ARMEDAH
HINDI ko pinapansin ang pang aasar ni Princess Maxine a.k.a Lady Monster. Lalo pa at kung ano-anong picture ang pinapakita nito sa akin.
“Ayaw mong makita ang mga babaeng karibal mo?”
“Wala akong paki sa mga yan, kapag nakita nila ang tunay na mukha ni Ali, sigurado maglalaho agad ang nararamdaman nila. Pera, koneksyon lang naman at kasikatan ang habol ng mga yan.” aniko pa.
“Bakit ikaw, hindi ka ba nandidiri sa kanya? Sabagay hindi mo pa nakikita ang totoong itsura niya kapag wala siyang maskara.”
“Shut up! Wag na wag mo siyang pipintasan!” Naiinis ako sa babaeng ito. Kahit kaibigan ko ay walang pakundangan magbitaw ng salita. Hindi ba nito alam na masakit sa akin ang mga binibitawan niyang salita?
“Kapag nag-s*x kayo, ewww! Yung katawan niya lubak lubak… f*ck! Bakit mo ako binato?” hindi ko na talaga mapigilan kaya nabato ko siya ng nadampot kong remote control.
“Get out! Ayaw na kitang kaibigan!” taboy ko pa sa kanya ngunit nanatili lang sa kanyang pwesto.
“Bakit mo pala ako palalayasin dahil nagsasabi ako ng totoo?”
“Pintasan mo na ako at lahat ng masamang salita sa akin mo sabihin. Pero wag na wag mong alipustain ang Ali ko!” Tinalikuran ko si Lady Monster, asar talo talaga ako kapag kapintasan na ni Ali ang pinag-usapan.
“Hoi! Bruha ka, bakit ka umiiyak ay nagbibiro lang naman ako!” Sigaw pa ni Lady Monster pero hindi ko na siya pinansin. Pumasok ako sa silid ko at sinara ang pinto. Ibinagsak ko ang aking katawan ng padapa sa ibabaw ng kama.
Muling bumalik sa alaala ko ang sandaling natagpuan ko si Ali, habang umuusok pa ang katawan at mukha dahil sa sunog. Ang paghihirap niya habang dumadaing sa matinding kirot. Hanggang ngayon ay sariwa pa sa isipan ko. Kaya sa tuwing may naririnig akong panlalait tungkol sa kanya. Ako ang nakakaramdam ng sakit, siguro dahil mahal ko lang talaga siya.
Hindi ko namamalayan kung gaano katagal akong nasa higaan. dahil nang mag mulat ako ng mga mata ay medyo dumidilim na.
Bumangon ako at lumabas mabuti at wala na si Lady Monster. Saka ko naalala na wala pala akong stocks.
Bumalik ako sa aking kwarto at nagbihis. Dinampot na rin ang ballpen at papel pagkatapos ay inilista ko ang aking mga bibilhin.
Ayaw ko muna maglalabas ngayon. Lalo at malapit lang ang penthouse ko kay Ali. Kanina ng sabihin ni Lady Monster, alam raw ni Ali na ako ang responsable sa pagkasunog nito. Matindi ang galit sa akin at sigurado pinaghahanap na ako ng mga tauhan nito. At hindi na ako nagulat sa balitang yon.
Ganun pa man nakaramdam ako ng matinding galit sa tunay na may kagagawan. Kaya hindi ako titigil hanggang hindi makakaganti sa mga taong yon.
Kagaya ng lagi kong ginagawa ay naka disguise ako. Jogging pants, t-shirt for women, face mask at cap. Pagdating sa pintuan ay kinuha ko ang white sports shoes at sinuot iyon. Bago tuluyang lumabas ay luminga linga pa ako sa paligid. Nang masiguro na walang ibang tao nag lakad na ako patungo sa elevator.
Private elevator ang aking sinakyan upang mabilis makarating ng parking. At pailing iling na sumandal sa wall nang makita ang kabuuan sa salamin. Sinong makakakilala sa akin na halos mata lang naman ang nakikita? Na paranoid na yata talaga ako, huh!
Pagdating sa basement parking pasakay na sana ako. Nang makaramdam ng kakaiba sa paligid. Sa mabilis na kilos ay lumingon ako pero wala naman ibang tao doon.
Nang makapasok sa loob ng sasakyan ay agad na pinaandar iyon. Lumabas ng basement at dumeretso sa supermarket. Ganun pa man ay malikot ang aking mga mata at panay tingin sa paligid.
Kakaiba ang araw na ito, ang pakiramdam ko ay laging may nakasunod sa aking likuran. Kahit ang mga taong aking nakakasalubong ay nababangga ko rin at tila lutang sa kawalan. At dahil iyon sa mga taong kriminal na nag frame up sa akin.
“Hey! Lady, are you okay?” Parang bigla akong bumalik sa realidad. Dahil sa boses na narinig.
“Sorry, nasaktan ka ba?” Nag-alala na tanong ko sa isang matangkad na bulto ng lalaki.
“No, it’s okay… are you alone?”
Hindi ako sumagot at pumihit na muna paharap dito. Pero nag-iisa na ako at wala na ang lalaking nabangga ko. Nagpalinga linga pa ako pero hindi ko na siya nakita pa.
Binilisan ko na lang ang kilos, lahat ng nasa listahan ay aking dinampot at nilagay sa malaking cart.
Pagkatapos ay dinala sa counter. Habang nakapila ay nagpapanggap ako busy sa pagkalikot ng cellphone ko. Kahit ang totoo ay pinapakiramdaman ko ang paligid.
”Ma’am, heto po ang bill mo.” saka ko pa lang napag tuunan ng pansin ang aking kaharap. Nasa plastic na pala lahat ng aking mga pinamili. Kaya dali dali kong kinuha ang wallet ko sa bulsa. Ngunit wala na iyon, kinapa ko pa ang lahat ng pocket ko at wala na talaga. Saka ko napagtanto nadukot iyon ng lalaking nabangga ko kanina.
Malaking problema ito lahat ng cards at identification ko ay naroon. Wala akong pagpipilian kundi tawagan si Lady Monster. Ang babaeng ito ang pinakamalapit sa penthouse ko.
Habang naghihintay ay pinilit kong alalahanin ang itsura ng lalaki. Ngunit hindi ko naman nakita ang mukha. Dahil ng humarap ako ay wala na ang taong yon.
“Hey b*tch! Anong problema bakit mo ako inutusan pumunta dito? Samantalang kanina lang ay galit na galit ka sa akin?”
“Bayaran mo muna nag mga yon…”
“At bakit ko gagawin yon nasaan ang pera mo?”
“Nawala ang wallet ko kaya pakibayaran kailangan kong mag report sa pulis…”
“Sandali nagsasabi ka ba ng totoo?”
“Bakit mukha ba akong nagbibiro?”
“Fine!” bago niya ako tinalikuran at nagtungo sa counter.
Habang naghihintay ay binuksan ko ang aking cellphone. Pagkatapos ay pinindot ang call register at walang kakaiba. Sinilip ko rin ang email ko at wala naman bago.
“Let’s go! At ipaliwanag mo sa akin kung bakit nawala ang wallet m, huh!”
Nang maisakay namin ang mga pinamili ay sumakay na rin ako. Ang buong akala ko ay sa penthouse ko kami mag-uusap. Ngunit mabilis din siyang nakasakay at humanda sa pakikinig.
“Dito natin pag-usapan, ano ang tunay na nangyari sayo?” pangungulit ng kaibigan ko kaya napilitan akong sabihin na sa kanya ang totoo.
“Hindi ko siya kilala at kahit mukha ay ‘di ko rin nakita. Basta matangkad ang lalaking yon.”
Hindi sumagot si Princess Maxine. Pero biglang hinugot ang car key. “Halika at tingnan natin ang cctv.”
“Bakit ba nakalimutan kong may cctv pala doon?” ngunit wala na akong narinig na sagot mula kay Princess Maxine.
Nang makapasok kami sa loob ng supermarket. Agad na kinausap namin ang isang staff.
“Nasaan ang cctv room nyo?”
“Bakit po mam?”
“Nadukot ang wallet ng kaibigan ko kanina at dito mismo sa loob habang nag grocery siya. So, kailangan namin makita ang cctv.”
“Sige po sumunod kayo sa akin.”
Ngunit pagdating sa loob at buksan ang record ay pareho kaming napamura deleted ang part na yon. Kahit ang cctv sa entrance at exit ay deleted din.
Matapos magpasalamat sa staff ay umalis na kami.
“Sinadya ang pagkuha sa wallet mo at sigurado alam na nila kung sino ka talaga. Bakit ba kasi nasa iyong wallet ang mahahalagang id mo?”
“Ibang wallet pala ang nadampot ko.”
“Halika na kailangan ng ireport sa pulis ang nangyari. At tawagan mo lahat ng bangko mo upang ma-hold ang lahat ng yung account.”
Tumango na lang ako at nagtungo na kami sa aking sasakyan. “Bakit sa akin ka pala sasakay at ikaw ang magmamaneho?” tanong ko sa kanya.
“Lutang ka baka kung saan ka pulutin, huh!”
Wala na akong nagawa kundi sumakay sa passenger seat. At hindi naman kalayuan ang police station sa lugar na yon. Kaya agad kaming nakarating.
“Ms. Sandoval, anong gagawin natin dito. Hindi mo nakita ang mukha ng lalaking sinasabi mong dumukot sa wallet mo.” Tanong ng pulis.
“Yeah, at hindi ko na yon iniisip. Ang sa akin lang para ireport ang pagkawala ng mga id ko. If ever na gagamitin nila sa masama meron na akong police report”
“Okay.”
Matapos makakuha ng police report copy ay umalis na kami.
“Bakit ba kasi lutang ka ano ba ang problema mo?” tanong niya sa akin pagkalabas namin ng police station.
“Dahil sayo!” inis kong sagot sa kanya.
“Aba’t bakit ako yata ang may kasalanan?” sigaw nito sa akin ngunit hindi na ako sumagot. Pagdating sa sasakyan ay kinuha ko sa kanya ang susi. Pero hindi niya agad binigay.
“Sandali bakit ako ang sinisisi mo sa nangyaring pagkawala ng wallet mo?”
“Kundi mo inalipusta ang Ali ko hindi sana ibang wallet ang nadampot ko!” paninisi ko pa rin sa kanya.
“Siya pala ang laman ng isipan mo kaya dapat ang lalaking yon ang sisihin mo at hindi ako!”
Hindi na lang ako sumagot lalo pa at pabalibag na binato sa akin ang car key. Dinampot ko na lang yon sa semento at sumakay na ako. Pag bukas ko ng engine ay hindi muna ako umalis. Tinawagan ko ang lahat ng bangko na meron akong account. Bago isa-isang pina hold ang lahat.
Wala akong maisip na dahilan kung ano talaga ang totoong pakay ng lalaking yon. Pero nakakasiguro akong hindi ordinaryong lalaki lamang iyon upang ma delete agad ang kopya ng cctv.
Matapos kong matawagan ang lahat ng bangko ay umalis na ako.