses dahil sa hindi n'ya inaasahang may tao sa bahay. At nahuli pa s'ya nito sa tangka n'yang pagnanakaw...
Bago pa n'ya lubusang masilayan ang mukha nito ay biglang nagdilim ang paningin n'ya na parang nauubusan s'ya ng lakas at hangin dahil sa pinaghalo-halong tensyon, kaba at takot. Bago s'ya tuluyang nawalan ng malay-tao...
......
Nagising si Danica sa ibabaw ng malambot na kama kinabukasan. Babalik pa sana s'ya sa pagtulog dahil ang sarap matulog doon pero agad ding naalala n'ya ang nangyari ng nagdaang gabi kung kaya't bigla s'yang kinabahan. Oh my god! Pinakiramdaman n'ya ang sariling katawan kung may masakit dahil kung nahimatay s'ya, malamang babagsak at mahuhulog ang katawan n'ya sa hagdan. Pero wala s'yang ibang naramdaman bukod sa parang namamanhid na ang kamay n'ya.
Aktong babangon sana s'ya pero hindi n'ya magawa dahil magkahiwalay na nakatali ang dalawang kamay n'ya sa dalawang bedpost doon. Yon pala ang dahilan kung bakit ganun ang pakiramdam ng kamay n'ya. Ano to? Bakit ako nakatali? Kaninong kama at kwarto to? At papano ako nakarating dito?
"Mabuti naman at gising ka na," isang baritonong boses na nagpatigil sa naguguluhan n'yang tanong sa kanyang isipan. Natuon ang mata n'ya sa pinanggalingan ng boses at namilog ang mata ng makitang iyon yong lalaki kagabi na nakahuli sa kanya. Oh my.. Ito ba ang may-ari ng bahay? Lagot ako nito..
"S-sino po k-kayo? A-at papano po ako nakarating dito sa kwarto?" kinakabahang anas n'ya habang pinipilit na makaupo pero hindi n'ya magawa. At dahil sa ginawa nyang yon, tumaas ang laylayan ng suot nyang bestida hanggang sa gitna ng hita n'ya at alam n'yang sa pwesto ng lalaki ay nakikita na nito ang suot nyang pang-ilalim dahil na nasa paanan ito ng kama at nakaupo sa isang upuan doon. Nakakahiya.. Underwear lang kasi ang nasa ilalim ng suot nyang bestida. Dapat pala nag cycling or short man lang s'ya..
Kita n'ya ang paglunok nito habang nakatingin sa maputing hita n'ya pero agad din namang nag-iwas ng tingin bago tumayo at lumapit sa kanya. Napapikit sya ng mariin sa pag-aakala n'yang may gagawin na ito sa kanya pero agad din syang nagmulat ng mata ng maramdamang ibinaba lang nito ang bestida n'ya bago muling umupo sa pwesto nito kanina. Wow.. Buti gentleman si kuya..
"Ako dapat ang nagtatanong nyan? Sino ka at bakit mo binalak na pagnakawan itong bahay ng magulang ko?" seryosong anas nito na ikinalunok n'ya. Nakakatakot kasi dahil wala s'yang mabakas na emosyon sa boses nito at grabe pa kung makatingin sa kanya ang binata. Para bang kakainin s'ya ng buhay..
"Ang pangalan ko po ay Danica Apostol. Dalawampung taong gulang na po ako at nakatira dito sa Is—,"
"Stop it," putol nito sa sasabihin n'ya. "Too much information. Ang gusto ko lang malaman is kung bakit sinubukan mong pagnakawan itong bahay. Don't you know na maaari kang makulong sa ginawa mo?" pagpapatuloy nito na ikinabahala n'ya. Agad na nanubig ang mata n'ya pero pinigilan n'ya yon. No! Hindi pa s'ya pwedeng makulong hangga't hindi n'ya natitiyak na ligtas ang Lola n'ya..
"Alam ko po. Pero kailangan ko lang po ng malaking halaga para sa operasyon ng Lola ko. Pwede n'yo naman po akong ipakulong pero maaari po bang pagkatapos na lang ng operasyon ni Lola. Wala naman po akong balak na nakawin lahat ng gamit dito.. Kukuha lang po sana ako ng sapat para mapagamot ko ang Lola ko," malungkot na anas n'ya at hindi n'ya napigilan ang ilang butil ng luha na umalpas sa mata n'ya. Muli itong nag-iwas ng tingin bago muling nagsalita.
"And how can I be sure na totoo yang sinasabi mo?" tila hindi naniniwalang anas nito at muling tumingin sa kanyang direksyon.
"Pwede ko po kayong samahan sa ospital kung saan nandoon ang Lola ko. At pag napatunayan n'yo pong nagsisinungaling lang ako, dalhin n'yo na po ako sa mga pulis para ipakulong," matatag at buong ang loob na wika n'ya and she heard him sighed.
"Okay.. Pupuntahan natin mamaya or the next day. Hindi na din kita ipapakulong at ako na rin ang bahala sa hospital bill ng Lola mo," wika nito na ikinagulat n'ya. Namimilog ang mata n'yang tumingin dito.
"T-tlaga po?" he nodded. "Maraming salamat po kung ganun," malawak ang ngiti na wika n'ya at taimtim na nagpasalamat sa Dyos dahil hindi pa rin s'ya pinabayaan nito sa kabila ng pagbabalak n'yang magnakaw. At binabawi na rin n'ya ang sinabi n'yang malas s'ya kagabi dahil napaka-swerte n'ya at napakabait ng anak ng may-ari ng malaking bahay. Nahuli na s'ya nito sa plano n'yang pagnanakaw pero tinulungan pa rin s'ya nito sa kabila ng ginawa n'ya.
"But in one condition," wika nito na ikinaputol ng sikretong pagdiriwang sa loob n'ya. Haayysss.. May condition pala...
"A-ano po yon? Kahit ano po gagawin ko basta po tumupad kayo sa sinabi nyo kanina," wika n'ya at tumaas ang sulok ng labi nito bago nito nilaro yon gamit ang daliri nito na tila nag-iisip. Pero halata na tila nasiyahan ito sa sinabi n'ya.
"Be my maid... I want you to be here everyday. At kung hindi ka naman pwedeng mag-stay dito, pwedeng sa umaga ka na lang pumunta dito then uuwi ka sa hapon basta andito ka araw-araw," wika nito na ikinahinga n'ya ng maluwag dahil iba ang pumapasok sa isip n'ya na hihingin nitong condition.
"Yon lang po ba? Payag po ako," mataas ang kumpiyansa na wika n'ya dito bago malawak na ngumiti.
"Hindi lang yon. Dahil ang gusto ko, lahat ng sasabihin at gugustuhin ko gagawin mo, naiintindihan mo ba ako?" Lahat? As in lahat-lahat?
"L-lahat po?" she stuttered dahil sa hindi na n'ya makayanan ang matiim na titig nito sa kanya. Para bang kakaiba ang titig nito na tila may iba pang nais na iparating na nagdudulot ng kaba sa dibdib n'ya.
"Yeah, lahat," wika nito bago tumayo at naglakad papalapit sa pwesto n'ya. "And let's seal it with a kiss," lumuhod ito sa kama bago dahan-dahan gumapang pataas hanggang sa magpantay ang kanilang mukha. Agad na namula ang mukha nya dahil sa kanilang posisyon lalo na ang magkalapit nilang mukha.
Lalo nyang nasilayan ang kagwapuhan nitong taglay sa paglalapit ng kanilang mukha. Makinis at maputing mukha, matangos na ilong, medyo namumulang labi na pag tiningnan mo ay hindi mo maiiwasang isipin na kay sarap nitong halikan at ang mata nitong kulay brown. Na kakaiba kung tumingin na para bang inaarok ang buo mong pagkatao sa klase ng pagtitig nito.
"H-halik.. Bakit mo ako hahalikan?" mahinang anas n'ya dahil sa sobrang lapit ng kanilang mga mukha. Halos magkalapat na rin ang kanilang mga ilong at napalunok sya ng magtama ang kanilang mga mata at katulad ng sabi n'ya, parang tagos hanggang kaluluwa nya kung paano s'ya nito titigan. Nakakapanindig ng balahibo...
"Because I want to seal our agreement with a kiss.. Bakit ayaw mo ba? Nagbago na ba ang isip mo? Kaya ko pang bawi—,"
"Wala naman po akong sinasabi na umaayaw na ako. Nagtatanong lang naman po ako. Masama po bang magtanong lalo na kung ikaw ang magiging unang hal— uhhmmpp!" she was cut off ng bigla na lang nitong angkinin ang labi n'ya na labis n'yang ikinagulat. At ang akala n'yang simpleng halik lang ay naging isang mapag-angkin at mapusok na halik na halos ramdam n'ya na tila nanggigigil ito sa labi n'ya. Nalibot din ng dila nito ang loob ng bibig n'ya at tumigil lang ito ng halos parehas na silang kapusin ng paghinga. Ramdam n'ya rin na tila namamanhid ang labi n'ya dahil sa intensidad ng halik nito.
"And it's good to hear that I am your first kiss, lady.. And one more thing, you are mine from now on. Akin ka lang," possessive na anas nito na hindi na n'ya masyadong naintindihan dahil muli nitong inangkin ang labi n'ya. Hindi pa s'ya nakakabawi sa unang halik pero heto na naman ang lalaking parang sabik na sabik sa labi n'ya kung panggigigilan nito yon. Hindi na lang s'ya tumutol pa at hinayaan lang ito dahil baka magbago pa ang isip nito tungkol sa pagtulong nito sa kanyang Lola. At binabawi na n'ya ang sinabi nyang gentleman ang binata, dahil sa pamamaraan ng halik nito sa kanya. Alam nyang hindi lang ito ang maaari nitong gawin sa kanya...