ARMEDAH
PANAY ang daldal ni Micah a.k.a Lady Frozen. Ngunit nananatili ang pananahimik ko. May point ang kaibigan pero ano pa nga ba ang magagawa ko. Kundi mag doble ingat na lang ngayon na reveal na ang tunay kong identity. Nakakasiguro akong nasa kamay ng kaaway ang aking wallet.
Baka pati ang Sandoval Empire ay madamay sa pagka bunyag ng tunay kong pagkatao. At siguradong malalaman ng tiyahin na miyembro ako ng underworld organization.
Sumalampak ako sa upuan dahil sa pananakit ng aking ulo. Lately laging ganito ang pakiramdam ko.
“Halika at pupunta tayo sa ospital baka kung ano na yan?” wika pa ng kaibigan ko. Hindi ako nag mulat ng mata at nanatiling nakapikit. Ayaw kong isipin na may sakit ako dahil nakakadagdag isipin pa iyon sa akin.
“Wala akong sakit, ang mabuti pa ay umuwi ka na at malapit ng dumilim.” taboy ko kay Micah. Nais ko ng magpahinga dahil tumitindi ang kirot ng aking ulo.
“Sigurado ka na ayos ka lang?” atubili itong iwanan ako. “Go! At mag-ingat ka walang nakakaalam kung ano ang pwedeng mangyari.” muling taboy ko sa kanya.
“Fine! Tatawagan kita pagdating ko sa bahay. Basta sagutin mo ang tawag ko or babalik ako dito.”
“Oo na, sige na umuwi ka na at pakisara na lang ang pintuan.” hindi na sumagot ang kaibigan ko kaya pinananatili ko ang aking pwesto. Umayos pa ako ng higa sa mahabang sofa.
Ilang minuto ang lumipas at napilitan akong tumayo. Pumipitik ang aking sintido sa matinding sakit. Pinilit kong makuha ang first aid at agad na uminom ng pain killer. Pagkatapos ay muling bumalik sa sofa at nahiga.
Agaw antok ako ng mapadilat dahil sa pagbubukas ng pinto. Mabilis ang naging kilos ko agad na tumalon sa carpet. Sabay kuha ng silencer gun sa ilalim ng sofa. Naghanda ako bago nakiramdaman sa paligid. Mga yabag ang naulinigad ko at segundo lang ang lumipas ay dalawang kalabit ang ginawa ko. Bagsak sa sahig ang dalawang lalaki.
Hindi muna ako kumilos at muling naghintay ng susunod na mangyayari. Ngunit lumipas ang ilang minuto nananatiling tahimik ang paligid. Tumayo na ako at lumapit sa dalawang lalaki. Hinila ang suot na bonnet ng mga ito. Tauhan ni Israel ang dalawang ito. Tumawag ako ng mga pulis at sinabi kong may mga lalaking nagtangkang patayin ako.
“Armedah, ayos ka lang?” lumingon ako ng marinig ang boses ni Princess Maxine. Hindi ko alam bakit nalaman agad nito ang nangyari sa akin.
“Huwag kang magtaka kung bakit ko alam.” binaba niya sa harap ko ang isang recorder. “Sinadya itong ilagay ni Micah, iyon ang bilin ko sa kanya. Dahil ang nais ko ay malaman kung ayos ka lang. Lalo pa at nag chat sa gc natin si Micah, tungkol sa kalagayan mo.”
“Magsabi ka ng totoo, ano talaga ang tunay na dahilan. Bakit ginawa ni Micah ito?”
“Fine! Hindi niya talaga ni lock ang pinto mo at sinadya iyon. Kaninang hapon bago raw siya nagpunta dito. Nakita ang dalawang lalaking yan. Nakatambay sila sa tapat ng building na ito. Malakas raw ang pakiramdam ni Micah, na ikaw ang target ng mga yan. Kaya pumayag din siya na ilagay at alam naman niya na kayang kaya mo sila.”
“Bakit hindi nyo ako binigyan ng abiso na may aatake sa akin. Paano kung hindi ako nagising ha?”
“Nagising ka ‘di ba? So, ano pa ang nirereklamo mo mabuti nga at nadakip na ang mga lalaking yan eh.” pangangatwiran pa ni Princess Maxine.
Ayaw ko ng makipagtalo pa lalo at dumating na ang mga pulis.
Konting interview at dinala na ang dalawang sugatang lalaki. Mabuti at kilala ko ang isang pulis. Kundi ay baka pati ako ay dalhin ng mga ito sa presinto. Lalo at wala ang aking identifications o pagkakakilanlan. Ang tangi kong pinakita ay ang police report sa pagkawala ng wallet ko. Patunay na ako ang may ari at nasa pangalan ko ang lisensyadong baril.
Ngayon ay napapaisip ako kung sino ang may hawak ng aking wallet. Sapagkat parang alam na alam ng mga lalaking yon na wala akong hawak na identification.
“Doon ka na muna sa penthouse ko. Ang lansa ng bahay mo at alam ko hindi ka rin makatulog dahil sa nangyari.” ani Princess Maxine.
Tinanguan ko lang ang kaibigan ko. Kahit ganito ang bibig nito ay maasahan at hinding hindi tumalikod. Lalo pa at nasa mission kami.
“Let’s go, at huwag ka ng magdala ng damit. Marami akong extra clothes sa pribado kong silid.” aniya pa.
“Salamat.” bago magkasamang lumabas ng bahay.
HALOS umaga na ay hindi pa rin ako dalawin ng antok. Kahit pa uminom na ng sleeping pills ay nananatiling gising. Maraming gumugulo sa akin isipan. Talagang nais na nilang mawala ako sa mundong ibabaw.
Bumangon na lang ako at lumabas ng silid. Nagtungo muna sa fridge at kumuha ng inumin. Pagkatapos ay doon ako sa veranda na upo. Panay lang ang buntong hininga ko habang nakatayo at nakatanaw sa kadiliman ng gabi.
Maliwanag ang kamaynilaan dahil sa dami ng ilaw. At tila kahalintulad ang aking sarili sa mga ilaw na yon. Walang direksyon ang liwanag. Kagaya ng nabubuhay lamang ako para kay mama. Ang kaisa-isang pamilya na meron ako maliban sa tiyahin ko. Walang iba kundi ang aking mama. Gagawin ko ang lahat upang makasama ko siyang muli.
Kinabukasan para akong nakalutang sa hangin. Siguro dahil kulang ako sa tulog kaya ganito ang aking pakiramdam.
“Maupo ka at gumawa ako ng kape pati ng paborito nating waffle.”
“Okay, salamat.” Tipid kong sagot kay Princess Maxine, mabait ang kaibigan naming ito kahit madalas nakakasakit ng damdamin kapag nag bitaw na ng mga salita. “Alam ko may sasabihin ka sa akin. Ayaw kitang tanungin dahil baka hindi ka rin magsalita. Lalo pa at ikaw lang naman ang tunay na nakakaalam ng totoo.” aniko kay Lady Monster.
“Here, may nag-iwan sa labas ng gate.” mabilis ko yung dinampot at binuksan ang isang paper bag.
“Wallet ko ito.”
“Tingnan mo kung kumpleto ang cards mo?”
Sinunod ko ang sinabi ni Princess Maxine. Binuksan ko ang wallet at inisa-isa ang mga cards ko.
Naroon pa rin ang pera at maayos naman ang mga id’s. Pero ang nawawala ay id ko bilang undercover. Wala iyong picture kundi pangalan ko lamang.”
“Wala ka ng nagagawa doon kundi mag report ka kay Boss. Nang mabigyan ka ng bagong id.”
“Tatawagan ko muna ang tagalinis at samahan mo ako sa opisina ni Boss.”
“Tawagan mo si Lady Red, mag pasama ka sa kanya. May pupuntahan kami ni Kuya Rowen, alam mo naman yon. Kapag lakad ng pamilya hindi pwedeng wala ako.”
“Okay.” Tipid kong sagot kay Lady Monster. Pagkatapos ay tinawagan ko si Savannah. Subalit wala itong signal. Nagpaalam na lang ako kay Lady Monster at umalis na.
Magkalapit lang naman ang penthouse namin. Kaya agad din akong naka uwi ng bahay. Naabutan ko na busy ang caretaker. Nagbilin lang ako sa kanya at pumasok na sa loob ng aking silid.
Ilang minuto lang akong nagbabad sa jacuzzi bago umahon din agad. Mabilisang bihis bago dinampot ang car key at tinungo na ang basement car parking.
Nang makasakay ay binilisan ko ang pagpapatakbo ng sasakyan. Ngunit ilang minuto pa lamang akong nakakaalis ng bahay. Nakatanggap rin agad ng text message at hindi ako basta makapag desisyon. Kung alin ang aking uunahin, magpunta sa opisina ni Boss o kaya naman ay sa imbitasyon na pinadala ng isang kaibigan.
Sa huli ay nagdesisyon akong pagbigyan ang imbitasyon. Hindi rin naman ako magtatagal at agad din magpapaalam. Pagbibigyan ko lang siya at matagal na rin kaming hindi nagkaka bonding.
Dumaan din muna ako sa boutique upang bumili ng naisip kong regalo para sa kanya. Pagkatapos ay umalis na rin agad ako at hindi gaanong mabilis ang pagpapatakbo ko.
Maayos naman akong nakarating subalit bigla na lang ang pangyayari. Pagpasok ko sa isang hotel restaurant. Nakaramdam agad ako ng bagay na tumama sa aking katawan. Kasunod ay pag dilim ng paningin ko at tuluyang bumagsak sa sahig.
Nagising ako sa isang madilim na lugar. May naririnig akong mga boses, bago inalis ang tabon sa ulo ko. Doon ko napagtanto na nasa loob na ako ng rehas.
At nagsimula na sila sa ginawang pagpapahirap sa akin. Saka unti-unting luminaw sa aking isipan kung sino ang mga ito. Walang iba kundi mga tauhan ni Luke Ali Montemayor.
Hindi rin nagtagal ay pumasok ang lalaking tanging nagmamay ari ng puso ko.
Ayaw kong umiyak hindi dapat magpakita ng luha sa mga ito. Pero tao lamang ako na may nakatagong kahinaan. Lalo pa at nasa mismong harapan ko si Luke. At ilang sampal ang inabot ko mula sa kanya.
Ang lubhang nakapag pasakit sa akin ng alisin niya ang suot na maskara.
“Tingnan mo ako, b*tch! Ito ang resulta ng ginawa mo sa akin! Ngayon lasapin mo ang hirap at sakit na pinagdaanan ko. Mula ng araw na sunugin mo ang mukha at katawan ko! At huwag kang magkakamali na humingi ng tawad. Dahil kahit ano pa ang gawin mo hinding hindi kita magagawang patawarin!” kitang kita ko na halos magliyab ang isang mata niya sa matinding galit.
Walang lumabas na boses sa bibig ko. Nakatingin lang ako kay Luke Ali. Hindi ko rin alintana ang hagupit ng bagay sa aking likuran. Ang bawat hampas ng matigas na bagay sa katawan ko ay walang katumbas ang sakit. Pero ang mas masakit yung nakikita kong paghihirap ng lalaking mahal ko.
“Sumagot ka, b*tch!” sigaw ng isang lalaki kasabay ng malakas na sampal sa aking kabilang mukha. “Kapag hindi ka nagsalita at nanatili kang tahimik hindi lang yan ang dadanasin mong hirap! Umamin ka sino ang nag-utos sayo na sunugin si Master Ali?”
Umiling lamang ako bago nagyuko ng ulo. Dahil tumulo na ang aking luha.
“Aba’t matigas ka?” napaigik ako ng tamaan ng malakas na sipa sa tagiliran. Hanggang unti-unti kong naramdaman ang paninikip ng aking dibdib.
"Enough!" naulinigan ko pa ang malakas na boses ni Ali, bago tuluyan akong napalugmok.