Chapter Four

1475 Words
Chapter Four   “MANLOLOKO KA! Bitawan mo ako! Nandidiri ako sa'yo!"   "Cara.."   Hinawakan n'ya ako sa braso pero agad ko iyon tinapik. Sinampal ko s'ya ng malakas.   "Cut!" Malakas na sigaw ni Direk at saka lumapit sa amin. Sumunod naman agad si Rose sa akin at iyong hair at make-up artist namin dalawa sa kanya para iretouched kami.   "Masyadong napalakas ang sampal mo sa kanya Skye."  Naiiling na sabi sa akin ni direk. Namumula nga ang pisnge ni Jaz nang tignan ko ito. Pero para sa akin ay kulang pa 'yon. Hindi naman siguro masamang totohanin ang sampal sa kanya diba? Nakita ko ang pagnguso n’ya na para bang tinuturo ang kanyang pisnge na namumula.Hindi ko iyon pinansin at tamad na bumalik sa dressing room para magpahinga.   "Ayos ka lang ba?" Ani Erin habang nakatingin sa akin.Tumango ako sa kanya bago kuhain ang tubig na ibinigay n'ya sa akin at ininom 'yon. Pinagalitan pa ako ni Direk kanina dahil hindi ko raw masyado inaayos ang pag-akting ko kanina. Pilit ko naman inaayos ang trabaho ko pero kapag talagang si Jasper na ang kaharap ko ay nawawala ako sa sarili. Siguro, kaya ako nagkakaganito dahil alam ko na may nararamdaman pa rin ako sa kanya pero itinatanggi ko lang kasi hindi naman dapat. Dapat wala na e, pero nakakainis dahil heto pa rin ang puso ko at busy na mahalin s’ya.   "Ayos ka lang ba talaga Skye?" Tanong ulit sa akin ni Erin.   "Puyat lang ako. Nakipagchat pa ako sa mga highschool friends natin noon. Nangangamusta." Totoo iyon. Umabot ng ala-una ang pagchachat dahil sa pangungulit nila sa akin. Kinamusta rin nila si Erin at Drake. I told them that they are doing actually good. Pati si Jasper ay kinamusta rin nila. Ganoon rin ang sinabi ko pero noong tinanong na nila ako kung ano ang nangyare sa amin ni Jasper ay hindi ko na ito sinagot. Isa sila sa mga taong nakasaksi sa paghahabol ko kay Jaz noon at noong naging kami ay masaya sila para sa amin hanggang sa ikasal kaya siguro ganoon na lang sila nagulat noong maghiwalay kami.   I stayed quiet hanggang sa maging legal ang paghihiwalay namin ni Jasper.   "How are they? May reunion ba?" Umiling ako. Wala silang nasabi sa akin tungkol sa reunion dahil busy kaming lahat. Lahat kami ay may kanya-kanya ng buhay. Some of them finally found their right one sa states at nagdesisyon na manatili na doon kaya wala rin kaming balita sa kanila.   "I’m not sure." Kumawala ang isang ngiti sa labi ni Erin.   "Sana meron. I missed them so much. Lalo na iyong mga kalokohan natin noong highschool hanggang sa magkolehiyo tayo." Totoong nakakamiss nga ang maging estudyante. Tanda ko pa noong nagkolehiyo kaming apat. Sama-sama kami sa kalokohan na hindi namin natapos dahil pare-parehong nagbukas ang pintuan ng industriya kung nasaan kami ngayon  apat. Ako bilang actress na nadiscover noong gumanap na Belle noong College sa Beauty and The Beast na Play, si Erin na naging talent manager ko, si Drake at Jasper na parehong singing career muna ang tinahak bago magkaroon ng acting career.   Sabay kaming naglakad palabas ng cottage at saka dumeretso sa may dagat. Pareho kaming nakasuot ni Erin ng swimsuit. Nakita ko pa si Drake at Jasper na nakatitig sa gawi namin. Halata ang gulat sa kanilang mukha na napalitan agad ng hindi ko malaman na reaksyon. Maging ang mga lalake sa ibang direksyon ay naagaw din namin ang atensyon. Umiling ako at lumusong sa tubig. Nagulat na nga lang ako nang makita si Jaz sa harapan ko habang wala na sa tabi ko si Erin at na kay Drake na.   "What?"Tumaas ang kilay n'ya sa akin.   "Gusto mo ba talaga pagkaguluhan ng mga lalake?"    Bahagyang kumunot ang noo ko. Hindi ko nagugustuhan ang paglapit n'ya sa akin at sa kung paano n'ya ako titigan ngayon.   "Ano naman sa'yo kung gusto ko 'yon?" Umigting ang kanyang panga. Masama s’yang tumingin sa akin na para bang may kasalanan akong nagawa. "Hayaan mo na pagkaguluhan ka ng mga tao pero hindi sa ganyan na suot!" Naningkit ang mata ko. Hindi ko na nagugustuhan ang tono pati na rin ang pananalta n’ya. Ano ba talaga ang pinuputok ng butsi nito? At saka ano ba ang problema sa suot ko? Hindi naman ako nakahubad at sa pagkakaalam ko, beach ito kaya malaya ako makakapagswimsuit.   "Ano ba talaga ang ikinapuputok ng butsi mo? At saka pupwede ba! Bitawan mo nga ako!" Hinawakan na naman n'ya ang braso ko na hindi magandang nagbibigay ng epekto sa akin.   "Iyang suot mo ang ikinapuputok ng butsi ko!"   "What is your problem on my clothes? We're on a beach! Alangan naman magsuot ako ng longsleeve at pants!" Umirap ako habang pilit na inaalis ang kamay sa aking braso. Napasinghap ako ng hilahin n’ya ako papalapit sa kanya. Sht.   "Let me go! You jerk!"   "Ayoko." Matigas na sabi n'ya sa akin.   “Don't use that tone on me Jasper Cy dahil hindi na yan gagana sa akin o kahit kailan!"Matapang ko s'ya tinignan sa mata pero nawala lahat ng iyon ng titigan na n'ya ako pabalik at tanging t***k na lang ng puso ko na naman ang aking naririnig. Bakit ba palagi na lang ako natitiklop sa lalakeng 'to?   "Sigurado ka ba?" Nakatitig pa rin ako sa kanya habang walang tigil sa pagkabog ang aking puso.   "I don't want to let you go." Mahinang sabi n'ya sa akin pero sapat na para marinig ng aking dalawang tenga at magpawala sa aking puso. Hindi lang basta simpleng pagwawala ang nagawa nito sa akin dahil may kasama rin itong kirot. Pinilit ko ngumiti at tumawa. Pinalo ko pa s'ya sa may balikat n'ya habang unti-unting nanlalabo ang aking mga mata.   How could he say that?! How could he say those words infront of me like he mean it?!    "Hindi tayo nagsho-shoot kaya huwag mo ko daanin sa mga pag-arte mo Jasper Cy." Dahil matagal mo na ako pinakawalan.   "Skye.."Tinitigan ko s’ya ng seryoso.   "Matagal mo na akong pinakawalan.”   “Hanggang ngayon ba, hindi ka pa rin naniniwala sa akin?”   Paano pa ako maniniwala sa mga bagay na nangyari na? Niloko n’ya ako. Hindi na maiaalis pa ang katotohanang may minahal s’yang iba bukod sa akin.   “Oo. Kasi wala na naman dahilan para maniwala pa ako.” Pinilit ko umalis sa kanya at umahon sa tubig. Buti na lang ay sa mababaw lang ako lumangoy kaya nakabalik agad ako. Agad akong dinaluhan ni Genta na may dala-dalang towel at binalutan ako.   “Thanks.” Nagmadali ako na magpalit ng damit at saka pumunta sa kwarto namin ni Erin, hindi para magmukmok kundi para matulog. Itutulog ko na lang itong sakit na nararamdaman ko na s'ya na naman ang may dahilan dahil iyon naman parati ang aking ginagawa.   Nagkayayaan kaming lahat na maglaro ng patintero noong kinagabihan Dahil konti lang kaming mga babae ay may mga lalake kaming myembro.Sila Jaz ang kalaban namin at iyong ibang crew na kakampi nila.   Kami ang taya kaya kami ang manghahabol sa kanila. Ako ang nasa pinakadulo at si Erin naman ang nasa unahan. Hindi sila pupwede makadaan dahil maaring makalampas sila. Pwede rin na magkaroon sila ng puntos kapag lumampas o umalis sa linya ang tagabantay. Nahabol ko si Drake at si Direk at yung isang crew na si Kuya Jobert. Si Jasper na lang at yung dalawang crew na sila Ate Georgia at Kuya Ian. Nakadaan sila Ate Georgia dahil mahigpit kong binabantayan si Jaz para hindi makadaan. Kapag nagtagumpay si Jaz ay lamang na agad sila ng tatlong puntos sa amin. Kami ang dehado kapag nagkataon kaya pilit ko s'ya hinahabol para hindi makalampas sa aking linya.   “Go Skye! Go after him!”   Masyado ata akong nawili dahil umalis ako sa aking linya at literal na hinabol si Jaz. Nahila ko ang damit n'ya na nagparesulta sa pagkadapa ko kaya nadapa rin s'ya sa buhanginan. Ang resulta, ako ang nasa ibabaw at s'ya naman ang nasa ilalim ko. Hindi sinasadyang nagkatitigan kaming dalawa ng matagal na para bang bumagal ang buong paligid. Nakaawang ang labi ko nang magtama ang tingin namin sa isa't isa habang pinapakinggan ang bawat kabog ng aking puso. Nagsusumigaw ako sa aking isipan dahil dapat ay tinutulak ko na s’ya sa mga oras na ‘to pero muli ko na naman hinayaan ang sarili ko na malunod sa mga tingin n'ya. Hinayaan ko na naman s'ya na burahin ang linya na pilit ko binubuo sa pagitan namin dalawa para hindi na ako masaktan pa. Nakakainis dahil hinayaan ko na naman ang sarili ko na mahulog sa kanya sa hindi ko mabilang na mga pagkakataon. At higit sa lahat, sa pinakahuling pagkakataon, hinayaan ko na naman ang sarili ko na saktan ako ng nakakabaliw na nararamdaman ko para sa kanya.   "Skye.."   Maliban sa boses n'ya at sa kabog ng dibdib ko ay wala na akong naririnig pa. Para na naman akong sumailalim sa isang mahika na alam ko na s'ya lang ang makakatanggal. Kinontrol na naman ako ng nararamdaman ko para sa kanya at alam ko na may kapalit ang lahat ng 'to.   "Mahal pa rin kita.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD