C- 7

1839 Words
LUKE NAKATINGIN lang ako sa babaeng ngayon ay nakahiga sa guest room. Ang mga pasa nito sa mukha at katawan ay naroon parin. Ganun pa man ay wala na ang pamamaga. Ilang araw na ang lumipas mula ng natagpuan siya ng mga tauhan ko sa baba ng penthouse ko. Ang palaisipan sa akin sino ang lalaking sinadya pa na humarap sa cctv upang malinaw kong makita ang kanyang mukha? Kinuha ko sa aking bulsa ang cellphone at Tinawagan ang bodyguard ko. “Trejan, umakyat ka dito at isama mo si Bugart.” “Copy, Master Luke.” Habang naghihintay sa pagdating ng dalawa. Dinampot ko ang tablet mula sa ibabaw ng table na naroon sa aking harapan. Muling binuksan ko ang kopya ng cctv. Paulit-ulit kong tinititigan ang lalaki, kilos at pangangatawan. Halos lahat ay parehong pareho kami. Ang hindi ko sigurado ay ang kulay ng mga mata. Doon imposibleng maging kapareho ko din siya. Sino ang lalaking ito na kumuha ng identity ko at gumagaya sa aking anyo? “Master Luke, narito na po kami.” “May nagpadala sa akin nito panoorin ninyong mabuti. Dahil siya ang misyon na ibibigay ko sa inyo.” Walang imik na kinuha ni Trejan ang tablet at pinanood nilang dalawa ni Bugart. Ang mga reaksyon ay gulat na gulat din. At kagaya ko ng una kong napanood ang video clip. “Master Luke, nakausap mo na ba ang dalawang kakambal mo tungkol dito?” “Hindi pa pero hindi sila ang lalaking yan. Lalong hindi gagawa ang mga yon ng ganyang bagay.” “Okay, kailan mo gustyong simulan namin ang misyon na ito?” “Soon, at bilisan nyo ang kilos, nais kong malaman kung sino ang taong yan. By the way tinatawagan mo na ba ang si Dra. Angeles?” “Oo, Master Luke, parating na yon.” “Go!” Muli akong humarap sa salamin kung saan kita ko ang kabuuan ng tulog na babae. O tamang sabihin na nagtulog tulugan dahil umiiwas na muling matanong. Sino ba talaga ang babaeng ito bakit nagtatago sa tunay na katauhan. Ang buhok nitong kulay pula at laging nakatagong mukha. Ngayon ay tuluyan lumantad sa aking mga mata. “Wag mo munang pagnasaan ang pasyente. Maawa ka sa kanya, huh!” nagulat pa ako na naroon na sa likuran ko si Doktora. “Tigilan mo ako Dra. Kaia, kung ano-anong kalaswaan ang pumapasok sa utak mo para kang hindi doktor, huh!” “Anong kinalaman ng pagiging doktor ko sa sinabi kong yon sayo?” nakataas ang kilay na tanong nito sa akin. “Asikasuhin mo na ang pasyente bago pa pasukin ng kalokohan ang utak mo.” “Ano ba ang gagawin ko sa kanya parang okay naman na siya?” “Kung okay pala siya bakit laging tulog? Baka mamaya yung utak niya ay naapektuhan gawa ng bugbog na tinamo niya?” “Kung ganyan ang iniisip mo, bakit hindi mo siya dalhin sa ospital ng upang i- CT Scan?” “Ikaw ang doktor niya dapat ikaw ang gumawa non?” “Sinabi ko na yan sayo ng unang araw na pinuntahan ko siya dito. Pero ayaw mo, tinanong din kita kung nagsusuka ba siya o sumasakit ang ulo. Sabi mo wala naman nangyayaring ganun sa kanya.” “Totoo naman ang sinabi ko, kaya lang nagtataka ako bakit sa tuwina tulog siya? Hindi ako doktor pero alam ko hindi yon normal sa isang pasyente.” “Huwag kang paranoid, baka ayaw ka lang kausapin. Kaya sa tuwing lumalapit ka ay nagtutulog tulugan siya.” “Is that so?” “Ang sabi ko baka, hindi sigurado, huh!” bago tumalikod sa akin si Dra. Kaia, kaya lumabas muna ako upang maiksamin niya ang katawan ng pasyente. Ilang minuto akong naghintay sa labas ng kwarto. At nang bumukas iyon ay agad akong tumayo at sinalubong siya. “How is she?” “She’s stable.” bago tumalikod at mabilis ang hakbang na iniwan ako. “Wait, bakit ka ba nagmamadali may nais pa akong tanong…” “Siya ang kausapin mo at hindi ako, maiwan na kita dahil masyado ka ng nakakaabala sa akin!” Hindi na lang ako nagreklamo, hinayaan ko na lang siyang makaalis. Bumalik ako sa loob ng silid at naabutan kong nakadilat ang mga mata ng babae. “Hey! Sabihin mo sa akin ang totoo, bakit nasa ganyan kang kalagayan?” galit ako sa babaeng ito dahil nalaman kong involve siya sa nangyaring ito sa akin. Ganun pa man kahit paano gusto kong mag-usap kami ng normal. Dahil tumatanaw pa rin ako ng utang na loob sa kanya. Naging maayos naman ang trato nito sa akin noong nasa isla ako. “Wala akong sasabihin sayo ikaw ang gumawa sa akin nito kaya bakit ka pa nagtatanong?” “Tama ka bakit nga ako magtatanong pa sayo kung ako nga ang may kagagawan niyan sayo?” Nakita kong napakunot noo ang babae bago bumaling sa akin. Matagal akong tinitigan at muling tumingin sa ibang direksyon. “Kahit patayin mo ako, wala kang mapapala sa akin. Kagaya mo rin ako hinahanap ang tunay na may kasalanan sa nangyari noon sa akin. At kagaya ng sinabi ko sayo dati pa. Nasa iisang mundo tayong dalawa. Naghahanap ng hustisya o walang hinahangad kundi makapag higante! Kaya mas mabuting pakawalan mo ako dito…” “At bakit kita pakakawalan ikaw ang pangunahing suspect sa trahedyang sinapit ko! Kaya kung nais mong maging malaya. Patunayan mong hindi nga ikaw ang responsible sa nangyaring ito sa akin.” “Paano ko magagawang linisin ang pangalan ko kung ikukulong mo ako dito?” “May magagawa ka at maghintay ka lang dahil may ipapagawa ako sayo!” “Hindi mo ako tauhan upang gawing utusan, isa pa hindi mo rin ako mapipigilan kapag gusto kong umalis!” “Ikaw ang bahala, ayan ang mga larawan ng taong mahalaga sayo. Kung nais mo pa siyang makitang buhay. Susundin mo ang bawat sasabihin ko sayo!” nakita kong nabigla siya ng makita ang mga litrato. “B-Bakit nasa iyo ang mga litrato ng aking ina? Ikaw ba ang dumukot sa kanya?” “Whatever! Sa iyo nakasalalay ang buhay ng iyong ina!” Pagbabanta ko bago nagmamadaling tinalikuran na siya. Lumabas ako at kinausap ang mga bantay. “Hayaan nyo siyang kumilos ng normal.” “Paano kung bigla siyang tumakas, Master Luke?” “Hindi niya yon gagawin, at kung sakaling lumabas siya. Nakakasiguro akong babalik din yon.” “Sige, Master Luke, kung yon ang utos mo ay masusunod.” Tinanguan ko na lang sila at pumasok na ako sa aking silid. Ilang minuto ang itinagal ko sa loob ng banyo. Pagkatapos ay lumabas na rin agad at nagbihis. Nang makapagbihis ay bumaba na ako sa basement. Akmang sasakay na ako sa aking Rolls Royce nang muling tumalikod. Tinungo ko ang sports car, naalala kong may meeting akong dadaluhan sa convention hall. Ngayon ay makakaharap ko na naman ang East Mafia Lord at West Mafia Princess. “Brayden, tawagan mo si Former North King of Mafia, Lorenzo Terran. Sabihin mo sa kanya na baka late ako ng konti.” “Copy, Bigg Boss.” “Dalawa lang kami ni Brayden sa aking sports car. At ako na ang nagmamaneho. Sa likuran ay tatlong AUDI, ang mga bodyguard ko. “Bigg Boss, handa ka na bang makaharap si West Princess?” tanong sa akin ni Brayden, matapos makipag usap kay Former King of Mafia, Lorenzo Terran. “Alam mong hindi ako kailanman naging interesado sa babaeng yon. At kagaya ng dati, galingan mong umakto na ako. Kaya sa mga oras na ito, ako ang driver bodyguard mo at ikaw si LAMontemayor--- North Mafia Boss.” “Kinakabahan ako, Bigg Boss, balitang killer ang babaeng yon.” “Bakit takot ka sa kanya?” “Hindi naman sa ganun, kaya lang Mafia Princess yon eh. Baka kahit gawin akong punchin bag ay wala akong magawa.” “Loko, papayagan ko ba naman gawin niya sayo yon?” “Alam ko naman yon, Bigg Boss, pero baka bigla akong pumalpak at mabuking syempre ikaw ang mananagot sa kanila. Sigurado malaking problema ang hatid non sa position mo.” “Wag mo yon isipin, basta kagaya ng dati panindigan mong ikaw si LAMontemayor--- North Mafia Boss. Narinig kong huminga pa ng malalim si Brayden, bago sunod sunod na tumango. Wala na kaming oras kaya pinasibad ko na ang sasakyan namin. Panay ang tingin ko sa side mirror at naiiwan ko ang mga mga bodyguard ko. Ganun pa man ay hindi masyadong malayo, tanaw ko pa rin sila. Ilang minuto pa ay pumasok na kami sa malawak na parking. At kagaya ng lagi kong bilin sa mga bodyguard ko. Huwag silang didikit sa sasakyan ko. Kaya laging may dalawa o tatlong sasakyan ang naka pagitan sa aming pinapaparadahan. Inayos muna ni Brayden ang kanyang coat and tie. Ganun din ang maskara nito. Bago humarap sa akin. “Ayos na ba ang itsura ko, Bigg Boss?” “Oo, basta bawal kang ngumiti. At kahit ano ang marinig mo ay huwag kang sasagot. Iyon ang imahe ko mula ng nasunog ang aking katawan at mukha.” “Copy, Bigg Boss.” Bumaba na kami ng sasakyan at naglalakad na papasok sa entrance. Hinarang kami ng mga guard at agad na ipinakita ni Brayden ang indentification nito. Pansamantalang tumayo kami doon habang nagraradyo ang guard. At hindi rin naman nagtagal ay pinapasok na kaming lahat loob. Naka distansya sa amin ang ibang bodyguard. Pero ako ay nananatili sa tabi ni Brayden bilang personal bodyguard nito. Pagpasok namin sa loob mismo ng convention hall. Halos kumpleto na ang mga bangko at ang para sa kanilang upuan na lang ang bakante. Pasimole kong inayos ang aking mukurahing maskara. Bago umagapay kay Brayden. Muntik na akong matawa ng biglang lumitaw si West Mafia Princess. Yumakap agad ito kay Brayden. Pag sulyap ko sa mukha nito ay halos mawalan ng kulay gawa ng pamumutla. Kitang kita iyon sa kabilang mukha. Kaya mabilis akong lumapit dito. “Bigg Boss, may ipag uutos ka?” tanong ko kay Brayden. “Yes, samahan mo ako sa men’s room.” bago mabilis na inalis ang pagkakayakap ng mga braso ni West Mafia Princess sa leeg nito. Nagmamadaling tumalikod kasunod ako na nagpipigil pa rin pakawalan ang tawa. Nagpaiwan ako sa labas ng men’s room. Sumandal lang sa corner. Nang hindi sinasadya na marinig ang mahinang usapan. Sigurado akong boses ng dalawang lalaki “Tawagan mo si Boss, hindi ko siya makontak. Sabihin mong wag siyang mag-attend ng mahalagang pagpupulong na ito. Naririto ang tunay na LAMontemayor--- North Mafia Boss.” Sumilip ako sa siwang pero nakatagilid ang lalaking nagsasalita. Hindi ko mamukhaan kung sino ang dalawang lalaking iyon. Ibig sabihin ay nasa organisasyon din ang nanggagaya ng identity ko? Nagmamadali akong kinuha ang aking cellphone at agad na kinuhaan ng litrato ang dalawang lalaki. At bago pa ako makita ng dalawa ay mabilis akong tumalilis ng alis.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD