C- 3

2247 Words
LUKE POV. CLUB. HINDI ko alam kung hanggang saan ang kaya kong pagpipigil sa sarili para lamang hindi makapanakit nang tao. Subalit sa ginawa ng babaeng iyon sa akin ay gusto ko siyang puntahan at saktan. Hanggang mabawasan ang puot at sakit na naririto sa aking dibdib. “Pare, huwag mong pag-aksayahan ng oras ang ganyang klase ng babae. Hindi ikaw ang nawalan kundi siya. Sa totoo lang ay gusto pa nga naming pasalamatan na ang ginawa niya sayo. Dahil hangga’t maaga ay nakilala mo ang tunay niyang kulay.” Subalit hindi ko pinapansin ang sinasabi ng kaibigan ko. Ang aking puso at isipan ay naka tutok lamang sa ginawa ng babaeng 'yon sa buhay ko. “Pare, mas mabuti pang uminom na lamang tayo at kalimutan ang problema.” Ani pa nito na agad kong sinang ayunan. “Mas mabuti pa nga pare,” at sunod sunod kong tinungga ang alak na nasa aking harapan. Kung noon ay kontrolado ko ang aking sarili sa pag-inom. Not now, nais kung lunurin sa alak ang aking katawan. Baka sakaling mabawasan ang sakit dito sa aking dibdib. Ang mga baso na puno ng tequila sa harapan ko. Tila nag aanyaya na damputin ko lahat yon at ubusin. Ang sabi nila ay masyado raw matapang ang inuming iyon. Nakakapag palimot ng problema dahil masyadong mainit ang hatid sa katawan. Subalit sa kaso ko ay parang hindi naman tumatalab ang alak na iyon sa aking katawan. Kaya naman nag-order pa akong muli ng another bottle. At nagpatuloy kami sa pag-inom. Hanggang hindi ko na namalayan ang pagdaan ng mga oras. “Boss, magsasara na po kami at kailangan na ninyo ang umuwi.” Nabanaadan ko ang sinasabi ng kung sino sa aking paligid. Ngunit dahil naparami ang nainom ko ay hindi ko na magawang makapagsalita man lang. “Sir, mauna na po kayong umuwi at ako na ang magsasara ng bar. Hindi naman po ako inaantok kaya hihintayin ko na lang magising ang mga ‘yan. Huwag kang mag alaala boss dahil hindi ako aalis dito hanggang naririto sila.” Dinig ko ang boses ng isang babae ngunit nanatili akong nakapikit. “Sige ikaw na ang bahala, siguraduhin mong naka-lock ang pintuan bago mo iwanan.” “Opo, sir.” Hindi ko alam kung nananaginip ako o totoo ang aking naririnig. “Magsilayas nga kayong dalawa dito! Iinom-inom kayo ay hindi naman pala ninyo kaya!” Naiinis ako sa boses na naririnig ko dahil masakit sa tainga. Kaya pinilit kong mag mulat ng mata. “Mabuti naman at gumising ka nang pangit ka! Lasinggo! Layas na at nang makauwi na ako!” Muli kong narinig ang malakas nitong boses na akala mo ay nasa palengke. Ngunit dahil antok na antok na ako ay pinabayaan ko na lamang ang bibig nitong tinalo pa ang armalite. “Aba’t tinulugan mo pa ako! Tingnan natin kung hindi kayong dalawa babangon sa gagawin kong ito huh!” Gusto kong matawa sa pagbabanta ng babae. Subalit halos mawala ang kalasingan ko ng may malamig na bagay akong naramdaman. Tuluyang akong dumilat dahil sobrang lamig ng bumuhos sa aking buong katawan. “Hindi pa talaga kayo magigising? O baka gusto ninyong buhusan ko kayo ng kumukulong mantika!” Sa aking narinig ay nagmamadali kong hinila ang aking kaibigan subalit bumagsak lang ito sa sahig at naghihilik pa. “Miss, huwag mo na kaming murahin pakitawagan mo na lang ako ng taxi para maisakay ko itong aking kaibigan.” “Mabuti naman pala at nalinawan ka sa ginawa ko sa’yo huh!” at nakita kong mabilis itong nag-dial. Habang naghihintay ng pagdating sa taxing tinawagan ng babaeng bungangera. Muli akong naupo sa isang bakanteng upuan. Ngunit unti unti ko na namang naramdaman ang sobrang antok. Kaya sumubsob na lang muna ako sa lamesang naroon hanggang muling nakatulog. Kinabukasan ay napabalikwas ako ng bangon. May pagtataka rin sa klase ng kapaligiran na kinalalagyan ko. Nasaan ako at kaninong kama ang higaan kong ito? Katanungan sa aking isipan na ako rin ang makakasagot. At nang tuluyang bumalik sa alaala ko ang mga nangyari. Mabilis akong bumangon kahit hindi pa malinaw sa pangingin ko ang lahat ng nakikita. Nagmamadali akong tumayo ng bigla ring mapabalik sa higaan. At nagulat pa ako ng pag angat ko ng makapal na kumot ay may taong nakahiga rin doon. Agad akong kinabahan at dali daling hinila makapal na telang nakatabon sa taong ‘yon. Ganun na lang ang panlalaki ng aking mga mata. “What the f*ck is going on?” Malakas kong pagmumura. Dahil doon ay nagising din ang kaibigan ko. “P-pare, oh s**t!” bakit parehas tayong hubad at nasaang lugar tayo?” Nanlalaki ang mga matang tanong ng kaibigan ko. Pero hindi ako sumagot at muling binalikan sa isipan. Kung paano kami napunta sa ganitong sitwasyon. Hindi pa man lang kami nakaka recover sa pagka bigla nang bumukas ang pintuan. Pumasok doon ang dalawang lalaki na halos sumuko sa kisame sa sobrang tatangkad. Napamura ako sa aking naiisip, at sigurado akong gano’n din ang nasa isipan ng aking kaibigan. “Who are you?” lakas loob kong tanong sa dalawang lalaki na may bato batong katawan sa sobrang laki ng mga muscle. Ganun pa man ay kinilabutan ako sa mga ideyang pumapasok sa isipan ko. “Anong who are you? Baka balian kita ng buto! Kung ‘di dahil sa inyong dalawa ay wala kaming dalaw rito at nasa trabaho!” “Anong ibig n’yong sabihin, at bakit kami mga hubad nasaan ang aming mga damit?” “Huwag mong sabihin na wala kang natatandaan pogi?” Tangna, pagmumura ako nang marinig ang huling sinabi ng dalawang maton. ‘Di yata’t mga bakla ang mga ito? O s**t! Agad kong nakapa ang aking pagkalalak* kung may kakaiba. At naging panatag ako ng parang okay naman. “Naroon sa lundry, at para sabihin ko sa inyong dalawa na bayaran n’yo ang pag-absent namin sa trabaho! Or else ay hindi na kayo makakalabas dito ng buhay!” “Huwag mo kaming takutin, kahit ganyan pa ang mga katawan n’yo ay hindi kami takot!” Malakas kong sigaw sa dalawa. Kahit ang totoo ay sinagilahan ako ng takot. Dahil pag nahawakan nito ang katawan ko. Siguradong madali lang dito na ihagis ako kung saan. Ah, gano’n?” Sagot ng isang lalaki bago ako nito sinugod. “Stop!” sabay sabay pa silang lumingon sa babaeng sobrang lakas ng boses. At halos mapatulala ako sa mukha nito at sa buong katawan. Ang babaeng nakatayo sa pintuan parang nawala ako sa aking sarili.. Sino ba namang hindi kung makikitang halos wala nang suot na damit ito sa sobrang ikli. “Kayong dalawa, isuot n’yo ito,” sabay bato sa aming ng dalawang maliit na tela. “Hindi ako magsusuot nito, nasaan ang mga damit ko?” Galit kong tanong sa babae. “Naroon sa laundry at kung ayaw mong suotin ‘yan ay magtiis kang walang damit! At kayong dalawa, sumunod na sa kusina nakahanda na ang pagkain!” “Yes, Madam.” Nang sumara ang pintuan ay nagmamadali kaming dinampot ang kaperasong tela at agad na sinuot. Mukha namang malinis dahil amoy sabon pa iyon. Ngunit nang maisip na wala silang pangtaas ay gustong bumalik ni Luke sa higaan. “Tangna pare, ano ba itong napasukan natin?” Tanong niya sa kaibigan na tila wala pa rin sa huwesyo. “Halika na pare, hayaan mo silang maglaway sa katawan nating dalawa.” Hindi na lamang ako sumagot at sumunod na sa paglabas ng kaibigan ko. Ngunit bigla akong natakam sa mga pagkaing nasa lamesa. Kaya naman naupo agad at sinimulang kumain. “Magpakabusog kayong dalawa dahil pera n’yo naman ang pinangbili ko sa lahat ng ‘to.” Sa aking narinig ay napatayo ako at lumapit sa babae, “nasaan ang wallet ko woman?” “Ayon sa tokador, kaya lang hindi mo makukuha dahil naka-lock iyon.” “Kung gano’n ay buksan mo at kukunin ko.” “Huwag mo akong utusan dahil hindi ako maid!” Naiinis na naman ako sa babaeng ‘to, kung hindi lang nakakahiya ay pinatuwad ko na ito dito mismo sa dining table. Tangna sa iksi ng suot at halos kita na ang singit, ano bang klaseng babae ito? “Huwag mo akong pagnasaan pogi dahil hindi kita type!” “Excuse me? Ikaw pagnanasaan ko? Para sabihin ko sa’yo na mas lalong hindi kita type!” sabay talikod ko sa babaeng makapal ang mukhang pagsabihan ako ng gano’n. “Ganun ba?” At muntik na akong mapaatras ng biglang lumitaw sa aking mga mata ang mukha nito. At halos gahibla na lang ang pagitan at mahahalikan ko na sa sobrang lapit. “Ano ba lumayo ka nga sa akin! Hindi mo ba narinig ang sinabi ko? Pwes, uulitin ko hindi kita type! Maliwanag ba?” “Malabo! Bakit napapalunok ka kung hindi mo ako type? If I know may pagnanasa ka sa akin huh!” “Wow! Hindi pala makapal ang mukha mo?” “Hindi ah! Gusto mong hawakan ang mukha ko at super lambot at manipis pa.” Sasagot pa sana ako ng mapansin ang tatlong lalaki na nakanganga habang nakatingin sa aming dalawa. Lalo na ang aking kaibigan, halatang halata dito ang pinipigilang tawa. Kaya malaki ang hakbang na nilapitan ito upang sabihing tulungan ako na makuha ang wallet. Ngunit iba ang isinagot nito na ikina pamura ko. “Pare, tangna tanggi ka nang tanggi ay nakatayo na iyang harapan mo at masyado kang nagpapahalata ng matindi mong pagnanasa.” Mabilis akong napatalikod dahil talaga namang obvious ang aking matigas na harapan. Bakit naman kasi ang bilis mag-flag ceremony nitong buddy ko, lintik na ‘to! Hindi man lang makisama at pinapahiya pa yata siya. Ganun pa man ay taas noo akong naglakad pabalik sa upuan. Nakikita ko na wala akong panalo sa babaeng ito. Bukod sa bungangera ay parang walang kahihiyan sa sarili. Sabagay ano nga ba ang aking aasahan sa babaeng ito kundi kabastusan. Muli akong tumayo at naglakad palabas ng pinto. Ngunit humarang sa aking daraanan ang babae. Kaya malakas mo itong tinabig. “Tumabi ka nga!” Pero malakas na sipa ang tumama sa aking likuran. Sa puntong yon ay humulagpos ang gali ko. Binigyan ko ng dalawang suntok ang babae sabay ng nagkakasunod na sipa. Natumba ito sa sahig, ngunit dalawang lalaki ang humawak sa aking magkabilang braso. Sinubukan kong kumawala ng malakas na sipa ang tumama sa aking tiyan. Nasulyapan ko pa ang kaibigan ko na sinipa ang babae kaya inubos ko ang aking lakas at kumawala sa dalawang lalaki. Doon ay nagpalitan kami ng sipa at suntok ngunit bigla ang pangyayari, napaluhod ako ng may malakas na pumalo sa aking binti. Iyon ang huling natandaan ko. KANINA pa ako nakaupo sa gilid ng medical bed habang gulong gulo ang aking isipan. Paanong nasunog ang aking mukha at katawan? Sino ang gumawa sa akin ng bagay na ito? “Huwag kang masyadong kumilos, baka mabinat ang mga sugat mo.” Lumingon ako sa isang babaeng naka upo sa ‘di kalayuan. Ngunit hindi ko siya kilala kahit ang kaibigan ko ay hindi ko rin alam kong nasaan. “Sino ka at gaano na ako katagal dito?” “Isang linggo ka na dito sa pribadong isla.” “Sinong nagdala sa akin dito at ano ang tunay na nangyari bakit ganito ang kalalagayan ko?” “Hindi ko rin alam, dinala ka dito ni Lady… ahm… ang ibig kong sabihin ay may taong nagdala sa iyo dito.” “Yung kaibigan ko nasaan siya?” “Ikaw lang ang inabutan ko dito, at sa loob ng isang linggo wala akong nakikitang ibang tao dito maliban sayo.” “Nasaan ang nga damit ko at aalis na ako…” “Hindi ka maaaring umalis, mapanganib sa lungsod. Kapag nakita ka nila ay siguradong papatayin ka nila.” “Sinong sila? Wala akong natatandaan na may kaaway ako!” “Hintayin mo si Madam, mahigpit ang bilin niya na huwag kang aalis dito kung nais mo pang mabuhay.” “Sa akala mo ba gugustuhin ko pang mabuhay sa ganitong sitwasyon ko? Mas mabuti pa nga namatay na lang ako kaysa mabuhay na iisa ang paningin at pangit ang kaanyuan!” Sinubukan kong tumayo mula sa bed ngunit hindi ko magawang igalaw ang aking isang paa. At unti-unti kong naalala ang nangyari. “Nasaan ang babaeng malaswang magdamit?” “Wala akong kilalang babae kagaya ng sinasabi mo, Mister, kaya ang mabuti pa ay hintayin mo na lang si Madam.” Hindi ko na pinansin ang babae, pinilit kong alalahanin kung paanong nasunog ang mukha at katawan ko. Pero sumakit lang ang aking ulo, wala talaga kahit konti akong maalala. Muli akong nahiga at pumikit, hanggang nakaramdaman ng pamimigat sa aking paghinga. “Pakihuha ng tubig at nahihirapan akong huminga.” Aniya sa babae, pakiramdam niya may mabigat na bagay sa ibabaw ng kanyang dibdib. “Saglit lang at tatawagin ko si Doktor.” Hindi ko na siya sinagot, bagkus ay sinikap kong abutin ang aking dibdib. Ngunit makirot iyon at tanging benda ang aking nakakapa. “Mister, sabihin mo sa akin ano ang iyong nararamdaman?” “Nahihirapan akong huminga, ang bigat ng dibdib ko.” “Stay, wag ka munang magalaw.” Sinikap kong kumalma ngunit mas lalong nahihirapan ang aking paghinga. “Kailangan kitang dalhin sa ospital.” Hindi na sumagot si Luke, tumango na lamang siya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD