C-1

1605 Words
LUKE POV. STAG PARTY… “Once lang ‘yan pare at pagkatapos ng kasal ay simulan muna ang pagiging loyal mo sa iyong asawa.” pangungulit ng kaibigan ko. “Tigilan mo ako sa ganyang kalokohan, hindi ko gagawin ang pinaplano n’yo ngayong gabi. Mahal na mahal ko si Leah, at ang isipin na nagtaksil ako sa kaniya ay hindi ko kayang gawin.” matigas kong tanggi sa kanya. “Hindi naman pagtataksil ‘yon, gift lang naman ng tropa dahil huling gabi na nang buhay pagka binata mo.” pamimilit pa nito kaya ang ginawa ko ay tinalikuran na lamang ito at nagkunwaring busy. Baka makapagsalita pa ako ng hindi tama. Sa lahat ng ayaw ko yung kaibigan na bad influence. “Pareng Luke, huwag kang magalit…” “Basta ayaw ko pare, kung gusto nyo ng ganun party ay kayo na lang. Isa pa hindi ako maaaring uminom ng alak. Nangako ako sa kaniya na maging mabuting asawa. Igagalang, respetuhin at pakamamahalin ko siya ng lubos.” “Fine!” mag grill na lang tayo at kaunting inuman.” sumusuko na sagot ng kaibigan. At napangiti na ako, kahit makulit ang kaibigan kong ito ay tapat naman at maasahan. “Good, paano magkita na lang tayo mamayang gabi.” aniko bago naglakad ng palayo. “Sige pare, ingat ka sa pag-uwi.” “Salamat pare.” GABI nang huling pagka binata ko raw kaya lahat ng tropa ay naririto. Kahit sa ibang branch ng SA Agencia ay dumating din. At ang planong kaunting inuman ay nauwi sa lasingan. “Ito lang yata ang stag party na walang babae?” reklamo ng isa sa mga tropa ko. “Kaya nga eh, ayaw ng ikakasal kaya wala tayong magagawa.” “Napaka loyal ni Pareng Luke sa magiging asawa niya.” palatak pa ng isa. “Gano’n talaga pag mahal mo ay wala kang gagawin na maaaring makasakit sa damdamin niya.” “Alin kong ako si Pareng Luke, aba huling gabi na eh titikim na ako.” sulsol pa ng isang alagad ng demonyo. “Ikaw ‘yon dahil mahilig ka naman sa talaba.” “Grabe ka dude, talaba talaga?” Habang lumalalim ang gabi at may mga tama na ng alak sa katawan ay tumayo ang isa at kinuha ang microphone. “Ladies and gentlemen, please welcome our special guest, the performing artist…” “Tado! Anong ladies ay wala nga kahit isa dito huh!” pilosopong agaw ng isa pa nilang ka-tropa sa microphone at ito na ang nagpatuloy sa pagsasalita. Subalit nagulat ang lahat. At gusto ko nang tumayo mula sa upuan. Dahil iyon sa biglang pagkamatay nang ilaw. At ang stop light ay tumutok sa akin. Kaya naman nakaramdam ako ng inis. Sinabi ko na sa lahat na walang babae sa gabing ito ngunit ano itong…napalingon ako a paligid. May pagtataka nang tumunog ang Careless whisper. Tatayo na sana ako nang biglang may kumandong sa akin at gumiling giling. “Tangna! Umalis ka sa harapan ko!” utos ko sa isa kong tauhan. “Pagbigyan mo na pare, ayaw mo ng babae ‘diba?” sigaw ng kaibigan ko. Lintik na tropa ko, wala talagang magawa. Pati ang kanilang sniper ay sinuotan ng sexy na pang beerhouse. At ito nga gumigiling giling sa aking harapan sarap sipain. “Ang gwapo mo papa Luke, pwede bang akin ka na lang?” ani pa nito. “Tangna muka, suntukin kita pag ‘di ka tumigil sa kakagiling! Akala mo ay na-epilepsy kang gago ka!” hindi ko mapigilan ang pagmumura dahil sa pinaggagawa ng tarantado. Ganun pa man ay masaya ako sa mga nangyayari. Hindi biro ang effort ng mga kaibigan at tauhan ko. Kaya naman ay lubhang na appreciate ko ang gabing ito. Ang kaninang inis ko ay nauwi sa kakatawa. Nang isa pang tauhan namin ang palapit sa kinauupuan ko. Nakasuot naman ito ng maikling damit na akala mo ay isang porn dancer. “Umalis ka riyan dahil akin s’ya! Mas magaling ako sa’yo, alis!” tulak nito sa isang dancer na kanina pa nasa aking harapan. Kitang kita ko ang malakas na pagtulak nito sa aming sniper at dahil lasing ay bagsak sa gilid. “Bakit mo ako tinulak? Langya ka, napa lakas ang bagsak ng pwet ko!” tila nalinawan na yata sa alak na nainom. “Gano’n talaga pare para kapanipaniwala ang acting natin.” katwiran naman ng tumulak dito. “Tumigil na nga kayo sa kalokohan na ‘yan at baka mamaya ay magkapikonan pa.” pananaway ko sa mga ito. “Sayang naman ang attire ko bossing, bagong suot ko pa lang nito eh.” aba’t nagrereklamo pa talaga. Tumawa na lang ako at suminyas na ipagpatuloy ang pagsayaw. “Okay, gusto mong gamitin talaga ‘yan?” “Oo naman, alam mo bang kung saan saan ko pa ito hinanap para lang sa gabing ito?” “Tama naman boss, nag effort talaga ‘yan si Denis, para lang mabigyan ka ng kasiyahan.” “Kung gano’n anong susunod mo na gagawin?” napipilitan kong tanong kay Denis. “Huwag ka kasing magrereklamo boss ah.” “Okay sige, go!” balik ako sa upuan at hinintay ang susunod nitong gagawin. Hanggang tumunog ang isang instrumental at sinabayan nito nang kanta na may kasamang sexy dance. Hindi ako makapaniwala na ganito kaganda ang boses at magaling sumayaw ang tauhan kong ito. Kung hindi ko ito kilala ay iisipin kong isa itong gay professional performing artist. Ang lahat ay napanganga. Lalo na nang mag tumbling ito sa hangin ng tatlong sunod sunod. Pagbagsak ay naka split. Napa tayo ako sa upuan dahil nag-alala akong baka hindi na ito makatayo. Maya maya nag iingay na ang lahat. “Takte ka Denis, ikaw ba talaga ‘yan Dinah?” “Umamin ka nga Dinah, kaya ka na sa Agencia natin ay binosohan mo kaming lahat ano?” “Ngayon ay alam ko na kaya lagi kang sumasabay sa akin paliligo ay pinagnanasaan mo ako, Dinah.” “At bakit ko ‘yon gagawin ay hindi naman kayo kagaya ni Bossing na guwapo? Isa pa mas malaki pa nga ang akin kumpara sayo noh? Baka sakaling bosohan ko nga kung si Bossing ka, kaso hindi eh dahil ‘di kita type huh!” sabay pilantik ng mga kamay at pakending kending na naglalakad palayo. For the first time in my life ay ngayon lang ako tumawa ng ganito. At sa totoo lang ay napakasaya ng gabing ‘yon para sa akin. Habang minamasdan ko ang aking mga tauhan na patuloy nag-iinuman ay malapad ang aking pagkakangiti. “Ngayon ay mamamaalam ka na sa pagiging binata mo, pinsan.” napalingon ako sa narinig. “Oh, kailan ka pa dumating Josh, mabuti at pinayagan ka ng asawa mo?” “Alam niyang walang babae dito kaya pumayag. Nasaan pala ang mga kakambal mo at hindi ko nakikita?” “Narito kami, kararating lang din namin.” Sabay baba ng mga dalang inumin at mga pagkain na pina cater pa nila para sa party ng kapatid. “Wow! Inuman to the max ito, paano yan bukas sinong mga duty?” tanong ng kanang kamay ni Luke. “Mag-enjoy kayo at huwag munang isipin ang duty, ako na ang bahala sa bagay na ‘yon.” sagot ni Josh. “Regalo ko na dito sa pinsan ko.” “Salamat big boss,” narinig kong halos sabay sabay pang sigaw ng aking mga tauhan sa pinsan kong si Josh. “Ikaw Luke, huwag kang masyadong mag-inom. Dapat makatulog ka kahit tatlong oras para fresh ka bukas sa kasal mo.” advice pa ng pinsan ko. “Hindi naman ako umiinom ng marami pinsan. Sinasamahan ko lang ang mga ito at maya maya ay aalis na rin ako.” “Good,” niyaya ko na lang sila sa isang bakanteng table. Doon ay paunti unti kaming uminom habang kumakain na rin. Hanggang sumapit ang ala-una ng madaling araw. Nagpaalam na ako sa kanilang lahat. “Sabay na tayo kuya Luke, doon na rin ako matutulog sa mansion.” ani Liam. Tumango ako bago humarap sa isa ko pang kapatid. “Ikaw Levi, maiiwan ka ba rito?” “Yes kuya, maya maya na lang ako uuwi.” “Okay, but make sure na makakauwi ka ng maayos.” “Oo naman, huwag mo akong alalahanin, Kuya Luke.” Habang nasa daan kami ng aking kapatid ay may kakaiba akong pakiramdam na hindi ko mabigyan ng tamang kahulugan. Nais kong ibahagi sa kapatid ko ang gumugulo sa isipan ko. “Kuya Luke, tuloy na ba talaga ang kasal mo?” Lumingon ako sa kanya. “Anong klaseng tanong ba ‘yan Liam?” may halong pagtataka na tanong ko sa kanya. “Wala naman kuya, nalulungkot lang ako dahil syempre iba na ang sitwasyon mo pag may pamilya na.” “Doon talaga tayong lahat pupunta, kailangan na natin magkaroon ng sariling pamilya. Malapit na tayong mawala sa calendar. Mas mabuting hanggang bata pa ay magkaroon agad ng maraming mga anak.” “I see, sabagay tama ka naman.” Lumipas ang ilang minutong katahimikan. Napansin kong nahulog sa malalim na isipin ang aking kakambal. Kaya hindi na rin ako nagsalita pa hanggang marating namin ang mansion. “Bro, mauna na ako at kailangan ko nang matulog. Baka maging haggard ako bukas sa mahalagang araw ko.” paalam ko kay Liam. “Sige kuya, good night.” “Good night, bro.” Matapos kong makapaligo ay hubad baro akong nahiga. Hindi na rin nagtagal ay inagaw na ako ng kamalayan hanggang tuluyang nakatulog.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD