Chapter Three
“BAKIT MO GINAWA ‘YON?! Nasisiraan ka na ba talaga Jasper Cy?!” Nagsiuwian na silang lahat at kami na lang ni Jasper ang magkasama ngayon. Ngayon lang ako nagkaroon ng lakas ng loob na singhalan s’ya dahil wala na sila. Wala naman kasi akong balak ipaalam ang tunay na sitwasyon namin ni Jasper na nakatira kami sa iisang bahay dahil tiyak na pagpipyestahan kami ng Media.
“Ano bang sinasabi mo?”
Pinaningkitan ko s’ya ng mata. Talaga bang iniinis ako nitong lalake na ‘to?! Lalo lang tuloy ako nangigigil sa ginagawa n’yang pag-akto na parang wala s’yang ginagawa na masama!
“Iyong paghawak mo sa kamay ko!”
“Saka bakit mo tinanggap yung project?! I’m sure ate Renesmee told you about this right?!” Wala talaga akong makitang dahilan para tanggapin n’ya ang project na ito. It’s too risky lalo na ngayon na alam ng buong mundo na ikakasal na sila! Ano na lang iisipin ng media sa oras na malaman nila ang project namin dalawa? Baka mamaya malaman pa nila ang totoong namagitan sa amin ni Jasper.
Tinignan n’ya ako na parang bored na bored na s’ya sa buhay n’ya.
“Tinanggap ko yung project dahil gusto ko. Saka ano bang problema mo sa pagtanggap ko?” Talaga bang hindi n’ya alam kung ano ang problema ko doon? God! Hindi ba s’ya nag-iisip!
“Nagkakaganyan ka ba dahil ayaw mo ako makatrabaho?”
“Ano naman ngayon kung oo?” Tumalim ang mata n’ya na nakatitig sa akin at saka ngumisi. Isang ngisi na palagi ko na lang kinaiinisan simula pa noon. At saka hindi lang naman iyon ang dahilan kung bakit ayoko sa ganitong set-up, bukod sa ayoko s’ya makatrabaho ay wala ng rason pa para makita ko s’ya o kaya naman ay makasama. We’re done one year ago.
“Akala mo ba gusto kita makatrabaho?” Napanganga ako ng wala sa oras sa sinabi n’ya. What the hell?!
“Jasper!” Masama akong tumingin sa kanya. Ano bang akala n’ya? Titigilan ko s’ya? Hindi! Marami pa akong gusto itanong sa kanya kung bakit ginagawa n’ya ang lahat ng ‘to. Alam ko na hindi ako papatahimikin ng utak ko kapag hinayaan ko ang sarili ko na malunod sa mga tanong.
Nauna na s’yang naglakad sa akin kaya hinabol ko s’ya at hinawakan sa braso dahilan para mapalingon s’ya sa akin. “What?”
“Bakit mo sinabi kay Drake?!” Ugh! I really hate him!
“Drake is my friend.” Umirap ako ng makita ko s’ya na nakangisi na naman dahil sa naging sagot n’ya sa akin. Tsk. Anong nginingisi n’ya?! Porket wala akong maibwelta sa sagot n’ya, ngingisian n’ya na ako? Hampasin ko kaya s’ya?!
Umuwi kami sa bahay, at ngayon nagtatalo na naman kami dito sa kwarto kung sino ang matutulog sa kama. Nakahiga na kasi ‘ya pero ayoko pa rin s’ya tigilan. Ang makatabi s’ya ang magiging dahilan kung bakit pupwede ako mamatay ngayong gabi at ayoko mangyari ‘yon.
“Sino ang matutulog sa kama ngayong gabi?” Tamad s’yang tumingin sa akin na parang kasalanan ko pa kung bakit s’ya napupuyat ngayon.
"Sky, i'm too tired para makuha ko pa makipagtalo sa'yo kung sino ang matutulog sa kama ngayon gabi. Ayoko sumakit ang likuran ko kaya pupwede ba na pareho na lang tayo matulog sa kama." Mahabang litanya nito sa akin. Matutulog na sana kasi kami ng maalala ko na hindi pa pala namin napapagkasunduan kung sino ang matutulog sa kama ngayong gabi at pati na rin sa ibang araw since iisa lang ang kuwarto dito sa bahay.
Gusto n'ya na magkatabi na lang kami matulog at palagpasin ang gabi na 'to na magkatabi kami dahil ngayon lang naman dahil bukas ay pag-uusapan na namin kung sino ang matutulog sa kuwarto pero sadyang makulit ako at matigas ang ulo dahil hindi ako pumayag. Wala akong balak mamatay sa sobrang pagkabog ng puso. Iyong sandali nga lang na magkahawak ang kamay namin sa Videoke ay halos ikasabog na ng puso ko, paano pa kaya kapag ganitong sa iisang kama? Baka magising na lang si Jaz na patay na pala ako dahil sa puso ko na hindi mapakali.
"Ayoko nga sabi! Hindi ako makakapayag na makatabi ka! Baka…“Napatigil ako sa pagsasalita ng makita s’ya na nakapikit na at nakahiga na sa kama. Nagkaroon tuloy ako ng tsansa na matitigan s’ya ng matagal. Nagulantang ako nang imulat nito ang kanyang mata bago tuluyan ilapit ang mukha sa akin. Pakiramdam ko pati pagtibok ng puso ko, tumigil na rin sa ginawa n'ya.
"Baka ano?" Ngumisi pa s'ya sa akin. Mabilis ko s’yang itinulak palayo sa akin.
"B-Baka may gawin ka sa akin na masama!" Pangangatwiran ko kahit na alam ko naman na hindi n'ya 'yon gagawin. Tinawanan n'ya lang ako at saka napailing. Humiga s'ya sa may kabilang side ng kama. Tinulak-tulak ko s'ya dahil sa inis na nararamdaman ko ngayon pero ayaw n'ya magpatinag.
"Antok na ako. Ayoko na makipagtalo sayo Rain." Nasa ibabaw n’ya ako habang ang isa kong kamay ay nakatuon sa tabi n’ya at iyong isa kong kamay ay nasa balikat n’ya. Nagtama ang mata namin dalawa. Lihim akong napalunok habang pinapakalma ang puso ko. Napakurap-kurap ako nang makita ko ang dahan-dahan n’ya na pagngisi sa akin. Mabilis akong lumayo sa kanya pero mabilis n’ya rin akong yinakap at inihiga muli sa kama. Ang kanyang magkabilang braso ay nakayakap sa aking bewang na parang wala akong balak pakawalan. Hindi na naman ako makagalaw dahil isang galaw ko lang ay hindi imposibleng mahalikan ko ang labi n'ya kaya pilit ko tinanggal ang kamay n'ya sa akin pero hindi ko magawa.
"Goodnight." Napanganga ako. Nababaliw na ba s'ya?! Paano ako makakatulog kung ganito ako kalapit sa kanya? Paano na lang kung sumabog ang puso ko dahil sa kanya? Baka mamatay ako! Mumultuhin ko talaga s'ya kapag may nangyari na masama sa akin! Sinusubukan ko gumalaw para makaalis sa pagkakayakap n'ya sa akin pero lalo lamang itong humigpit. Damn Jaz. Ano ba ang balak mo gawin sa puso ko?
Sa pagsubok ko gumalaw at makawala ay unti-unti na rin ako kinain ng antok kaya wala akong nagawa kundi pumikit. Sinag ng araw ang mismong gumising sa akin. Nagtalukbong ako ng kumot at pilit na pumikit ng may maramdaman ko na may nakadagan sa aking hita. Unti-unti kong minulat ang mata ko at halos magulantang ako ng makita ang pagmumuka ni Jaz na malapit sa akin habang pikit ang mata nito. Para akong nabuhusan ng malamig na tubig. Gusto ko tumili at magwala dahil sa posisyon namin ngayon pero hindi ko magawa dahil isang pagkakamali lang ay maaaring mahalikan ko ang labi n'ya at hindi pa ako baliw para gawin ko 'yon. Tinulak ko s'ya ng dahan-dahan para makaalis ako sa pagkakadagan n'ya sa akin at ng makaalis ako ay hindi ako nagdalawang isip na tumayo sa kama at pumunta sa banyo. Sumandal ako sa may pintuan pagkapasok ko at saka huminga ng malalim para maibsan ang napakabilis na kabog ng puso ko.
Nakakainis! Ang aga aga! Ang landi mo na puso ka!
Napabuga na lamang ako sa hangin at naghilamos na. Nagtoothbrush ako at saka itinali ang aking buhok.Wala akong pasok sa trabaho ngayon dahil napagdesisyunan ni Direk na bukas na lamang pumasok dahil sa tindi ng hang-over nila. Maging ang magaling na manager ko na si Erin ay nagpasalamat rin kay Direk para sa pagkansela ng taping. Iyon lang kasi ang schedule ko para sa araw na 'to kaya naman magkakaroon ako ng oras para makapagpahinga ng maayos. Inayos ko ang sarili ko at saka pumunta sa kusina para magluto ng agahan. Pangmaramihan na ang niluto ko para hindi na magluto iyong mokong na 'yon. Nagluto ako ng fried egg, ham at hotdog. Nakapagsaing na rin ako. Sumunod ay ang pagwawalis. Hinanap ko iyong walis at dustpan at saka nagwalis. Nang matapos ako ay saka ako kumain ng umagahan.
"You cleaned the house?" Halos malaglag ang puso ko ng marinig ko ang kanyang baritonong boses. Hindi ako nag-abalang tumingin sa kanya at sinagot lamang s'ya.
"Yup."
Nagpatuloy ako sa pagkain ng agahan nang lumapit naman s'ya sa akin at umupo sa tapat ko. Bahagya akong napatingin sa kanya ng kumuha s'ya ng kanin at ulam. Magulo pa ang buhok n'ya at naniningkit pa ang mata n'ya dahil bagong gising s'ya. Nakasuot lamang s'ya ng puting sando kaya naman kitang-kita ang palaging ipinagyayabang na biceps noong magkasama kami.
"Eyes on food Chen."
Hindi ako makapaniwalang napatitig sa kanya. Ano ba ang iniisip n’ya? Na pinagnanasahan ko s’ya? Nginisian ako ng nakakaloko kaya imbes na magsalita ay pinili ko na lang na manahimik, baka kasi ano pa ang masabi ko. At saka teka nga? Bakit ba nag-iinit ang mukha ko? Umiling na lang ako bago yumuko at nagpatuloy sa pagkain. Sinubukan ko umakto ng normal pero ayaw talaga ako patahimikin ng hinayupak na ‘to. Nakuha pa na humalakhak ng mokong na lalo lamang nagpainis sa akin . Gustong-gusto ko s'ya samaan ng tingin pero alam kong hindi iyon nagana sa kanya. Giving him death glares don't really worked on him and i hate it. Nakakainis iyong sasamaan mo na nga s'ya ng tingin ay makukuha pa n'ya ngumisi na parang nang-aasar.
“Hindi kita pinagnanasahan, kapal naman ng mukha mo.” Umirap ako pero lalo lamang lumawak ang ngisi sa labi n’ya. Tumunog ang cellphone naman n’ya kaya pareho kaming napatingin doon. Isang malakas na kabog sa aking dibdib ang naramdaman ko nang makita ko kung sino iyong tumawag. Sinagot n’ya iyong tawag habang ako ay nanatili lamang na tahimik.
"Shine.” Napasinghap ako ng marinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. Ang babaeng sumira ng lahat. S'ya nga ba talaga? O si Jaz?
Wala sa sariling napainom ako ng tubig at binilisan ang pagkain. Ayoko sana marinig ang usapan na mayroon sila dahil hindi ko naman ugali ang mag-usisa pero hindi ko mapigilan, lalo na ngayon na ang taong kausap n’ya ay isa sa mga dahilan kung bakit kami nauwi sa paghihiwalayan.
"Are you coming home?" Kahit anong pigil ko sa sarili ko na huwag tignan si Jaz ay hindi ko magawa, kahit nga ang bilisan ang pagkain ay hindi ko magawa dahil gusto ko marinig ang pag-uusap nilang dalawa. Alam kong masama ang making sa usapan ng iba pero sadyang matigas ata ang ulo ko dahil gusto ko pa ata na masampal ng reyalidad na marami ng nagbago, na kahit s'ya pa rin talaga ang kinikirot at tinitibok ng bawat pintig ng puso ko ay balewala dahil hindi na naman ako iyong nasa puso n'ya.
Kahit isang taon pa lang kaming hiwalay, kailangan ko tanggapin na marami ng nagbago sa nakalipas na isang taon. Na kahit sabihin ko pang mahal ko pa rin s’ya sa nakalipas na isang taon ay alam ko na hindi na importante pa ang bagay na ‘yon. Matagal na kaming tapos at kailangan ko na rin ibaon sa limot itong nararamdaman ko. Hindi ko na rin naman itatanggi pa sa sarili ko ang totoo. S'ya pa rin talaga sa nakalipas na isang taon. Sa totoo lang, ayoko makipaghiwalay sa kanya, ayokong maghiwalay kami pero sabi nga nila, huwag na ipilit ang bagay na hindi na pupwede at sa tingin ko, ang pagsasama naming ni Jasper ang isa sa mga bagay na huwag na ipilit pa.
How i wished i could turned back the time para malaman ko kung ano ang mali kong nagawa para makuha n'ya makipaghiwalay sa akin at maghanap ng iba na mas kaya s'ya pasayahin. Saan ba ako nagkulang? Saan ba ako nagkamali? Iyan lang naman ‘yan sa mga tanong na parating pumapasok sa utak ko simula ng magdesisyon s’ya na hiwalayan ako at tapusin ang lahat sa amin na parang ganoon lang kadali para sa kanya.
Tumingin ako sa kanya. Minsan nga, hindi ko maiwasan na malungkot sa tuwing naaalala ko kung paano kami noon. Masaya naman kami, pero hindi ko alam kung bakit kami nauwi sa hiwalayan. I saw a hint of happiness on his eyes while talking to Shine. Kita ang ngiti sa kanyang labi na nagpayukom sa aking palad. Parang may humaplos sa aking puso nang mapagtanto ko na marami na talagang nagbago sa loob ng isang taon. Nagtama ang tingin namin nang tumingin s'ya sa aking direksyon, s'ya habang nakikipag-usap kay Shine habang ako na hindi ko alam kung aalis ba ako sa kinauupuan ko o mas pipiliin na umiwas na lamang ng tingin at magkunwari na wala akong pakielam sa kanilang dalawa.
Halos wala na nga akong maintindihan sa sinasabi nila sa isa't isa dahil nakatuon ang atensyon ko kay Jaz na ngayon ay titig na titig pa rin sa akin. Ang tanging malinaw lang sa akin ngayon ay iyong nangingibabaw na kabog ng puso ko at ang pagkakagulo ng sistema ko. Ni hindi ko nga magawang makapagsalita man lang o makakilos. Naninikip na rin ang dibdib ko, at nagsisimula na rin bumigat ang paghinga ko.
Nararamdaman ko na naman ang kirot sa dibdib na akala ko wala na sa nakalipas na isang taon. Nagkaroon na naman muli ng maraming tanong sa aking isipan. Mga tanong na hanggang ngayon, hindi ko pa rin magawa-gawang sagutin dahil alam ko na ang taong nasa harapan ko lang ang makakasagot ng mga tanong ko.Binaba na n’ya ang tawag, subalit nakapako pa rin ang tingin namin sa isa’t isa. Unti-unti na naman bumibigat ang puso ko.
“Bakit mo nga ba ako iniwan?”
Nawala ang ngiti n'ya sa labi. Titig na titig s'ya sa akin ngayon. Ang mukha n'ya na puno ng emosyon ay napalitan ng blankong mukha. Doon ko lang napagtanto na masyado palang napalakas ang tanong ko sa aking isipan at paniguradong narinig n'ya 'yon. Ayoko na bawiin dahil iyon naman talaga ang gusto ko itanong sa kanya. Alam kong alam n'ya kung ano ang sagot sa tanong ko. Sa totoo nga lang, parang alam ko na rin naman ang sagot sa tanong ko, iyon nga lang, mas gusto ko pa rin marinig ang dahilan n'ya. Mas gusto ko na ipamukha n'ya sa akin kung bakit n'ya ako iniwan ng ganoon na lang matapos s'ya mangako sa akin at sa harap ng simbahan na magsasama kami hanggang sa katapusan.
Pinilit kong basahin ang nasa isip n'ya kahit na alam kong mabibigo lamang ako. Kahit noon pa man, hindi na naman madaling basahin si Jaz. Nakakaramdam na naman ako ng kirot sa bawat minutong lumilipas na hindi n’ya sinasagot ang tanong ko.
Umiling s'ya sa akin.
"I don't know." Umawang ang labi ko sa kanyang naging sagot. Gusto ko matawa? Hindi n’ya alam? Papaano n'ya nagawa makipaghiwalay sa akin kung hindi naman n'ya pala alam ang sagot.
Galit akong tumingin sa kanya.
"You don't know? Iniwan mo ako! Sinaktan mo ako! Tapos iyan ang isasagot mo sa akin kung bakit mo ako iniwan? Kung bakit ka nakipaghiwalay sa akin?!"
“Importante pa ba na malaman mo kung bakit kita iniwan noon?” Hindi ako makapaniwala sa sinasabi n’ya ngayon sa akin. Wala akong maramdaman kundi galit at kirot ngayon dahil sa mga pinagsasabi n’ya. Paano n'ya nagagawa sa'kin 'to?! After those months, ngayon lang ako nagkaroon ng lakas na humingi ng closure tapos iyon ang isasagot n'ya sa akin?! Itatanong n’ya sa akin kung importante pa ba ‘yon? Of course it’s important!
"Oo! Importante ‘yon!” Malakas na sigaw ko sa kanya.
“Alam mo ba kung bakit kita tinatanong? Dahil gusto ko ng matapos na Jaz! Gusto ko ng matapos yung pagtatanong ko sa sarili ko kung bakit mo ako nagawang iwan at saktan! Tapos iyan ang isasagot mo sa akin?! Hindi mo alam!" Dahil hanggang ngayon, hindi pa rin ako nakakausad. Tumigil ako ng iwan mo ako. At ang tanging paraan para makausad ulit ako ay iyong tuldukan ang lahat.”
Gusto ko s'ya sampalin pero pinigilan ko ang sarili ko. Pumikit na lamang ako ng mariin at saka huminga ng malalim bago muling tumingin sa kanya. Hindi na ako nag-aksaya ng oras pa na pagmasdan ang mukha n'ya.
“Gusto mo malaman ang totoo?”
Nanatili lang akong nakatitig sa kanya habang hinihintay ang kanyang sagot. “All good things come to an end. As do all bad things Skye.”
Napatahimik ako habang unti-unting nararamdaman ang pagkirot ng aking dibdib. Nagkunwari akong hindi nasaktan sa sinabi n’ya at saka naglakas ng loob na umiling. Huminga ako ng malalim bago tumingin sa kanya.
"I want a closure Jaz, a proper closure."
Alam ko na alam n'ya kung bakit ko ito ginagawa sa kanya. Gusto ko na matapos 'to. I want to end this properly at alam kong alam n'ya 'yon. Inilahad ko ang kamay ko bilang bagong simula ulit sa amin dalawa. Hindi naman kasi kami pupwede na maging estranghero sa isa't isa dahil kahit baliktarin mo man ang mundo ay may nakaraan na kami.
Umiling s'ya sa akin at saka lumapit. Inilapit n'ya ang mukha n'ya sa akin na halos ikinasabog ng puso ko at saka ako hinalikan sa may pisnge.
"Sorry. But i can't give what you want."
***
“UGH! ERIN! He’s the most selfish jerk i ever known but i didn’t knew that he can be so selfish! Closure lang naman ang hinihingi ko! It’s just a simple closure tapos ang sasabihin n’ya sa akin? Hindi n’ya maibibigay?! Bakit?! Gano’n na ba kahirap magbigay ng closure ngayon ha?!”
Hindi ko talaga maintindihan. Bakit hindi n’ya maibigay ‘yon? Isang taon na. Hindi ba dapat tinatapos na namin ang dapat tapusin? Para okay na pero eto s’ya, hindi binibigay ang gusto ko. Matagal na dapat ‘to e! Overdue na nga!
“Baka naman kasi mahal ka pa.” Umirap ako. Imposible ang sinasabi n’ya. Kung mahal n’ya ako, bakit n’ya ako iiiwanan? Bakit n’ya ako ipagpapalit sa iba? Bakit n’ya ako sasaktan ng gano’n?
“Ay nako Erin. Ang sabihin mo, isa’t kalahating gago talaga yang kaibigan mo.” Umiling-iling ako at ibinaling ang tingin sa magandang tanawin. Nasa isang lugar kami sa Batangas ngayon para sa taping. Kanina pa kami rito at balak namin manatili dito ng dalawa hanggang tatlong araw.
Iniwan muna ako ni Erin sandali para maglibot-libot sa lugar habang ako ay nanatili lang sa cottage. Kinuha ko ang script kay Erin at binasa ulit iyon para hindi na ako mahirapan mamaya. Inopen ko ang wifi ko at tsinek agad ang social accounts na mayroon ako. My notifications got bombared by heart reactions of fans on Twitter.
Kumunot ang noo ko. Anong meron at sumabog ang notif ko sa heart reactions? Pinindot ko ang link at dinala ako sa candid shot namin ni Jasper. Hindi ko alam kung kailan n'ya ito kinuha pero ngayon lamang ito dahil kakaupload lang ni Erin nito few minutes ago. Nakatingin ako sa ibang direksyon habang s'ya ay nakatingin sa akin. Hindi ko na inabala ang sarili ko na basahin ang caption ni Erin at sinave ko na lang iyon sa gallery ko.Isasara ko na sana ang twitter ko nang may makakuha ng atensyon ko.
"Happy birthday to Jasper Cy. @SkyeChen #TeamSkyPer forever."
Bahagya pa kumunot ang noo ko sa nabasa ko at saka tinignan ang kalendaryo. Mabilis na kumabog ang puso ko sa aking nabasa. It's his birthday. Paano ko nagawang kalimutan 'yon? Pero hindi na naman kami kagaya ng dati kaya bakit pa ako magrereklamo na nakalimutan ko 'yon? Hindi magtatagal ay makakalimutan ko na rin iyong ibang mga bagay na may kinalaman s'ya. Sinarado ko na ang wifi at itinabi ang cellphone pero hindi pa rin mawala-wala ang guilt sa dibdib ko. Bakit ba kasi ako naguguilty? Wala naman masama kung hindi ko s’ya batiin. Hindi ginagawa ng dating magkarelasyon ang bumati ng happy birthday kasi may boundaries na. May hangganan kung saan ka lang pwede.
Pero magkaibigan kayo. Malakas na sigaw ng aking isipan.
Fine!
Huminga ako ng malalim at kinuha muli ang phone sa pinagtaguan. I should greet him. Sa social media lang naman at hindi sa personal. Our fans will be happy if they will see our fanservice on social media. Erin greet him too on social media kaya wala naman sigurong masama kung babatiin ko rin s'ya hindi ba? Nagsimula ako magtipa ng mensahe sa twitter na nakatag sa kanya habang bumababa ng hagdanan.
“Happy Birthday Jasper Cy @jaspercy”
Hindi ko alam kung ilang beses ko pinag-isipan ang mga salitang yan. Masyadong mahahalata kung mahaba so i just made it simple. Simple greeting won't hurt right?
Agad ako nakatanggap ng libong retweets at reply sa mga fans namin. May mga nagheart pa sa pagbati ko sa kanya. Parang nagsisisi na tuloy ako na binati ko pa s’ya. Some fans are requesting a picture of us dahil nga alam nilang magkasama kami dahil gumagawa kami ng drama. At alam ko na hindi ko magagawa 'yon. Kailan ba ang huling beses na kumuha kami ng letrato na kaming dalawa? Siguro noong mag-asawa pa kami. Nangako kami na pupunuin namin ang kwarto ng mga letrato namin but i guess, it will be just one of those broken promises from now on.
“Skye! Bumaba ka nga dito sandali.” Ani Erin nang matanaw ko s’ya sa ibaba. Tanaw rin ang malaking swimming pool dito sa Terrace sa cottage. Bahagyang kumunot ang noo ko sa gusto n’ya pero bumaba rin ako doon at pinuntahan si Erin.
"Jasper at Skye. Pumwesto nga kayo dyan." Pinapapwesto n'ya kami sa may harap ng swimming pool. Hindi ako gumalaw kaya si Erin na mismo ang humila sa akin papunta sa tabi ni Jaz. Kinuha naman sa akin ni Erin ang cellphone ko at inilagay iyon sa lamesa para hindi ito mabasa.
"Umupo kayo tapos dapat nakalublob ang paa n'yo dalawa sa tubig." Bumuntong hininga ako at ginawa ang gusto ni Erin. Sinimulan na n’ya kami kuhaan ng picture ng magkasama.
"Dapat nakaharap kayo sa isa't isa. Yung parang magcoconfess." Kumabog ang puso ko pero pilit ko ipinagsawalang bahala iyon. I tried to smile because people are looking on us. Humarap ako kay Jasper kahit na hirap na hirap akong gawin iyon. Ang kabog ng dibdib ko ay unti-unti ng lumalakas nang hawakan ni Jaz ang kamay ko at bahagyang tumingin ng deretso sa aking mata. Umawang ang labi ko sa ginawa n'yang ‘yon habang hinahayaan ang sarili na magpakalunod sa mga tingin n'ya na alam kong pagsisihan ko rin sa bandang huli.
"Very good! Isang shot pa. Iba naman na pose."
"Kunyare inlove kayo sa isa't isa yung gawin n'yo na pose.”
Nagkatinginan kami ni Jaz sa sinabi ni Erin. Gustuhin ko man magreklamo ay hindi na lamang ako nagsalita. Kakalbuhin ko na lang itong babae na 'to mamaya pagkatapos ng mga kalokohan na pinaggagawa n'ya sa amin lalo na sa akin.
"Sige na. Para naman 'to sa mga fans." Pagpilit sa amin ni Erin nang mapansin n’ya na walang kumikilos sa amin dalawa. Eh sino ba naman ang kikilos sa ganitong pagkakataon?!
“A little fanservice won’t hurt right?" Napailing na lang ako. Kakalbulhin ko talaga ‘to e! Halata naman na nag-aala Cupid s’ya sa amin dalawa at hindi nakakatuwa ang bagay na ‘yon! I swear!
Ngumisi pa ito sa akin na lalong ikinairap ko, hindi pa s’ya nakuntento dahil nakuha pa nito na humalakhak ng mahina na para bang nagugustuhan ang mga kalokohan n’ya sa akin.
Napatili naman ako nang hilahin ako ni Jasper papunta sa tubig. Sa gulat ko ay napahawak tuloy ako sa kanya dahil sa sobrang kaba na naramdaman ko. Halos hindi ko na maramdaman ang lamig ng tubig na lumapat sa aking balat. Gusto ko s’ya sigawan pero agad akong napatahimik dahil sa simpleng paghapit n’ya sa aking bewang at nakakapanlambot na tingin sa akin. I was caught offguard! Kung alam ko lang na tinginan pala ang labanan, dapat ay nauna na ako!
“Ang ganda ng pose n’yo dyan ha?”
Hindi ko magawang makapagsalita dahil nagulat pa rin ako sa ginawa n’ya. Lahat ng gusto ko sabihin sa kanya ay tila naglaho na parang bula. Idagdag pa na malapit kami sa isa’t isa.
"Did i scare you?" Naramdaman ko ang lalo n'ya paghapit sa aking bewang dahilan para lalong hindi ako makapagsalita. Nakapatong ang magkabilang braso ko sa kanyang balikat habang nakatingin ng diretso sa kanya. Tanging pagtango na lang ang nagawa ko bilang sagot at saka umiwas ng tingin. Ayoko na tumingin sa mata n'ya dahil baka makalimutan ko na naman ang pangako ko sa sarili ko. I'm drawing a line between us at ang pagtingin sa kanyang mata ay lalo lamang hindi makakatulong.
"Skye." Inangat n’ya ang aking mukha para matitigan n’ya ako ng maayos na ikinagulat ko.
Nanlalaki ang mata kong nakatitig sa kanya ng unti-unti kong maramdaman ang ginawang pagyakap n’ya sa akin.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo Jasper Cy?"
"Hugging you?" Bahagyang naningkit ang mata ko. Pinilit kong alisin ang kamay n'ya sa bewang ko na hindi man lang tumitingin ng diretso sa mata n’ya.
"Marunong ako lumangoy." Umirap ako. Pilit ko pa rin inaalis ang kamay n'ya sa bewang ko dahil kumakabog na naman ang puso ko ng malakas pero sadyang matigas talaga ang ulo ng mokong na 'to. Tinigan ko s’ya ng masama nang bigla naman n’ya ako binitawan ng walang pasabi. Ramdam ko ang sarili ko na lumulubog kaya nataranta ako! What the hell! Naghanap ako ng makakapitan kaya lalong lumala ang kaba sa dibdib ko.
Kumalma ako ng kaonti nang maramdaman ko ang mga braso n’ya na humawak sa aking bewang at inangat ako pataas.
"Akala ko ba marunong ka lumangoy?"
Hindi ako nagsalita pero sinamaan ko s’ya ng tingin. Kabado pa rin ako ngunit nabawasan na. Nanatili pa rin akong nakayakap sa kanya. Yinakap n'ya na ako pabalik ng mas mahigpit at hindi na ulit pinakawalan ng sandaling magkadikit ang katawan namin sa isa’t isa bago inilapit ang kanyang mukha sa akin. Hindi na naman ako nakakilos sa ginawa n’ya.
"L-Lumayo ka nga!"
"Bakit naman ako lalayo?" Sumimangot ako. Tinawanan naman ako ng mokong. Anong nakakatawa? Nakakatawa ba na walang tigil sa pagkabog ang puso ko?
"Naalibadbaran ako sa mukha mo."
"Talaga?" Inirapan ko s'ya pero hindi n'ya pa rin ako pinansin. Lalo pa n’ya inilapit ang mukha sa akin at saka ako muling tinitigan. Inirapan ko s’yang muli na nagpailing sa kanya. Sumimangot ako dahilan para humalakhak s’ya sa akin.
"Thanks for greeting me a happy birthday and let me spend a few minutes with you Skye. This is the best birthday i ever had.”