LUKE
WALA ang aking bantay, mula sa higaan ay mabilis akong bumangon. At inalis ang mga nakakabit sa katawan ko.
Hindi umuubra ang pagpapanggap ko na mabigat ang aking dibdib. Nang marinig kong sa Gonzalgo VIP Private Hospital nila ako dadalhin. Bigla akong naalarma at sinabing unti-unting nawala ang bigat ng dibdib ko.
Hindi pa ako handang humarap sa mga kamag-anak ko na ganito ang aking kalagayan. Sa lahat ng ayaw ko yung kaawaan nila ako dahil sa nangyaring ito sa akin.
Naglalakad ako palabas ng silid at bumaba ng hagdan. Hindi kataasan ang kinalalagyan ko. Nasa ikalawang palapag lamang ako at mababa lang din ang hagdanan.
Walang kahit isang tao akong nakikita kaya agad na dumeretso sa dalampasigan. White sand, ibig sabihin nasa malayong probinsya ang kinaroroonan ko.
“Hindi ka pwedeng basta lumabas dahil mapanganib!”
Huminto ako sa paghakbang ng marinig ang boses ng isang lalaki. Hindi ko nagustuhan ang tono ng pananalita nito. Ganun pa man nanatili akong nakatayo. Wala din planong humakbang pabalik kagaya ng nais ng taong ito.
“Bumalik ka na sa loob…”
“Huwag mo akong utusan! Sino ka sa akala mo ha?” Lalo pang nag init ang aking ulo. Ganun pa man ay tuluyan na akong humarap sa lalaki. Hindi ko ito kilala at bigla na lang nakaramdam ako ng galit.
“Kapag nagpatuloy ka sa katigasan ng ulo. Mapipilitan akong posasan ka ng hindi ka makalabas!” Sigaw pa nito sa akin at hindi ako tumatanggap ng ganyang pananalita. Kaya nang nahagip ng mata ko ang isang bato. Mabilis ko yon nadampot at malakas na binato sa kanya. Sapol sa noo at hindi nakaligtas sa mga mata ko ang pagpipigil nito na bunutin ang baril sa tagiliran.
“Bakit hindi mo bunutin ang baril mo?” Umigting ang aking panga sa klase ng titig nito.
“Tama ka, kaya pagbibigyan kita!” Agad na nabunot nito ang baril at tinutok sa aking mukha. Nang mga sandaling yon ay pumikit na lamang ako at naghintay. Dahil ang tanging laman ng isipan ko ay mas mabuting mamatay na lamang. Hindi ko rin naman kayang mabuhay ng ganito ang kalagayan ko.
Subalit agad din akong dumilat ng marinig ang isang putok. Nakita kong nakahandusay sa buhanginan ang lalaking nagtangkang bumaril sa akin.
“Let’s go! Hindi ka ligtas dito.” Mahinahon ang boses ng babae. Ngunit hindi ko makita ang mukha nito dahil nakasuot ng malaking shades. Ang buhok ay maikli at kulay pula. Ganun din ang labi na pulang pula din sa lipstick. Pero hindi ko mapigilan sulyapan ang katawan nito. Perpekto at tila nag aanyaya na hawakan ko ang kagandahang yon.
Tila bumalik ako sa realidad ng maramdaman ang palad niya sa aking braso. Ang init ay kakaiba ang hatid sa katawan ko
“Sabi ko pumasok na tayo sa loob.”
Hindi ko siya sinagot ganun pa man ay nagsimula na akong humakbang pabalik sa loob ng resort. Binilisan ko rin ang lakad at nilampasan siya.
Pagdating sa loob ay naroon ang babaeng nag aasikso sa akin. Saka ko naalala ang mga nais kong itanong sa babaeng may mapulang labi at buhok. Subalit paglingon ko ay wala na ito at hindi ko na rin nakita pa. Luminga pa ako sa paligid pero talagang wala. Saan kaya nagpunta ang babaeng yon?
“Sir, bakit ka galing baka mapagalitan ako ni Madam kapag nalaman niya na nasa labas ka ng bahay.”
“Sino ba ang sinasabi mong Madam, yung mapula ang buhok?”
“Oo… s-saan mo siya nakita?” Nauutal na tanong ng ginang.
“Doon sa dalampasigan at kasama ko siya kanina ng bumalik dito pero bigla na lang nawala.” aniko sa babaeng aking kaharap na kahit pangalan ay hindi ko alam.
“Patay ako nito mamaya, sabi ko naman sayo huwag kang lalabas eh.” May takot ito sa mukha.
“Bakit ka natatakot sa kanya?” iba ang reaksyon ng babaeng ito kumpara sa pinapakita sa akin ng babaeng kanina lang ay kasama ko.
“She’s a monster, ganun kapag nagalit kaya umiiwas ako na mapagalitan. Please lang wag kang pasaway, dahil kargo kita kapag may masamang nangyari sayo.”
Napaisip ako sa sinabi ng babaeng tagapag-alaga ko. Dahil hindi naman ganun ang pakita sa akin ng madam nito. “Sigurado ka ng monster kapag nagalit ang sinasabi mong madam?”
“Oo, kaya pakiusap huwag ka naman magpasaway. Hindi mo alam kung gaano siya kalupit.”
Tinalikuran ko na lamang ang aking tagapag-alaga. Pumasok ako sa loob at dumeretso sa aking silid. Hindi para mahiga kundi lumabas sa veranda. Kung sino man ang babaeng tinatawag na madam. Nakakasiguro akong may alam siya sa nangyaring ito sa akin.
A few months later.
Ala-singko pa lamang ng umaga ay naririto na ako sa dalampasigan. Ginawa kong routine ang mag-jogging at gym sa mismong likuran ng resort. Anuman ang nangyaring ito sa akin ay kailangan ko nang tanggapin. Hindi habang buhay ang aking pag tira dito sa isla.
“Sir, ipinatatawag ka ni Madam. Naroon daw siya sa falls, doon ka niya hihintayin.”
Tinanguan ko na lamang si Ms. Jiang, bago nag lakad na patungong falls. Malayo pa lamang ako ay tanaw ko na ang babaeng nakaupo sa single chair. Nakatagilid ito sa banda ko habang nakatitig sa kalaliman ng falls.
“Pinatawag mo raw ako?” aniko sa kay Madam. Ngunit hindi man lang sumagot o kahit sulyap ay wala din. Kaya naupo na lamang ako sa bakanteng upuan.
Mahabang katahimikan.
“Maghanda ka na at ipahatid kita sa aking mga tauhan.” hindi pa rin siya tumitingin sa banda ko. Ganun pa man ay nakaramdam ako ng bigat sa pakiramdam. Hindi dahil nakasanayan ko na ang buhay dito sa isla. Kundi hanggang ngayon ay hindi ko alam kung kaya kung humarap sa buong pamilya ko na ganito ang aking itsura..
“I know it, dinanas ko rin ang ganyan noong wasakin ng isang tao ang aking mukha. Ilang taon din akong nabuhay sa kadiliman. Iniwan at tinalikuran ako ng karamihan sa aking kamag-anak. Nilayuan din ako ng mga kaibigan ko dahil nandidiri sila sa aking mukha. Hanggang nakasanayan ko na ang buhay na mag-isa.”
“Madam, hindi mo kailangan ikwento sa akin ang pribado mong buhay…”
“Hanggang nakilala ko ang isang tao. Kaya nagpa plastic surgery ako upang maging perpekto sa paningin ng lahat. Iniba ko na rin ang pangalan ko at naging masaya naman ako. Pero wala talagang permanente dito sa mundo. Ang kasiyahang yon ay naglahong parang bula. Nang ma frame up ako sa kasalanang hindi ko ginawa. At the end of the day. Bumalik ang buhay ko sa kadiliman.
“Bakit mo sinasabi sa akin ang pangyayari sa buhay mo hindi naman ako interesado.”
“Yeah, Tama ka, hindi ko dapat sinasabi sa kahit sino ang pribado kong buhay.” aniya bago tumayo na at mabilis na nagpaalam.
Luminga muna ako sa paligid nais kong kabisaduhin ang buong paligid. Wala naman nakakaalam ng bukas. But who knows someday, makabalik pa ako sa lugar na ito.
Naglakad na ako patungo sa aking silid at kinuha ang aking wallet. Sinuot ko rin ang aking relo at nagtungo na ako sa labas.
“Nasaan ang mga gamit mo?” tanong sa akin ni Madam.
“Hindi ko na yon kailangan. By the way, nais kong magpasalamat sa tulong at pagdadala mo dito sa akin. Kung wala ka baka matagal na rin akong patay.” ang lahat ng sinabi ko ay mula sa kaibuturan ng aking puso.
“No need, let’s go!” hindi na ako muling nagsalita pa. Sumunod na lamang kay Madam, na kahit minsan hindi nagpakita ng mukha sa akin. Laging nakasuot ng malaking shades or mask sa tuwing kinakausap niya ako.
Nang makasakay ako sa loob ng chopper. Hanggang tumaas sa himpapawid. Sa hindi malamang dahilan. Nakaramdam ako ng sobrang lungkot. Akmang titingin ako sa ibaba nang may pumasok sa message.
Agad kong binasa ang mensahe mula sa pribadong komunikasyon. At biglang kumalabog ang aking dibdib dahil sa nabasa. Si madam, siya raw ang responsible sa nangyaring pagkasunog ng aking katawan at mukha.
At sa mga oras na yon ay nangatal ang aking pakiramdam sa galit na nararamdaman. Muling nanariwa ang huling araw ko sa bahay ng babaeng yon bago ang pagkasunog ko. W-Wait… hindi kaya ang babaeng yon din at si Madam ay iisa? Kaya laging nakasuot ng mask o kaya ay shades ng hindi ko makilala?
Aking sinagot ang mensahe, sinabi kong papauwi na ako ng penthouse ko. kailangan personal kong kausapin ang taong nagpadala sa aking mensahe. Hindi ako sigurado kung sino sa mga tauhan ko. Pero nararamdaman kong marami pa akong matutuklasan.
"Sir, are you okay? May dinaramdaman ka ba at pinagpapawisan ka?" Ayaw ko sanang sagutin, pero naka suot na ng head seat. Kaya napipitan akong sagutin siya.
"Wala, at wag mo na akong pansinin, medyo kinakabahan lang ng konti. Naisip ko kung ano ang maging reaksyon ng pamilya ko kapag nakita ang kalagayan kong ito." aniko kay Ms. Jiang, nang hindi na ito mangulit sa kakatanong. Kabisado ko na ang ginang, masyadong madaldal at maintrega. Sa madalit salita ay ultimate tsismosa ang babaeng ito sa buhay ko.
Makalipas ang ilang oras, lumapag ang chopper sa isang malawak na bakanteng lupa. Ang plano ni Luke, na sa roof top ng penthouse sila lumapag ay hindi natuloy. Nag bago ang aking isipan, mas mabuti na iilan lamang ang nakakaalam ng penthouse ko.