C- 2

1403 Words
LUKE POV. WEDDING DAY… Sa buong buhay ko ay masasabi kong matutupad na rin ang isa sa pinapangarap ko. Ang magkaroon ng pamilya kasama ang pinakamamahal na babaeng napili ng aking puso. “Kuya, bakit pinagpapawisan ka yata siguro kinakabahan ka ano?” tanong sa akin ni Levi. nasa tabi ko silang dalawa. At sa kabilang gilid ang mga magulang namin. “Hindi ko rin maintindihan ang sarili ko kung bakit ganito ang nararamdaman ko.” pilit nag ngiti na sagot ko sa aking kapatid. “Baka dahil lang 'yan sa puyat at nainom mo kagabi. Kaya mag-relax ka at maya maya lang ay darating na ang bride mo.” ani naman ni Liam, ang isa kakambal ko. Panay ang inhale exhale ko para mabawasan ang tension na aking nararamdaman. Hanggang narinig ko na ang pag tunog ng wedding song. Mismong kami nang babaeng mahal ko ang pumili sa kanta na yon. Kaya naman umayos na ako sa pagkakatayo at pinunasan ang pawisan kong noo. Nang bumukas ang pintuan at nagsimula nang maglakad ang mga sponsors. Bridesmaid, groom’s men at mga bata. Parang lalo pa yata akong pinagpapawisan ng malamig. “Kuya, be ready ayan na siya.” Narinig kong bulong ng aking kakambal sa gilid ko na si Liam. Kaya umayos na ako ng tayo at tuwid na tumingin sa pintuan. Nang matanaw kong kaagapay na siya ng kaniyang mga magulang. Hindi ko mapigilan ang pagtulo ng aking luha. Sa wakas maging mag-asawa na rin kami. Ang tagal kong hinintay ang araw na ito at talagang sobrang napakasaya ko. Hindi ko maipaliwanag ang galak na pumuno sa aking dibdib. “Kuya, punasan mo ang iyong mukha at malapit na siya.” muling bulong ng kakambal ko sa kabilang gilid na si Levi. Ilang beses pa akong muling nag inhale exhale. Bago naka-relax ang aking pakiramdam. Nang mga sandaling iyon nasa harapan ko na ang aking bride. Subalit nagtaka ako nang hindi man lang nagsalita ang parents ni Leah. At nananatiling tahimik lamang ang mga ito. Kaya sa kawalang masabi ko ay inabot ko na lang ang kamay nang aking bride. Ngunit hindi nito iyon pinansin. Nagtataka ako dahil wala man lang siyang reaksyon. At sa malabong sinag sa suot nitong belo ay nabanaagan ko ang luhaan niyang mga mata. Akmang aangatin ko na ang belo niya para punasan ang basa nitong pisngi. Nang biglang tabigin niya ang kamay ko. At kasabay ay malakas niya akong tinulak palayo. “I’m sorry Luke, pero hindi ako magpapakasal sa’yo!” Hindi ko nagawa na mag-react dahil sa pagkabigla. Kaya nanatili akong nakatayo sa harapan niya. “I said, hindi ko magagawang magpakasal sayo!” saka pa lamang luminaw sa isipan ko ang kahulugan ng sinabi niya. Para akong matutumba sa pagkabigla sa aking narinig lalo pa nang tumakbo na si Leah, palabas ng simbahan. Saka pa lamang ako naka kilos at hinabol ito. Ngunit dalawang bisig ang humawak ng mahigpit sa magkabila kong braso. “Tama na kuya, she’s gone.” “No! bitawan n’yo ako ano ba?” sigaw ko sa dalawang kapatid ko. Pero hindi nila ako binitawan. At nang mga sandaling ‘yon ay para akong mamatay sa sakit na nararamdaman. Napapikit ako sa pagpipigil na pumatak ang aking luha. Ngunit naramdaman ko ang pagpunas sa aking mukha. Nang magmulat ako ay nasa harapan ko ang pinakamamahal kong ina. Ganun din ang aking ama, na mahahalata dito ang pinipigilan galit. “Let’s go son, hindi para sa kanya ang pagmamahal mo.” Pakiramdam ko ng mga oras na iyon ay sinakluban ako ng langit at lupa. At habang naglalakad kami palabas ng simbahan. Naririnig ko pa ang mga bulungan. At lalo pang nakadagdag sakit sa aking dibdib ang bawat salitang binibitawan ng mga bisitang naroroon. “Don’t mind them anak, Hindi sila makakatulong sa mga nangyaring ito sayo. Ang mga taong makitid ang utak ay hindi dapat pag-aksayahan ng oras.” ani pa ng kanyang mommy. Hindi ako hiniwalayan ng aking dalawang kakambal. Hanggang makasakay kami ng sasakyan ay nasa tabi ko silang dalawa. At hindi ko na napigilan ang sunod sunod na pagpatak ng luha. Inabutan lang ako ng panyo at hinayaan ilabas ko ang lahat ng sakit na nararamdaman ko. Tahimik ang lahat habang pauwi kami ng mansion. Muling inabutan nila ako ng panyo para punasan ang aking sipon. Ang isipin na nasa gano’n akong sitwasyon ngayon. Gusto kong papaniwalain ang aking sarili na isang masamang panaginip lang ang nangyari. Mahal ako ng babaeng pinangarap kong maging kabiyak at hindi niya ako iiwan. Siguro may nangyari lang na dapat munang makansela ang aming kasal. Siguradong isa sa mga araw na ‘yon ay tatawagan pa rin niya ako. At maghihintay naman ako kung kailan naming muling ipa-schedule ang aming pag-iisang dibdib. “Son, halika na anak.” Lumingon ako at naghihintay sa akin ang aking ama. “D-dad.” Mahigpit akong niyakap ng aking ama at muli ay napaiyak na naman ako. Pagbaba ko ng sasakyan ay naroon din ang mga kamag-anak ko. Halatang nagbibigay ng sympathy at suporta sa akin. “Pinsan, doon tayo backyard may hinanda kami doon.” Naging sunod sunuran ako sa bawat naisin ng aking mga pinsan. Sa likuran mismo ng mansion ay buong gabi kaming umiinom. Doon na rin kami nakatulog sa malawak na living room sa carpet dahil sa dami ng alak na naubos. Kinabukasan ay ginising ako ni Mommy. “Anak, nakahanda na ang almusal kaya magtungo ka na sa dining.” Sige po mommy, salamat.” Isa-isa kong ginising ang aking mga pinsan at kapatid. Magkakasama kaming nagtungo sa mahabang lamesa na puno ng mga pagkain. Subalit kahit alin ang aking tikman ay wala akong panlasa. Kaya tumayo na lamang ako at nagpaalam sa lahat. Hindi naman nila ako tinutulan. Kaya tuloy tuloy na akong umalis. Pagdating ko sa aking kwarto ay hindi ko na naman napigilan ang pagpatak ng luha. Sobrang sakit at literal ang sakin. Ang isipin na tinakbuhan ako ng babaeng pinakamamahal ko ay hindi ko matanggap. Kaya nang masulyapan ko ang ilang paper bags sa gilid ay isa-isa ko iyong binuksan. May mga alak din doon at dinampot ko iyon. Pagkatapos ay sunod sunod na tinungga. Habang nakasandal ako sa gilid ng aking kama. Sa aking isipan ay paulit-ulit kong tinatanong ang sarili. Kung ano ba ang naging pagkukulang ko sa kanya. Lahat naman ay binigay ko, respeto, tiwala at lubos na pagmamahal. Bakit nagawa niya sa akin ang bagay na iyon? Hindi naman ako tumingin sa ibang babae. Lahat ng libreng oras ko ay ipinagkaloob ko sa kaniya. At sa huli ay iniwan pa rin niya ako. Ang masakit pa ay bakit kailangan pang pumunta siya sa simbahan. Magpakita na nakasuot ng wedding gown. Kung aatras din pala siya sa kasal namin? “Anak, please open the door.” Naririnig ko ang boses ni Mommy. Tinatawag niya ako ngunit gusto kong mapag-isa. Kaya binalewala ko ang patuloy niyang pakikiusap na buksan ko ang pintuan. Hanggang na tahimik sa labas. Kaya aking ipinagpatuloy ang pag-inom ng alak. Gusto kong lunurin ang sarili ko sa alak. Baka sakaling makalimutan ko ang lahat. Nais ko rin siyang kamuhian ngunit isipin ko pa lang ay hindi ko kaya. “Luke, tama na yan anak.” Hindi ko namalayan na nabuksan na pala ni Daddy ang pintuan. At nasa harapan ko na ito. “Daddy, I’m sorry…alam ko po na napahiya kayo ni Mommy sa nangyari.” “Huwag kang magsalita ng ganyan. Hindi tayo ang dapat na mahiya kundi ang babaeng ‘yon at ang buong pamilya niya. Sila ang sumira sa napaka importanteng araw na iyon. Kaya sila ang dapat na magkaroon ng kahihiyan at hindi tayo.” “Salamat dad sa inyong pang-unawa ni Mommy. Pero gusto kong samantalahin na rin ang pagkakataon. Magpapaalam po muna ako sa inyo. Nais kong lumayo muna at sana sa gagawin kong ito ay makalimutan ko ang mga nangyari.” “Hindi ka naming pipigilan anak. Ang sa akin lamang ay mag-ingat ka at ipaalam mo sa amin ang lugar na kinaroroonan mo.” “Yes, dad at pangako sa pagbalik ko ay back to normal na ang lahat.” Niyakap ako ng mahigpit ni Daddy. Dama ko ang buong suporta niya at pagmamahal. Kaya naman ng sumunod na mga araw ay sinikap kong maging maayos sa mata nila. Pinilit ko rin ngumiti kahit ang mga mata ko ay puno ng pighati.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD