Chapter Five
NAGPANTIG ang aking tenga sa sinabi n'ya. Kasabay no'n ang matinding kirot sa aking puso at mga tanong na sunod-sunod pumasok sa aking utak. Nakatitig ako sa kanya at ganoon rin s'ya sa akin. Naghihintay ng mga sasabihin ko pero hindi ko 'yun ginawa. Para akong namanhid sa sinabi n’ya, at muling naalala ang mga masasakit na alaala ng nakaraan.
Marami akong gusto sabihin sa kanya, kung bakit n'ya ito ginagawa sa akin? Kung bakit n'ya sinasabi na mahal pa rin n'ya ako kung iniwan naman na n'ya ako? Kung bakit n'ya ako patuloy na sinasaktan? Hindi ba s'ya nakuntento na saktan ako kaya ginagawa n'ya 'to sa akin? Kulang pa ba at pinagtitripan na naman n'ya ako? Pilit akong umarte na parang wala akong narinig kahit na alam n'ya na narinig ko. Mabilis akong tumayo at pinagpagan ang sarili ko.
"Ayos ka lang ba?" Hahawakan n'ya sana ako pero umatras ako at walang imik na ipinagpatuloy ang pagpagpag. Lumapit sa akin si Erin at alam ko na may sasabihin s'ya sa akin pero hindi n'ya na binalak na ituloy nang makita ang mukha ko. Pinunasan ko ang luha na tuluyan ng tumulo sa aking pisnge. Tinignan ko si Erin at saka ngumiti ng malungkot.
“Alis lang ako.” At bago pa makapagsalita si Erin ay mabilis na akong naglakad papalayo sa kanila.
"Ano na naman ba kasi ang ginawa mo sa bestfriend ko Jasper Cy?!"
Hindi ko na narinig si Jaz na umimik o magsalita. Alam ko na nakatingin pa rin s'ya sa akin hanggang sa makalayo ako sa kanila. Hinayaan ko na lamang ang mga sariling paa na dalhin ako sa kung saan. Natagpuan ko ang aking sarili na nasa harap ng isang bar sa labas ng Resort. Night Bar ang pangalan ng Bar.
Pumasok ako sa loob. Sinalubong ako ng malakas na tugtugan. Kagaya ng mga Bar na napapasukan ko, maraming tao ang nandito. Pumwesto ako sa bar stool at saka umorder ng maiinom. Wala naman sigurong makakakilala sa akin dito? Tahimik akong umiinom ng Jack daniels sa madilim na bahagi ng Bar nang pakatitigan ako ng waiter nila. Kumunot ang noo nito sa akin at saka muli akong pinakatitigan. "Parang kilala kita." I gave him my best smile at saka kumindat sa kanya para huwag sabihin sa iba kung sino talaga ako.
May pailan-ilan na nagyayaya sa akin na sumayaw na hindi ko naman kilala pero umiiling ako kaagad. Nandito ako para lunurin ang sarili sa alak at hindi sumayaw sa kung sino-sinong lalake lang. "So what does a
beautiful celebrity like you doing here?"
Tumingin ako sa katabi ko. Nakita ko s'ya na nakatingin sa akin at nakangiti. Itim ang buhok nito at mas matangkad rin sa akin. Hindi ko gaano nakikita ang mukha n'ya pero alam ko na gwapo s'ya.
"How did you knew?" Tumingin ako sa waiter pero agad ito umiling sa akin.
"Your secret is safe with me. So what brought you here?"Para sa isang lalake na nag-iisa ay madaldal s'ya pero gusto ko ang baritonong boses n'ya. Pansin ko na sa tuwing ngumingiti ito ay nakikita ang malalim na dimples. Hindi s'ya ganoon kasingkit katulad nung manlolokong 'yon but he's cute. Wala akong balak na makipagkwentuhan sa isang estranghero ngayon. Gusto ko lang magpakalunod sa alak at kalimutan ang lahat. Kung nawawala nga lang ang nararamdaman sa pag-inom ng alak, baka matagal ko ng nilunod ang sarili ko sa alak.
"I just wanted to be alone." Hindi s'ya umimik. Inikot n'ya lang ang maliit na baso na hawak n'ya na naglalaman ng alak.
"Hulaan ko. Your boyfriend broke up with you." Umiling-iling ako at saka tumingin sa kanya. Kanina pa pala s'ya nakatingin sa akin.
Tumawa ako. “Masyadong gasgas na ang mga naiisip mo.”
"So what are you then?" Kumawala ang isang ngiti sa kanyang labi. Nagkibit-balikat ako at saka ininom ang alak sa aking baso. Nagsalin muli ako ng panibago at ininom 'yun ng diretso. Nakita ko naman s'ya na pinagmamasdan ako. Nakuha ko pa nga s’ya paningkitan ng mata dahil nakangiti s’ya habang nakatingin sa akin.
"I'm just nobody." Tumawa s’ya sa sinabi ko. Umiling-iling ako at saka tumayo.
“Interesting huh?” Hindi ako nagsalita. Tinungga ko ang natitirang bote na may lamang alak at mabilis na ininom iyon.
Pumunta ako sa restroom dahil nagsisimula na madoble ang paningin ko. Pagewang-gewang pa akong tumayo.
“Need help?”Agad akong umiling at bahagyang ngumiti sa kanya.
“I can handle myself stranger.”
Pinilit ko ang sarili ko na pumunta sa restroom pero hindi pa ako nakakarating doon ay muli na naman akong natumba. Hinihintay ko ang sarili ko na masaktan pero wala akong naramdaman kaya dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Nakita ko na lang ang sarili ko na nakayakap sa isang lalake na pamilyar ang amoy sa akin. Bumilis ang t***k ng puso ko. Iwinaglit ang pilit na ipinapasok sa akin ng aking puso. Inangat ko ang ulo ko para makita ang mukha ng sumalo sa akin pero agad ko tinapik ang kanyang braso at pilit na tinatanggal ang pagkakahawak sa aking braso.
"Let me go Jerk." Umiling s'ya. Tumalim ang kanyang mata ng tumitig sa akin.
“Gano’n na lang ba talaga ‘yon? Nagpapahawak ka sa iba?! Ilang hawak pa ba ang makikita ko?! Ilan pa bang lalaki ang kailangan ko na makita na yayain ka na magsayaw para lang sumama ka sa akin?!”
Umawang ang labi ko. Kanina pa ba s’ya dito? Pinanood n’ya ako? Binilang n’ya?
“Ano ba ang sinasabi mo?! Bitiwan mo nga sabi ako!”
"Hindi ba sinabi ko na sa'yo na hindi na kita papakawalan?"Ngumiti ako ng mapait sa kanya at saka muli s’yang pinakatitigan.
"Pero pinakawalan mo na ako."
Nag-uumapaw na naman ang sakit sa dibdib ko. Nagsisimula na naman ako makaramdam ng kirot. Hindi na naman ako makahinga at unti-unti na naman nanlalabo ang aking mata.
"I'm sorry." Kita ko na naman ang lungkot sa mga mata n'ya dahilan para masaktan na naman ako pero hindi ito ang oras para magpadala sa kanya o sa aking emosyon. Tama na iyong isang beses akong nagpakatanga sa kanya. Ayoko na.
Tinulak ko s'ya ng malakas palayo sa akin. "Hindi mo na ako maloloko Jasper. Hindi na. Tama na iyong sakit na dinulot mo sa'kin. Ikaw pa nga ang nagtapos hindi ba?” Tumakbo ako palabas ng Bar. Akala ko ay hindi na n'ya ako mahahabol pero nagawa pa rin n’ya ako hawakan sa aking braso.
"Makinig ka--"Hindi na n'ya natapos ang sinasabi n'ya dahil dumapo na ang aking kanan palad sa kanyang pisnge.
"Makinig?! You want me to listen? Bakit ako ba pinakinggan mo? Pinakinggan mo ba ako noong nagmamakaawa ako sa'yo? Did you listen to me when i'm begging you to stay?! Hindi diba? Kaya bakit kita papakinggan? Bakit mo hinihiling sa akin ang bagay na hindi mo naibigay sa akin noon Jasper?!"
Tuluyan na akong napahagulgol sa harapan n'ya. Hindi s'ya nakapagsalita sa mga sinabi ko kaya lakas-loob kong inalis ang pagkakahawak n'ya sa aking braso at saka muling naglakad papalayo sa kanya pero sadya atang napakamalas ko pagdating sa kanya dahil nakuha ko pa na matapilok sa harap n’ya.
"This is your fault!" Inis na sabi ko sa kanya. Lumapit s’ya sa akin.
"Bakit kasalanan ko? Ako ba ang tumakbo at naglakad?" Really?! Nakuha pa n’ya mangatwiran sa pagkakataon na ‘to?! Ugh! Umupo s'ya sa harap ko para magkatapat ang mukha namin at saka pinunasan ang luha ko.Isinukbit n'ya ang aking braso sa kanyang balikat at saka ako hinila patayo. Dahan-dahan n'ya ako itinayo at saka binuhat.
"W-What are you doing?" Lumakas na naman ang t***k ng puso ko na pinipilit ko na naman pakalmahin. Lihim akong napapikit dahil doon.
"Binubuhat ka. Ano pa ba?" Hindi na ako nakapagsalita ng buhatin n'ya na ako ng pabridal style. Hindi na rin ako makapagreklamo dahil sa lakas ng kabog ng puso ko. Parang naglaho ang lahat ng sama ng loob ko nang buhatin n'ya ako.
“Tsk.” I heard him tsked. Napailing na lang ako sa aking isipan. Ayoko s’ya kausapin. Hindi ko alam kung saan n’ya na naman ako dinala, basta ang alam ko ay nasa dagat na naman kami pero hindi kami bumalik sa mismong resort. Dahan-dahan n'ya akong iniupo sa may buhanginan at saka tumabi sa akin. Tumingala ako at namangha sa buong kalangitan. Puno ito ng mga bituwin ngayon. Sobrang maliwanag ang buwan at tanging agos at alon lang ng tubig dagat ang iyong maririnig.
"Bakit dito mo ako dinala?" Basag ko sa katahimikan na namumuo sa amin dalawa.
"Because i know how you loved stars." Napatahimik ako. Nagsisimula na naman kumirot ang puso ko dahil sa pinapakita n'ya sa akin.
"I'm sorry." Hindi ko pinansin ang paghingi n’ya sa akin ng tawad. Inalala ko ang nakaraan. Mula sa masasaya hanggang sa masasakit na alaala. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng malungkot.
“Tanda mo pa ba? Yung mga araw na niligawan kita. Yung mga araw na palagi kong ipinagsisigawan kung gaano kita kamahal.” Tanda ko pa yung mga araw na hinahabol ko pa s’ya pero hindi man lang n’ya ako magawang pansinin. Ang hirap-hirap n’ya abutin. Ang hirap tibagin ng pader na nakapalibot sa kanya. Minsan nga naiisip ko kung may pag-asa pa ba ako sa kanya, na kailan n’ya kaya makikita ang halaga ko? Gusto ko lang naman s’ya mapasaya. Naniniwala ako na kaya ko s’ya pasayahin kasi kung ako nga, napapasaya n’ya sa simpleng tingin at pagtawa lang, ako pa kaya na gusto sya pasayahin?
“Oo naman. Gumawa ka pa nga ng banner para sa akin at saka sumigaw sa rooftop.”
Tumawa kami pareho pero hindi nabawasan ang kirot sa aking puso.
“Tapos nagsungit ka na naman sa akin. Akala ko nga wala na akong pag-asa kaya sumuko ako.”
“Natauhan kasi ako. Lalo na nung nakita ko kayo ni Gelo na magkasama. Nagtatawanan. Nagselos ako.” Si Gelo iyong kabanda nila ni Drake noon.
“Kaya ako naman ang hinabol mo diba?” Tumango s’ya. Tumitig ako sa kanyang mata at nakita ang pagkislap nito, na para bang ang saya-saya n’ya sa tuwing inaalala ang masasayang nakaraan namin. Nakakatawa dahil hindi na masusundan ang mga masasayang alaala na ‘yon. Mananatili na lang iyon nakaraan sa amin dalawa. Isang nakaraan na sana hindi na lang nangyari noon.
“Ginawa mo lahat para mapasagot mo ako ng oo. At hindi ka nagkamali dahil napasagot mo ako. Iyon ang pinakamasayang parte sa buhay ko noong college pa tayo hanggang sa yinaya mo ako magpakasal.”
Unti-unti ng nanlalabo ang magkabilang sulok ng aking mata. Ang saya-saya pa namin noon kaya hindi ko alam kung paano kami nauwi sa sitwasyon na tanging paghihiwalay na lang ang natitirang pagpipilian. Hindi ko alam kung ano ang mali sa amin dalawa.
“Muli mong nakuha ang sagot na oo sa akin. Nagpakasal tayo. Para sa akin, wala pang sasaya doon kasi asawa na kita.” Tuluyan ng tumulo ang mga luha na agad kong pinunasan. Tumingin ako muli sa kanya at nakita ang lungkot doon.
“Masaya tayo. Masaya naman tayo. Hanggang sa nakilala mo si Shine. Doon nagbago ang lahat.”
Parating gabi na umuuwi no’n si Jasper sa bahay dahil madalas sila nagkakasama ni Shine. May drama sila noon at wala akong magawa kundi maghintay hanggang sa makauwi s’ya. Hindi naman alam ng lahat na kasal kami. Naging sunod-sunod ang pag-aaway naming ni Jasper dahil hindi n’ya parating sinasagot ang mga tawag ko. Inaamin ko na naging clingy ako, na mali rin na nagduda ako pero siguro, hindi talaga maiiwasan ang mga ganoong bagay. Lumala ang mga pag-aaway naming dalawa dahil may isang beses na hindi s’ya nakauwi ng bahay at si Shine ang sumagot noon. Nagalit ako. Kinain ako ng selos, pero hindi ako humantong sa pag-iisip na hiwalayan si Jasper kahit ganoon dahil mahal na mahal ko s’ya. Magagalit lang ako pero hindi ko s’ya hihiwalayan. He’s my life.
“Skye..I’m sorry.”
“Hiniwalayan mo ako. Sinaktan mo ako. Iniwan mo ako at s’ya ang pinili mo.”
"W-Why are you doing this?" Nagsisimula na naman mabasag ang boses ko. Kahit pilitin ko ata buoin ang boses ko ay hindi ko magagawa dahil sa bigat na nararamdaman ko. Hindi ko kasi alam kung bakit n’ya pa ito ginagawa. Tapos na naman kami. Matagal na kaming tapos. Wala na s’yang karapatan na bumalik pa sa buhay ko, sa buhay namin pagkatapos n’ya ako iwanan.
"Bakit mo ba sinasabi ang lahat ng 'to?”
"That's why i'm sorry." Tumawa ako ng mapakla.
"Hindi naman mawawala yung sakit na idinulot mo dito Jaz e.” Turo ko sa puso ko.
“Bakit ka ba bumalik? Para saktan na naman ako? Kasi kung oo, nagtagumpay ka na! Sinasaktan mo na naman ako!”
"Skye..hindi.." Umiling-iling s'ya sa akin at saka pinunasan ang luha ko.
"Then what?"Gusto ko s'ya muling sampalin at sapakin dahil sa halo-halong emosyon na nararamdaman ko ngayon sa dibdib ko. Pakiramdam ko, bigla na lang ako sasabog kapag hindi ko ito nailabas o hindi ko nagawang pakalmahin ang puso ko. Hindi ko s’ya maintindihan. Bakit pa n’ya ako nilalapitan? Hindi pa ba sapat na sinaktan na n’ya ako noon? Na ginugol ko ang isang taon para kalimutan s’ya at ayusin ang sarili ko? At ngayong okay na ang lahat, eto na naman s’ya, ginugulo ako.
"I want you ba--"Muli ko s'yang sinampal.
"You deserved it." Matigas na sabi ko sa kanya.
"You want me back? Ano ako? Bagay na babalikan mo matapos mo iwanan at saktan?!"Hinawakan n'ya ang kamay ko at saka ako tinitigan sa mata.
"Mahal pa rin kita Skye at ito ang dahilan kung bakit hindi ko maibigay ang closure na hinihingi mo. I'm not giving you a chance to forget about me."
"Bakit mo ako iniwan? Bakit ka nakipaghiwalay?" Umiling s'ya. Puno ng lungkot ang kanyang mata.
"Hindi ko masasabi ngayon Skye. There's a right time for that..Inaayos ko pa ang lahat at gusto ko sabihin sa’yo iyon kapag maayos na. Alam ko na karapatan mo malaman ang totoo pero hayaan mo muna akong ayusin ang lahat. Pinapangako ko na sasabihin ko sa’yo ang lahat ng gusto mo malaman kapag maayos na. Wala na akong itatago sa’yo, pero eto ang tatandaan mo Skye. Mahal kita. Mahal na mahal kita."
Kita ko ang sinseridad sa kanyang mata na agad nagpapiga sa aking puso. Tama ba 'to? Tama ba 'tong ginagawa ko? Tama ba na nagpapaloko na naman ako sa nararamdaman ko para sa kanya? Tama ba na hayaan ko 'to?
“Handa akong punan ang mga pagkukulang na nagawa ko noon Skye. Ganoon ko pinagsisihan ang lahat.”
Hindi tama ‘to! Hindi tama na magpaloko ako! Hindi tama na sundin ko na naman ang puso ko! Sila na ni Shine! Hinawakan n'ya ang pisnge ko at saka pinagdikit ang noo naming
"Alam ko na masakit pa rin Skye. And i'm sorry for hurting you. Alam kong walang kapatawaran ang mga ginawa kong panggagago sa’yo pero gusto ko malaman mo na pinagsisihan ko na ang lahat ng ginawa ko. Alam ko na natatakot ka sumugal sa akin dahil sa nagawa ko noon. Hindi ko alam kung paano pa kita mapapaniwala ulit na ikaw ang mahal ko at hindi na kita sasaktan pa pero sigurado ako sa tinitibok nito.” Tinuro n’ya ang puso n’ya habang nakatingin sa akin na puno pa rin ng sinseridad.
“Ikaw pa rin ang laman ng puso ko Skye. Mahal na mahal kita at handa akong gawin ang lahat para makasama ka ulit sa pangalawang pagkakataon.” Hindi ko na alam kung ano pa ang dapat kong maramdaman dahil sa pinaghalong kirot at saya na nararamdaman ko ngayon matapos ko marinig lahat ng sinabi n’ya ngayon sa akin. Hindi ko na rin alam kung dapat ba akong makinig sa mga sinasabi n’ya dahil tama naman s’ya at may punto lahat ng iyon. Tama s’ya noong sinabi n’ya na takot na ulit akong magmahal dahil sa kanya. Takot na takot akong sumugal at hindi n’ya ako masisisi kung ayaw ko s’ya pagbigyan sa gusto n’ya. Nagmistulang apoy ang kanyang mga salita sa akin at unti-unti nitong tinutunaw ang nagyelo kong puso dahil sa kanya.
Hindi ko na tuloy alam ang dapat ko gawin ngayong kumakabog na naman ng malakas ang dibdib ko. Tumingin ako ng direkta sa kanya. Agad naman ako sinalubong ng kanyang mata na punong-puno ng emosyon. Hindi ko alam kung ilang minuto na ako nakatitig sa kanya habang pinapakinggan ang malakas na pintig ng aking puso.
"So please..give me another chance to be with you again."Bago pa ako nakapagsalita ay tuluyan na sinakop ng labi n'ya ang labi ko.
***
NATAPOS ang taping namin na maayos at walang abirya kaya naman makakauwi na ako sa Manila. Binigyan kami ni Direk ng isang araw na pahinga mula sa byahe pero gagamitin ko iyon pauwi sa Mansion. Kasalukuyan kong inaayos ang mga gamit ko. Mamayang hapon na raw kasi kami uuwi.
"Skye." Ani ni Erin nang pumasok sa loob ng kwarto. Ngumiti ako sa kanya at saka ibinalik ang tingin sa mga gamit na inaayos ko. Umupo s'ya sa tabi ko at tinulungan ako mag-ayos.
"Uuwi ka sa Mansion?" Tanong n’ya nang mapansin ang mga gamit ko.
"May nangyare ba?" Mabilis akong umiling.
"I’m just going to visit them." Napansin ko ang pagkakatitig sa akin ni Erin ng seryoso kaya tumingin ako sa kanya.
"Kailan mo balak sabihin ang totoo sa kanya Skye?"
Biglang umambang ang kaba sa aking dibdib nang tanungin ako ni Erin. Parang bigla akong natauhan at natakot sa mga bagay lalo na kapag nalaman na n'ya ang totoo. Umiling ako at nagkibit-balikat. Hindi ako nagsalita dahil hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Alam ko naman na hindi magtatagal ay malalaman rin n'ya ang sikreto ko at isa ito sa mga bagay na hindi ko matatakasan.
“Skye. May karapatan si Jasper na malaman ang totoo.” Alam ko naman ‘yon. Wala naman akong balak na ipagkait sa kanya ang totoo pero mas nanaig sa akin ang paalisin s’ya sa buhay ko. Sa buhay naming ni Ares Shawn. Hindi n’ya naman ako masisisi kung nais kong ipagkait sa kanya ang anak ko. Simula ng ipamukha n’ya na parang isang pagkakamali na nagpakasal pa kami ay nawalan na rin s’ya ng karapatan sa anak ko. But i’m not that heartless. Naisin ko man iyon gawin ay alam kong hindi ko rin matitiis at hahayaan din ang anak ko na makita at makasama ang tunay n’yang ama.
May sasabihin pa dapat si Erin pero naputol iyon nang tawagin na kami ni Direk at sabihan na ibaba na ang mga gamit dahil isasakay na sa ito sa Van.
Nagbago ang plano kaya naman umalis kami ng maaga sa Resort. Nagstop-over kami sa KFC at kumain doon ng tanghalian. Sinabihan rin kami ni Direk tungkol sa darating na schedule naming sa mga susunod na lingo. Magkakaroon raw kami ng sunod-sunod na mall shows sa iba’t ibang lugar. As usual hindi natapos ang pagkain namin na walang nagpapakuha ng letrato o autograph.
"Ayos ka lang?" Lumingon ako sa katabi ko at nakita si Jasper. Kumunot ang noo ko at hinanap si Erin na katabi ko kanina. Nakita ko s'ya sa likuran at natatawa. Napailing na lang ako sa kalokohan n'ya. Hindi ko pinansin si Jasper at muli na lamang tumingin sa bintana. Sandali akong tumingin sa kanya at halos isang dangkal lang ang distansya na namamagitan sa amin mukha. Bago pa ako nakatango sa kanya ay bilang nagpreno si Kuya Jobert kung kaya’t lumapat ang labi n’ya sa akin.
Nanlalaki ang mata ko habang s’ya ay nakangisi sa akin.
Damn! Sinadya iyon!
“Oops. Wala na akong kinalaman dyan ah?” Natatawang sabi ni Direk sa amin. Mabilis kong itinulak si Jasper palayo sa akin at ibinaling ang atensyon sa bintana. Muli ko na naman naalala ang paghalik n'ya sa akin noong gabing 'yon. Sa tuwing naaalala ko iyon ay parang binabaliw ang puso't kaluluwa ko. Nakakainis nga dahil hindi na naman ako makapag-isip ng tama dahil nariyan na naman s'ya sa harap ko, kahit nga ata ang pagkilos ng tama ay hindi ko na rin magawa.
Palagi na lang naaapektuhan ang sarili ko sa mga ginagawa n'ya at mukhang wala s'ya kaide-ideya sa mga ‘yon. Sinisimulan n'ya na naman palalain ang nararamdaman ko na sinusubukan ko pigilan dahil alam namin na mali ito. Sobrang mali.
Nanatili akong tahimik kahit patuloy ang kantyawan nila sa amin ni Jasper hanggang sa makarating kami sa Istasyon. Binitbit ko ang mga gamit ko at saka nagpaalam sa kanila para magpara ng taxi.
"Skye.." Hindi ko pinansin ang pagtawag n’ya sa akin pero ramdam ko ang ginawa n’ya pagsunod. This is not right. May girlfriend s'ya. May papakasalan s'ya. Hindi pa man n'ya sinasabi sa akin ang totoo kung bakit n'ya nagawang makipaghiwalay sa akin ay hindi pa rin ito tama. Hindi tamang niloloko namin si Shine. Hindi tamang umasa sa matagal ng wala na at sa tapos na. Inagaw n’ya sa akin ang gamit na hawak ko at inilagay iyon sa sasakyan. Inis akong bumaling sa kanya at sinundan s’ya sa sasakyan. Umiiwas na nga ako pero eto s’ya, nilalapitan parin ako! Hindi ko na alam ang gagawin ko!
"Skye." Ulit n’ya sa pangalan ko nang makasakay na kami pareho sa loob ng sasakyan at saka ito pinaandar. Hindi s’ya tumigil sa kakalingon sa akin. Napabuga na lang tuloy ako sa hangin dahil sa paninikip ng dibdib ko at saka matalim na lumingon sa kanya.
"Alam mo ba na sa ginagawa mo ngayon, hindi lang ako ang pinaglalaruan at niloloko mo? Papakasalan mo si Shine. Kaya nga hiniwalayan mo ako diba? Kaya bakit mo ito ngayon ginagawa?" Nabalutan kami ng katahimikan. Walang nagsasalita sa amin hanggang sa ihinto n'ya ang sasakyan sa may gilid ng highway at saka tumingin sa akin.
"I'm doing this because i'm still inlove with you." May muli na naman pumiga sa aking dibdib nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Umiling ako at saka s’ya muling tinignan ng matalim.
"Bakit mo ako hiniwalayan kung ganoon?" Gusto ko lang naman malaman ang totoo. Pero kung patuloy n’ya ipagkakait sa akin ang bagay na karapatan ko malaman ay hindi ko na alam ang dapat kong gawin. He’s asking me a second chance and i don’t think i can give him that.
"Skye, diba--"Hindi yan ang gusto ko marinig Jasper. Kung ginagawa mo ang lahat ng 'to dahil mahal mo pa rin ako, bakit nakuha mong hingiin ang kamay ni Shine sa harap ng maraming tao noong gabing 'yon?!"
Umiwas s’ya ng tingin sa akin. Tuluyan na naman tumulo ang mga luha ko. Parang sa loob ng isang minuto ay bumalik sa akin lahat ng nangyari ng gabing iyon. Lahat ng sakit at hirap ay muli ko na pilit kong ibinaon ay muli ko na naman naramdaman.
Nagmadali akong pumunta sa Lopez Hotel dahil doon daw gaganapin ang Party. Nandoon si Jasper. I have to tell him something. Alam ko na hindi maaayos ang gusot sa simpleng pagsabi lang sa kanya na buntis ako pero umaasa ako na mananatili pa rin s'ya sa tabi ko. Umaasa ako na hindi n'ya na ako hihiwalayan.Umaasa ako na mabubuo ang pamilya naming kagaya ng pinapangarap namin noon.
Pumasok ako sa likod ng venue dahil may nagbabantay sa harapan. Hindi kasi pupwede pumasok ang walang imbitasyon. Hindi naman siguro ako mahahalata dahil nakasuot din naman ako ng pormal na damit para sa party. Hindi ko nga alam kung ano ang ginagawa ni Jasper dito. Did Shine invited him?
Naglakad ako. Ang daming tao na nagkukumpulan sa may gitna. Pinilit ko makiraan para mahanap ko si Jasper. Pero hindi pa ako nakakarating sa harap ay nadurog na agad ang puso ko dahil sa mga narinig ko.
"Will you marry me Shine?" Kahit masakit, pilit akong nakiraan habang nag-uunahan sa pagtulo ang mga luha sa aking pisnge. Umaasa ako na mali lang ako ng pagkakarinig pero hindi dahil muli ko itong narinig ng mas malinaw at mas klaro. Mas tagos sa puso.
"I'm not a perfect guy Shine but i'm ready to spend the rest of my life with you, so please marry me."
Hindi ko alam kung ilang pana ang tumarak sa aking dibdib dahil sa narinig. Nakatitig lang ako habang isinusuot ang singsing sa daliri ni Shine. Paano n'ya nagagawa 'to? Hindi pa kami hiwalay! Hindi pa kami naghihiwalay! Hindi ko pa pinipirmahan ang divorced papers na gusto n'ya! Paano n'ya nagawang hingiin ang kamay ng babae na kasal s'ya.
“Of course Jasper, i'll marry you!"
Akala ko doon na matatapos ang sakit, pero hindi pa pala. Lalo akong nadurog. Durog na durog nang makita ko kung paano nila sinakop ang labi ng isa't isa. Kita ang ngiti sa labi nilang dalawa. Tumingin si Jasper sa direksyon kung nasaan ako. Alam kong nakita n'ya ako dahil nagbago ang ekspresyon ng mukha n'ya pero muli s'ya ngumiti at umarte na para bang hindi n'ya ako nakita.
"Pareho mo kaming niloloko ngayon Jasper at hindi ko masisikmura ang bagay na 'yon. Tama na yung isa Jaz. Tama na ako lang ang sinaktan mo. Huwag mo naman gawin 'to sa iba.