Chapter Six

3284 Words
Chapter Six ONE YEAR AGO.. Nanginginig ako habang hawak ang divorced papers na ibinigay sa akin ni Jaz. Gusto ko matawa at sabihin na hindi ito totoo at malaking biro lamang ito, na isa lang ito sa mga nakakalokong biro n'ya noon pero hindi. Dahil kitang-kita ang pirma n'ya na nandito at pirma ko na lang ang kulang para tuluyan na kaming maghiwalay. "B-Bakit?" Walang kaemo-emosyon ang kanyang mukha. Nakatitig lang ito sa akin. Hindi ako makapaniwala na gusto n'ya makipaghiwalay. Bakit bigla na lang s'ya susuko?Saan ba ako nagkamali? Bakit kailangan kami umabot sa ganito? "Ayoko na." Malamig na sabi nito sa akin. Kahit ang pananalita n'ya ay walang kaemo-emosyon. "Jaz..may nagawa ba ako? May nagawa ba akong mali? W-Wag naman ganito Jaz." Nagsisimula na manginig ang boses ko. Nagsisimula na rin manlabo ang mata ko dahil sa luha. Naninikip na ang dibdib ko. Ang dami ng tanong na nabubuo sa isipan ko pero alam ko na kahit magtanong ako ng magtanong ay wala itong balak na sagutin. Gusto ko isipin na panaginip lang ang lahat ng ito pero hindi dahil sadyang pinapamukha sa akin na ayaw na n'ya. Gusto n'ya na tapusin ang lahat ng sa amin at wala na akong magagawa roon. "Wala kang ginawa. Ayoko lang. Ayoko na." Mariin nitong sabi sa akin. Tuluyan na akong napahagulgol. "M-May iba ka ba? B-Bakit? Okay pa naman tayo a? Maayos tayo. B-Bakit ka nakikipaghiwalay?" Halos pumiyok na ang boses ko dahil sa sunod-sunod na tanong ko sa kanya. Hindi s'ya umimik. Balak na sana n'ya umalis sa harapan ko pero agad akong humarang sa kanyang harapan. Umigting ang kanyang panga at matalim na tumingin ito sa akin. Hinawakan ko s'ya sa braso pero agad n'ya iyon tinanggal na parang nandiri s'ya sa paghawak ko sa kanya, na para bang malaking bagay ang hawakan ko s'ya. "Jaz..please.." Huminga ito ng malalim bago tuluyan tumingin sa akin na puno ng galit. "Ano pa ba ang gusto mo marinig?! Na may iba ako?! Na hindi na kita mahal? Na ayaw na kitang makasama sa bahay? Na ayoko ng matali sa babaeng katulad mo?! Iyon ba ang gusto mo malaman Rain?!" Matigas na sabi n'ya sa akin. Hindi ako nakapagsalita. Mas lalo pa akong nadurog dahil sa pagsigaw n'ya sa akin. Bakit n'ya ba ito ginagawa? "Oo! Ayoko na! May iba na akong mahal! May iba na akong gusto at hindi ikaw 'yon! Narinig mo?! I don't want to spend my life with you anymore kaya kung pupwede, pirmahan mo na lang yung kailangan mo pirmahan para matapos na!" Napatulala na lang ako habang nakatingin sa divorced papers na nasa lamesa na gusto n'ya na pirmahan ko.. Puno ng pait at galit ang boses n'ya na 'yon habang ako ay wala ng maramdaman. Tuluyan ng namanhid ang aking puso. Tinitigan ko s'ya sa mata. Hoping that he would get back to his old self. To old Jaz that i knew pero mukhang wala na 'yon. Mukhang wala na iyong Jasper na minahal ko. Mukhang wala na rin s'yang balak na balikan ako at humingi ng tawad sa akin. Bakit Jaz? Bakit? Pagkalipas ng ilang araw, kinausap ako ng abogado ko para sa divorce settlement na gusto ni Jaz. Pinirmahan ko na rin ang Divorce papers na gusto n'ya pirmahan ko para tuluyan na kaming maghiwalay. "Any decisions? Tungkol sa bahay n'yo? Anong gagawin n'yo dun?" Parang may kumirot sa aking dibdib. Pinilig ko ang aking ulo at saka nagkibit-balikat habang nakatingin kay Ms. Alvarez ng walang kahit anong bahid na emosyon. "I don't know. Makipag-usap ka na lang sa abogado n'ya. Hindi naman na ako titira sa bahay na 'yon." Kakapaliwanag lang nito sa akin na hindi ko na kailangan mag-alala dahil sigurado ito na maaaprobahan ang paghihiwalay namin ni Jaz ng korte lalo na kung pera lang pala ang labanan. Huminga ako ng malalim at pilit na pinakalma ang sarili ko. Kailangan ko pakalmahin ang sarili ko para sa anak ko. "Ms. Alvarez. Gusto ko na ayusin mo ang passport ko pagpunta sa America." Halos isang linggo ko lang ito pinag-isipan at buo na ang desisyon ko. Gusto rin ni Mommy na doon muna ako hanggang sa manganak ako. Tutal ay napagkasunduan na walang makakaalam na hiwalay kami dahil wala rin naman nakakaalam na kinasal kami. "Are you sure about this Ms. Chen?"Tumango ako. Sumeryoso ang mukha ni Ms. Alvarez at saka ito ngumiti. "Ikuha mo na rin pala ako ng matitirhan. Kailangan ko iyon para sa anak ko." "How about the child? Pin-"Hindi n'ya kailangan malaman ang tungkol sa bata dahil wala akong balak na ipakilala iyon sa kanya." Kinuyom ko ang aking palad at pinakalma ang sarili dahil sa namumuong galit sa aking puso. I have to live for my baby. Kakayanin ko ito kahit wala s'ya sa buhay naming dalawa. "If that's what you want." Iniwan na ako ni Ms. Alvarez. Pumunta ako sa aking kwarto dito sa Mansion at saka umupo sa gilid ng kama.Nakita ko ang singsing noong kinasal kami ni Jaz na nakapatong sa bedside table. Tinanggal ko ito sa daliri ko simula noong nakita ko ang pangyayari na dumurog at dumudurog parin sa akin hanggang ngayon.Sinubukan ko ito itapon pero hinanap ko lang din ito kung saan ko ito itinapon. Muli na naman akong napahagulgol dahil sa naalala ko ang lahat ng nangyare noong gabing 'yon. Kitang-kita ko ang saya sa mata ni Jaz noong gabing 'yon at hindi ko maitatanggi na si Shine ang dahilan ng lahat ng 'yun, na kahit masakit at mahirap tanggapin, mayroon ng bago na nagpapasaya sa kanya at hindi ako ang taong 'yon, na mas pinili n'ya ang babaeng 'yun kesa sa amin ng magiging anak n'ya. Huminga ako ng malalim at pinunasan ang luha ko. Buong lakas ko na tinawagan si Jaz. Hindi pa ito nakakatatlong ring nang sagutin n'ya 'to. "Let's talk." Nagkita kami sa Park kung saan kami nagcelebrate ng unang taon namin bilang mag-asawa. Nakatingin lang s'ya sa akin ngayon ng walang bahid na emosyon sa kanyang mukha. Nakakatawa dahil dati, masaya noong huli kaming nagpunta dito pero mukhang dito pa namin tatapusin ang lahat. "Ano ba ang ginagawa natin dito?" Malamig na sabi n'ya sa akin. Hindi ko s'ya sinagot. Tinitigan ko lang rin s'ya habang pinapakiramdaman ko ang puso ko na nadudurog na naman. "Bakit mo ako niloko?"Tumawa s'ya ng pagak. "Pinapunta mo ako dito para tanungin mo ako ng ganyan?" Hindi ako sumagot. Pilit ko kinakalma ang sarili ko dahil may bata sa loob ko at hindi iyon alam ng lalakeng kaharap ko ngayon at mas lalong wala akong balak ipaalam iyon sa kanya. "Does it matter? You already signed those papers." "Of course! Dahil baliktarin man ang mundo, asawa mo pa rin ako." "You're just my ex wife." Matigas na sabi nito sa akin. Malungkot akong ngumiti."Yes. I'm just your ex-wife, pero ako yung babaeng minahal ka ng higit sa sarili ko!" Tuluyan ng tumulo ang mga luha ko. "Mas mahal ko si Shine." "Nagkulang ba ako? Saan ba ako nagkamali?!" Hindi s'ya sumagot. Umiwas lang s'ya ng tingin sa akin. Pinalo-palo ko s'ya sa may dibdib n'ya pero agad n'ya nahawakan ang papulsuhan ko. Tinignan n'ya ako na may galit sa kanyang mata. Hindi ko alam kung ilang kutsilyo ang tumarak sa aking dibdib. "S'ya ang mahal ko! Ano bang mahirap intindihin doon?!" "Lahat Jaz! Lahat! Dahil hindi ko maintindihan kung ano ang nagawa ko sa'yo para saktan ako ng ganito! Ang sakit na Jaz! Ang sakit-sakit na! Pinapatay mo ko sa sakit!" "Hindi na kita kayang mahalin." Pinilit ko huwag humagulgol sa kanyang harapan Ayoko na umiyak. Pagod na ako umiyak at masaktan.Pinunasan ko ang luha sa aking mukha at saka nakipagtitigan sa kanya. Nanginginig akong kinuha ang kamay n'ya at saka ibinigay ang singsing. Hindi ako nagsalita. Tumingin lang ako sa kanya habang pinupunasan ang luha na hindi ko mapigilan. Walang emosyon n'yang tinignan ang singsing na ibinigay ko sa kanya at marahas iyon itinapon sa kung saan. Hindi ko alam kung ilang kutsilyo ang tumarak sa aking dibdib dahil sa kanyang ginawa. Muli ko s'yang tinitigan sa mata habang unti-unti na naman nanlalabo ang paningin dahil sa nagbabadyang mga luha na malapit ng bumagsak. Huminga ako ng malalim para maibsan yung sakit na nararamdaman ko ngayon. Yung sakit na para akong pinapatay. Yung sakit na tagos hanggang kaluluwa. Pinilit ko tumalikod at saka humakbang papalayo sa kanya. Mabibigat ang hakbang na ginagawa ko at sa bawat hakbang na aking ginagawa ay kumikirot ang puso ko. Sorry baby. Hindi na tayo mahal ng daddy mo. Mas mahal n'ya iyong babeng 'yun kesa sa atin, pero huwag kang mag-alala. Palalakihin kita mag-isa. Hindi mo s'ya kailangan. Hindi natin s'ya kailangan sa buhay natin dalawa. Goodbye Jasper Cy Goodbye my love. Nabalot kami ng katahimikan hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Wala akong balak na kausapin si Jasper hangga't hindi n'ya maayos na sinasagot ang tanong ko. Siguro kahit malaman ko pa ang totoo ay hindi ko pa rin maibibigay ang hinihingi n'ya. Ayoko na ulit madurog. Ayoko na maulit ang naranasan ko. Pagkahinto na pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng bahay ay kaagad akong bumaba. Kukunin ko lang ang ilang gamit ko at uuwi na ako sa Mansion nang bumungad sa amin si Ate Renesmee kasama ang anak n'ya na si Emerald na kasalukuyang tuwang-tuwa na nakita ako. "Tita Mommy!" Sigaw ni Emy at saka naglakad papunta sa akin. Yinakap ko ito at kinarga. "How's my beautiful baby?"Ngumiti ito sa akin at hinalikan ako sa aking pisnge. "I became a good girl like you always told me to." Bumaba si Jasper sa sasakyan at sinalubong si Ate. "Plano ko sana na isurprise ka pero mukhang ako ang nasurpresa." Ani Ate Renesmee na inismiran lang ni Jaz. Tumingin sa akin si Ate at saka ako nginitian. Pumasok kami sa loob ng bahay. Bitbit ni Ate Renesmee ang gamit nila paloob. "Ano pala ang ginagawa mo rito at napadalaw ka?" Ani Jasper. "Dapat nga ako ang nagtatanong pero wala akong time, kaya next time na lang. Nandito ako para iwanan sa inyo si Emy ng isang araw." "Pumunta ka rito para gawin akong baby sitter?"Naniningkit na tanong ni Jaz kay Ate. "Bakit may reklamo ka? And besides, your nephew is with you when you--"Fine fine." Tinaas nito ang kanang kamay at saka tumingin kay Ate na may inis sa kanyang mukha. "You don't have to tell that infront of her ate. I'll take care of Emy. Pupwede ka na umalis." Ngumuso si Ate kay Jasper. "Hindi ka naman siguro mahihirapan dahil Skye is with you." Hindi ako nagkumento sa sinabi ni Ate kahit na nakangisi ito sa amin. Ganoon rin si Jasper. "Kay Skye ko na lang ipagkakatiwala ang vitamins n'ya dahil alam ko naman na makakalimutin ka bro. Daig mo pa si Mommy sa pagiging makakalimutin." Umirap si Jasper. "Do you really have to tell that?" Tumawa si Ate Renesmee at saka umiling-iling. Nagbillin it okay Emerald na huwag magiging makulit sa amin ni Jasper. Binilin naman n'ya sa akin ang vitamins ni Emy bago ito tuluyan umalis. Mukhang kahit gusto ko makita si Ares ngayon ay hindi ko na naman s'ya makikita. I'll find a time na lang between my schedules. Umalis na si Ate Renesmee kaya kaming tatlo na lang ang naiwan dito sa bahay. "Aalis ka pa diba? Ako na bahala kay Emy." Ani Jasper habang nakatitig sa akin. "Tita Mommy! Aalis ka po? Ayaw mo po magplay kasama ako po?" Tumingin ako kay Emy at saka umupo para pumantay ako sa kanya. "Hindi na aalis si Tita Mommy. I'll play with you." "Yehey! Tita Mommy! I want to play hide and seek." "Are you sure?" Balik na tanong sa akin ni Jasper. Tumango ako. "Sure baby. We'll play whatever you want to." "But i want Tito Daddy to play with us too." Tumingin ako kay Jasper. Ngumiti ito sa akin at kay Emy. Lumapit s'ya kay Emy at kinarga ito. "Sure. But before us to play, iaakyat lang ni Tita Mommy itong mga gamit n'ya okay?" "Mmm!" Si Jasper ang taya kaya nagtago kami ni Emy. Buhat-buhat ko s'ya habang nagtatago sa likod ng pintuan ng CR pero dahil alam ko na matalino s'ya, nahanap n'ya kami sa CR. Malakas na tumawa si Emy at mabilis na pumunta sa kung saan nagbilang si Jasper. "Save!" Pareho kaming napailing ni Jasper at saka nagpaunahan para malaman kung sino ang taya. Dapat ay ako ang panalo pero bigla akong yinakap ni Jaz at hinila papalayo kaya s'ya naman ang nauna. "Ang daya mo! Yinakap mo ako!" Umirap ako pero hindi mawala-wala ang ngiti sa aking labi. "Hindi kaya. Wala naman may sabi na hindi ka pwede mangyakap." Umirap ulit ako. Yinakap ako ni Emy. Nakaangat ang ulo n'ya sa akin habang ako ay nakatungo at si Jasper na nakatingin sa kanya. "Tita Mommy! Tito Daddy hugs you because he loves you so much." Napaawang ang labi ko sa sinabi ng bata at saka tumingin kay Jasper. Naririnig ko na naman ang lakas ng t***k ng puso ko. Hindi ko alam kung ano ang irereak sa sinabi ni Emy. Alam ko na hindi n'ya pa naiintindihan ang mga bagay-bagay pero hindi ko maiwasan na kabahan at malungkot. Kabahan dahil alam ko na malulungkot si Emy sa oras na ipinaliwanag ko sa kanya ang totoo na hindi na kami katulad ng Tito Jasper n'ya noon, at malungkot dahil sana kung hindi nangyari ang mga bagay sa nakaraan ay hindi kami ganito ngayon. "I didn't teach her anything Skye. Sadyang alam lang n'ya na mahal kita." Hindi ako umimik at ngumiti lang kay Emy. Umupo ako para tapatan ang tangkad ni Emy. "Tita Mommy loves you too Emy." Hinalikan ko ang noo nito at saka pinisil ang pisnge ng bata. "Tita Mommy, lab mo din po ba si Tito Daddy?" Hindi ulit ako nakaimik. Kumakabog na naman ang puso ko ng malakas. Hindi alam ang sasabihin. "Your Tita Mommy do not love your Tito Daddy anymore that's why Tito Daddy is always sad." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nito. Ano ba ang kalokohang pinagsasabi n'ya sa bata?! Paano n'ya nagagawang idamay ang bata sa kalokohan n'ya?! Magsasalita sana ako pero nang makita ko na malungkot ang mukha ni Emy sa sinabi ng magaling niya na Tito ay umiling ako at saka ngumiti. "That's not true baby. I always love you and your Tito Daddy." Nawala ang lungkot sa mata ni Emy at muli na itong nakangiti sa akin. Mahigpit n'ya akong yinakap at saka hinalikan sa aking pisnge. "Talaga? Kiss mo nga ako." Sinamaan ko s'ya ng tingin pero nginisian n'ya lang ako. Hindi na ako natutuwa na ginagamit n'ya ang bata sa mga kalokohan n'ya. Pinanlakihan ko s'ya ng mata pero tanging paghalakhak lang ang aking narinig. Tumingin ako kay Emy. "Please Tita Mommy. Kiss Tito Daddy so he could smile na." Tumingin muli ako kay Jasper na may nakakalokong ngiti pa rin sa kanyang labi. Alam na alam n'ya talaga na hindi ko matitiis si Emy dahil malapit ako sa bata.Lumapit ako sa kanya at kinakabahan na hinalikan s'ya sa pisnge. Tinuro pa n'ya kung saan ako dapat humalik. Tumagilid pa ito habang may mapaglarong ngiti sa kanyang labi. Hahalikan ko na sana s'ya sa pisnge ng bigla itong humarap sa akin dahilan para maglapat ang labi namin dalawa. Lumayo s'ya sa akin matapos ang kalokohan n'ya at saka kinarga si Emy na para bang walang nangyare. Nanatili pa rin akong tulala sa nangyari. Ramdam ko ang panghihina ko, pati na rin ang kabog ng dibdib ko. Wala sa sariling napapikit ako ng mariin at huminga ng malalim. Napailing na lang ako at saka sila hinabol. *** "TITA MOMMY! Are you okay? You looked sad."Saad ni Emy.Nanonood kami ngayon ng favorite cartoon ni Emy na Spongebob Squarepants. Nakaupo kami sa mahabang sofa habang si Jaz ay abala sa pagluluto ng makakain namin ngayong hapunan.Kakauwi lang namin galing sa Park kung saan kami naglarong tatlo. Umuwi kami na pagod pero dahil walang makakain ay si Jaz na ang nagprisinta na magluto. Tumingin ako kay Emy at ngumiti. "Tita Mommy is okay. Pagod lang." Ngumiti rin sa akin si Emy at saka ibinalik ang atensyon sa pinapanood.Hindi naman talaga ako pagod. Marami lang akong naiisip at isa na doon si Jasper. Hindi ko maintindihan kung bakit n'ya sinasabi na mahal n'ya ako kung kinaya n'ya naman ako ipagpalit sa iba. Minsan nga, gusto ko na lang maniwala sa mga sinasabi n'ya at magpadala sa nararamdaman ko dahil hanggang ngayon ay mahal ko pa rin s'ya pero sa tuwing naalala ko kung paano n'ya ako niloko at sinaktan ay doon na ako nagsisimula na makaramdam ng sobra-sobrang takot. Simula kasi ng saktan n'ya ako ay hindi na mawala-wala sa sarili ko ang takot na magmahal ulit. Nakakatakot sumugal dahil kung gaano ka pinasaya ng pagmamahalan n'yo ay ganoon rin kalaki ang sisingilin sa'yo para saktan ka. Dumating ako sa punto ngayon na ayoko na paniwalaan lahat ng mga sinasabi ni Jaz o ng kung sino lang para maprotektahan ko ang sarili ko. Prinotektahan ko ang sarili ko sa takot na baka masaktan lang ako. I built a wall that is not easy to be crumpled. "The dinner is ready. Let's eat." Lumingon ako sa gawi n'ya at nakita ang mga pagkain na nakahain sa lamesa. Puro paborito namin ni Emy ang niluto n'ya. Parati n'ya ako nilulutuan ng ganito noong magkasama pa kami o kaya ay sa tuwing iniiwan ni Ate Renesmee si Emy sa amin. Dali-dali naman pumunta si Emy sa hapag-kainan at umakyat sa upuan. Nilagyan ni Jaz ang kanyang plato ng kanin at ulam. "Magkakabalikan pa po kayo diba Tita Mommy? Para happy na po si Tito Daddy. I really don't like Tita Shine din po e. She's maarte." Hindi ko alam kung matatawa ba ako sa mga pinagsasabi ni Emy kay Shine. Kahit ang bata ay ayaw kay Shine. Ngumiti ako ng pilit sa kanya. Alam kong magsasalita si Jaz pero inunahan ko na s'ya. Ayoko pakinggan ng bata ang mga kasinungalingan na lumalabas sa bibig n'ya. Ayaw ko na maniwala s'ya sa isang ilusyon na kung saan minsan din akong naniwala. Mabuti at matalinong bata si Emerald at hindi s'ya dapat pinapaasa sa mga bagay na matagal ng wala na. "Masaya naman kami ng Tito Daddy mo kahit hindi na kami magkabalikan at saka nandito ka naman Emy. You'll always be our baby kahit hindi kami magkabalikan." Nakatitig lang si Jasper sa akin at pinagmamasdan ako. Lakas-loob akong tumingin sa kanya at sinagot ang lahat ng tingin na ibinibigay n'ya sa akin. "K--Kumain na kayo. Kakausapin ko lang si Erin." Pagdadahilan ko. Umakyat ako sa itaas at pumunta sa may veranda. Umupo lang ako sa may upuan at tumingin sa kalangitan nang bumukas ang pintuan at iniluwa si Jaz. "Nasaan si Emy?" "Tulog na." Umupo s'ya sa tabi ko kaya lumayo ako sa kanya ng kaonti. Nagkatinginan na naman kami ni Jaz. Kahit madilim ay kita ko pa rin ang mata n'ya na puno ng emosyon na ayaw ko na pangalanan. "Masaya ka ba talaga kahit hindi tayo magkabalikan?" Napaawang ang labi ko sa tanong n'ya. Kumabog na naman ng malakas ang puso ko. Umambang ang kaba at ang hindi maipaliwanag na emosyon sa aking dibdib. "Kasi hindi sa akin okay 'yon Skye." Sandali akong napatahimik bago tumingin ng deretso sa kanyang mata. "Does it matter if it's not okay with you?" "Skye.."Umiling ako. Ayoko pakinggan pa ang mga sinasabi n'ya dahil baka maniwala lang ulit ako. Baka mapaniwala n'ya na naman ako at magkakaroon na naman s'ya ng dahilan para saktan at durugin ako. Hinawakan n'ya ang kamay ko. "Ilang beses ko ba sasabihin na gusto ko na bumalik ka sa buhay ko? Gusto ko na magsimula ulit tayo. Pinagsisihan ko na sinaktan kita noon. Mahal pa rin kita Skye." Ramdam ko ang sinseridad sa boses n'ya at gustong-gusto ko na maniwala sa kanya, pero hindi. Hindi pa rin pwede. Hindi na kami katulad ng dati. Marami ng nagbago. Tumitig ako ng ilang segundo sa kanya at kagaya ng parati kong ginagawa ay nagmatigas na naman ako sa kanya. "At ilang beses ko ba sasabihin na hindi mo na kailangan pang bumalik sa buhay ko?" "Please. Kahit ngayon lang Skye. Let's give ourselves a second chance." "Mahal pa rin kita Jaz." Ngumisi ako at umiling. "But you already lost your chance a long time ago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD