Chapter Two

3633 Words
  Chapter Two     NAPAINOM ako ng tubig dahil sa usapan nila. Gusto ko magreklamo at umatras sa proyekto na ‘to dahil nararamdaman ko na hindi ko magagawa ang trabaho ko ng maayos. Gusto ko na tuloy magsisi na tinanggap ko pa ang proyekto na ‘to. Sana pala, inalam ko muna bago ako pumayag. Umiling na lang ako at nanatiling tahimik. Sinubukan ko na making sa usapan nila pero hindi ako makaconcentrate dahil sa maiiniti na titig ni Jasper na ipinupukol n’ya ngayon sa akin. Buong akala ko, hindi ko na makikita ang pagmumukha n’ya maliban sa pag-uwi sa bahay pero tignan mo nga naman, mukhang pinaglalaruan talaga ako ng tadhana dahil hanggang dito ay makakasama ko pa s’ya.   Wala na talaga akong maintindihan sa sinasabi ni Direk tungkol sa taping dahil busy ako sa pagpatay sa kanya sa utak ko. Ang tanging alam ko lang ngayon ay humanap ng paraan para makawala sa set-up na 'to. Malamang sa malamang ay kinutsaba nila Erin itong lalakeng ‘to. Tss. Hindi ko rin naman kasi maintindihan kung ano ang naisipan ni Jasper para pumayag sa ganitong project. Malamang ay nasabihan na rin s'ya ni Ate Renesmee tungkol dito na pupwede n'ya ako makatrabaho.   Alam ko naman na sikreto lang ang naging pagpapakasal namin at ganoon rin ang paghihiwalay namin kaya akala ng lahat ay single si Jasper noon pero hindi pa rin ito tama! Iilan lang ang taong nakakaalam ang tunay na estado ng relasyon namin hanggang ngayon dahil ayaw namin ng gulo. Even his girlfriend knew about this! Kaya bakit nakuhang pumayag ni Jasper dito?! Ano ba talaga ang gusto n'ya palabasin? Does Shine knew about this? Hindi ba n'ya naisip na pupwede nila pag-awayan ito ni Shine? Ano na lang ang iisipin ng mga tao sa amin? Ni wala pa nga kaming mahigit sa isang taon na magkahiwalay tapos magkakasama na naman kami sa ganitong project? At magkaloveteam pa talaga? Inis akong umirap sa kanilang lahat. Wala na akong pakielam kung may makakita man sa akin na panay ang irap. Sino ba naman ang hindi mapapairap sa sitwasyon na mayroon ako? Sinet-up ako ng kaibigan ko sa dati kong asawa! Wala tuloy akong magawa ngayon kundi kimkimin ang inis na nararamdaman ko ngayon at manatili lamang kalmado. Hindi naman na ako pupwede umatras kahit gusto ko dahil nakapirma na ako ng kontrata. Malaki ang babayaran ko sa oras na umatras ako. At isa pa, alam ko na kung ano ang sasabihin sa akin ng hinayupak na lalakeng ‘to na nasa harap ko ngayon sa oras na umayaw ako. Tsk.   Hindi ko nga alam kung anong pumasok sa kokote nitong si Erin at talagang pinagtambal kami. Sigurado ako na alam na n’ya ‘to bago pa ibigay sa akin ang kontrata ng Movie. Balak ba n'ya talaga gumawa ng gulo? Or maybe that jerk asked her about this na alam kong imposible. Wala akong nakikitang dahilan para kutsabahin n’ya si Erin na makasama ako, ganoon rin si Erin dahil alam n’ya na mas gugustuhin ko na lang na iba ang makasama sa proyektong ito basta huwag lang si Jasper, pero tignan mo nga naman. Sa dinami-rami ng entertainment dito sa Pilipinas, sa Cy Entertainment pa talaga galing ang makakasama ko.   “Wala munang uuwi, let’s celebrate for our new project.” Sabi ni Direk sa amin lahat.   So ano naman ang icecelebrate ko?   Ang muling pagsasama naming ng dati kong pinakasalan sa iisang movie?  The fvck.   Sabay-sabay kaming pumunta sa Parking lot. Nagsimula na sila magkasundo kung sino ang sasakay. Nanatili lang akong tahimik sa isang sulok dahil hindi ko na nagugustuhan ang nangyayari ngayong araw na ‘to. Dahil nga marami kami, ay kailangan sumakay iyong iba sa sasakyan. Nagkataon naman na nakasakay na silang lahat sa loob ng sasakyan at ako na lang at si Jasper ang naiwan.What the heck?! Ang alam ko ay dapat kasya kaming lahat sa Van!   "Kay Jasper ka na sumakay Skye." Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni Erin. Pati ba naman dito?! Lumingon ako kay Jasper para tulungan ako na tutulan ang sinabi ni Erin na sumabay ako sa kanya, nilakihan ko pa s’ya ng mata pero ang mokong, nanatili lang na walang reaksyon at hindi man lang nagsasalita.  Bakit hindi s’ya nagsasalita?! Bumaling ako ng tingin kay Erin.   "Oo nga Skye. Doon ka na lang muna kay Jasper sumakay tutal masikip na dito. Malapit lang naman ang Videoke Bar na pupuntahan natin. I'm sure hindi ka papabayaan ng alaga ko." Wala na akong nagawa kundi manatili dito dahil naisara na ni Erin ang pintuan ng sasakyan at pinaharurot iyon kung kaya't naiwan ako dito sa Parking lot kasama si Jasper na nakatingin ngayon sa akin. My ghad! I can't believed this! Paano nila ako nagagawang iwan kay Jaz ng ganito?! Napabuga ako sa hangin at saka nagawang lumingon sa kanya.   "Magcocommute na lang ako." Hinawakan n'ya ako sa braso bago pa ako nakaalis sa kinatatayuan ko. Pilit kong tinanggal ang pagkakahawak n'ya sa akin pero balewala. Unti-unting nanghihina ang tuhod ko. Unti-unti rin akong nawawalan ng lakas sa pagtanggal ko ng kamay n'ya sa aking kamay kung kaya't ibinuhos ko na lang iyon sa boses ko.   "Magcocommute na nga lang sabi ako!"   Ugh! I'm gonna kill Erin for this! Hindi ba n'ya alam na hanggang ngayon ay may maliliit pa rin na paru-paro na lumilipad sa aking tiyan sa tuwing kaharap ko si Jasper at kahit hanggang ngayon ay nandoon pa rin iyong epekto na 'yon at ayaw ko na iyon palalain pa! Damn Erin! Sasakalin talaga kita kapag naabutan kita!   I knew Erin was trying to play cupid for me and Jasper and i never liked that idea! Marami ng nagbago sa isang taon na magkahiwalay kami. At isa pa, ikakasal na si Shine at si Jasper at wala akong balak makasira ng relasyon.   "As if i'll let you."Pinaningkitan n’ya ako ng mata. Nakuha pa n’ya ako lapitan ng husto na ikinagulat ko. What the hell?!   "What the hell are you doing?!" Ang tindi tuloy ng pagkabog ng aking puso dahil sa mga pinaggagawa n'ya. Binaha na naman ng husto ng kaba ang aking dibdib. Para saan ba iyon? Ano ba talaga ang gusto n’ya palabasin? Sinusubukan ba n'ya alamin kung may nararamdaman pa rin ba ako sa kanya dahil kung iyon lang rin pala ay ako na mismo magsasabi sa kanya na wala na. Matagal ko ng pinatay ang pag-asa na baka pupwede pa kami bumalik sa dati simula noong gabing ‘yon. Naging sunod-sunod ang mga katanungan na pumasok sa aking utak na lalo lamang nagpagulo sa akin. Para na nga akong mababaliw dahil sa mga naiisip ko. Tumingin ako kay Jasper at nagkibit-balikat lang ito sa akin na para bang wala lang sa kanya ang nangyayari. Tinignan n’ya ako sa mata bago magsalita.   "I'm not doing anything wrong." Nalaglag ang aking panga sa aking narinig. Wala raw s'ya ginagawang masama?! Kung ganoon pala ay hindi pala masama itong ginagawa n'ya sa akin?! Hindi pala masama ang ginagawa n'ya na panloloko kay Shine! Hindi talaga ako makapaniwala! Ano na lang ang iisipin ng magaling n'ya na fiancee! Ayoko na ulit pa magkaroon ng pangalawang eskandalo sa buhay ko. Pumikit ako ng mariin at saka pinigilan ang sarili sa kung ano ang pupwede na masabi ko. Wala naman na akong pakielam sa kanya. He can do whatever he wants on his life.   "Just let me commute Jaz." He's very stubborn kung kaya't alam ko na ang gusto n'ya pa rin ang masusunod but i won't let myself to ride on his car! Over my dead body!  Iyong pagtira pa nga lang sa bahay n'ya ay halos ikagulo na ng sistema ko, paano pa kaya 'yan? Ni hindi nga ako makatagal na kasama s’ya ng isang oras sa bahay tapos sa sasakyan pa?   Tumaas ang kanyang kilay sa akin. "Bakit ba ayaw mo sumabay sa akin?" Oo nga naman. Ano ba ang meron at ayaw ko sumabay sa kanya? I know that he won't accept some lame excuses. He'll dig deeper hanggang sa makuha n'ya ang gusto n'yang sagot and i won't give him the satisfaction that he wanted from me.   "Are you still inlove with me?" Nalaglag ang aking panga sa kahuli-hulihan n'ya na tanong sa akin, kasabay rin no'n ang matinding kirot sa aking puso. Gustong-gusto ko s'ya murahin, pagsasampalin at hampasin ng ilang beses para makuha pang itanong sa akin ang bagay na iyan ngayon. Sino ang nagbigay ng karapatan sa kanya na itanong sa akin ang bagay na matagal ko ng ibinaon sa limot? Saan s'ya nakakuha ng kapal ng mukha para lang itanong sa akin ang bagay na walang ginawa kundi saktan at paluhain ako? At sino ang nagbigay sa kanya ng walang kwentang tanong at karapatan na para bang ipinamumukha sa akin na hanggang ngayon ay s'ya pa rin ang laman nito na hindi naman na dapat?   Tumawa ako ng pagak at saka s'ya matalim na tinignan. Naninikip ang aking dibdib habang unti-unting napupuno ng galit at kirot ang aking puso dahil sa mga sinasabi n'ya ngayon sa akin. Parang isang bagsakan bumalik sa akin ang masasayang alaala na agad rin napalitan ng masasakit na halos ibaon ko na sa lupa. "I'm not stupid to stay inlove with you Jaz." Ngumisi s'ya pero may bahid na galit ang kanyang mata na nag-iwan ng kaonting kirot sa aking puso.   "That's good to hear.”         ***   KASALUKUYAN akong nasa sasakyan ni Jaz ngayon papunta doon sa sinasabi nilang Videoke. Walang nagsasalita sa amin buong byahe. Nakatingin lang ako sa may bintana at pinagmamasdan ang paligid. Tanging kanta lang sa radyo ang nagsisilbing ingay sa amin dalawa. Ang nakakainis pa, patindi ng patindi na naman ang kabog ng puso ko sa bawat minutong lumilipas na kasama ko si Jaz.   Sa totoo nga lang, gustong-gusto ko na makaalis dito. Hindi ako kumportable na kasama s'ya, kahit na isang taon na ang nakakalipas simula nang maghiwalay kami. Ni hindi ko nga alam kung paano ako makakasurvive ngayong nagkasundo kami na magsama sa iisang bubong. Napapag-isipan ko na nga na umalis na lang sa bahay na ‘yon at humanap ng ibang matitirhan pero sa sitwasyon na mayroon ako ngayon? Mukhang malabo. Kung pupwede nga lang rin na bumalik ako sa mansion para matahimik na ulit ang buhay ko ay matagal ko ng ginawa, kaso nga lang mas gugustuhin ko na tumira kasama ang dati kong asawa kesa sa makasal sa taong hindi ko naman kilala.   "We're here." Nagmadali akong tanggalin ang seatbelt at saka binuksan ang pintuan. Huminga ako ng malalim at palihim na napapikit habang pinapakalma ang puso. Napasinghap naman ako nang lumingon ako sa kanya at mahuli ito na nakatingin sa akin. Agad akong umiwas ng tingin at saka nagkunwaring inayos ang bag ko bago nagawang tumalikod para hindi na s'ya makita.Narinig ko ang pagbuntong-hininga n'ya bago muling magsalita.   "Let's go.” Nauna s'ya pumasok sa loob kaya mabilis akong sumunod sa kanya. Nasa ikatlong palapag sila kaya kailangan pa namin na umakyat sa itaas. Naghahanap ako ng elevator pero tanging hagdanan lang ang nakikita ko.   "Wala silang elevator dito." Hindi ko pinansin ang sinabi n’ya. Bakit?Bakit wala silang elevator dito?! Kung kailan naman nanakit na ang paa ko dahil sa pagsusuot ng high heels, tsaka pa sila wala. At bakit ba napakamalas ko ngayong araw?   "Tanggalin mo na lang yung sapatos mo kung nahihirapan ka." Bahagya s'ya nakatalikod sa akin. Nakatungtong na rin ang kanan paa n'ya sa unang baitang ng hagdanan habang ako ay nakatigil sa may likuran n'ya.   Muli kong hindi pinansin ang sinabi n’ya pero hinubad ko pa rin ang suot kong sapatos. Napangiwi naman ako nang makita ko ang sugat sa aking paa. Saka ko na lang siguro gagamutin ang sugat ko kapag nasa bahay na kami. May band-aid naman siguro roon.   Napatigil ako nang bigla na lamang umupo si Jaz sa hagdanan sa aking harapan. May kinuha s’ya na kung ano sa kanyang bulsa at saka inabot at itinaas ang paa ko para lagyan ng band-aid na hawak n’ya. Napahawak tuloy ako sa may balikat n'ya dahil sa takot na mawalan ng balance, idagdag mo pa ang lumalakas na kabog ng puso ko sa bawat haplos n'ya sa aking paa. Halos hindi na nga na naman ako makahinga dahil sa ginawa n'ya at pilit ko na naman pinapakalma ang puso ko dahil nagsisimula na naman ito magwala pero balewala.   Inangat n’ya ang tingin sa akin dahilan para mapatitig ako sa kanya. Itinikom ko naman ang aking bibig na bahagyang nakaawang kanina pa bago tuluyan umiwas ng tingin sa kanya. Tumayo na s'ya matapos tuluyan lagyan ng band-aid ang paa ko at saka lumingon ulit sa akin.   "Skye." Hindi ako nagsalita pero ibinalik ko ang tingin sa kanya habang pinapakiramdaman ang matinding pagkabog ng puso ko na dulot ng ginawa n’ya. Nagulantang pa nga  ako dahil hinawakan n'ya ako sa balikat.   "Breath." Ilang beses ako napakurap para lang magsink-in ang sinabi n’ya sa akin. Nang mapagtanto ko na kung ano ang sinasabi n’ya at saka kung gaano kalapit ang mukha namin sa isa’t isa ay saka ako kumilos ng mabilis. Agad kong inalis ang pagkakahawak n’ya sa aking balikat at nauna na sa kanya.   Ghad Skye! Ano bang iniisip mo?! You're not inlove with him anymore okay?!   Iniwan ko si Jasper at mabilis na hinanap ang kuwarto kung nasaan sila. Naabutan ko sila Erin na kumakanta. Si Direk Wenn naman ay nakikipag-inuman sa mga crew. Iyong iba naman ay nakikipagcheer kay Erin. Maging si Drake ay nandito na rin at nahuli ko pang pinagmamasdan si Erin. Napangisi na lang ako sa aking isipan. Hanggang kailan ba balak ni Drake na titigan si Erin? Alam ko na mahigpit na ipinagbabawal na magkaroon ng relasyon ang isang actress o actor at ang mismong manager na humahawak sa kanya pero sino ba may sabi na hindi sila pupwede sumuway at ipaglaban 'yon?   Kinuha ko ang maikling pagkakataon para sipatin ang buong lugar. Kulay pula at itim ang interior ng kuwarto. May mahabang upuan na paletrang L na kulay itim. May malaking center table na puno ng mga bote ng alak at chichirya na pulutan. May malaki rin flatscreen na TV sa dulo at dalawang hanging speaker sa magkabilang side.   "Nandyan na pala kayo, kanina pa namin kayo hinihintay." Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Direk. Seriously? Saan ba nila kami akala pupunta? Pinagmasdan ko silang lahat. Napangiwi ako ng makita na bahagyang namumula na ang kani-kanilang pisnge at namumungay na ang mata. Damn. Sino ang mag-uuwi sa kanila kung lahat sila ay lasing?   "Skye." Tumingin ako kay Direk. Ngumuso s'ya na ikinataas ng kilay ko. Medyo nagsisimula na maging pulado ang pisnge n'ya. Gaano na ba karami ang nainom nila? Muli s'ya ngumuso na parang tinuturo ang likuran ko kaya lumingon ako para makita kung ano iyong tinuturo ni Direk nang bumungad naman sa akin ang muka ni Jaz na malapit sa akin.   "Oops. Sorry." Umatras si Jaz habang nanlalaki pa rin ang mata ko sa ginawa ni Direk. Rinig ko na nagtawanan ang ibang crews dahil sa nangyari. Maging si Drake at Erin ay napalingon at nakatingin na sa amin ngayon na may mapaglarong ngisi sa kani-kanilang labi. Napayuko ako at tahimik na tumabi sa pinakadulong upuan habang pinapakalma ang nagwawala kong puso. Kalma lang Skye! Hindi nila alam ang tunay na relasyon n’yo ni Jasper noon! Tanging si Erin, at Drake lang!   Pinilit nila ako kumanta pero hindi ako pumayag. Paulit-ulit akong umiiling sa kanila sa tuwing yinayaya nila ako na kumanta. Pinilit rin nila si Jaz na sa huli ay napapayag na rin nila. Napailing ako. Matagal-tagal na rin noong huli ko s'ya narinig na kumanta. We we're on college that time at may banda sila ni Drake. S'ya iyong vocalista at si Drake naman iyong nag-gigitara. Apat sila sa banda. Si Andrei at Tristan iyong dalawa pa na miyembro ng banda. Umatend sila ng kasal naming noon ni Jasper. Sila pa nga ang kumanta sa kasal.   Napatingin ako sa screen pagkarinig na pagkarinig ko noong tugtog. Nakakatawa dahil nakuha ko pa tumingin sa kanya, pero ang mas ikinagulat ko ay ang makita s’ya na nakatingin sa akin kaya ako naman ang napaiwas ng tingin.Napainom ako ng alak habang pinapakinggan ang tugtog. Hindi na ulit ako lumingon pa kay Jasper at sinubukan na lang na ituon ang atensyon sa iba. Parang nagsisisi na tuloy ako na pumayag pa ako na sumama ditto dahil sa ginagawa ni Erin na paglalapit sa akin kay Jasper.   “Ui! Diba kanta mo yan Skye noong college?" Damn. Bestfriend ko ba talaga si Erin?!   I built my walls up high But now they're falling and you're the reason why And with you I'm not alone Cause you are the one I've waited for   Nagsimula na kantahin ni Jaz ang unang stanza. Maging ako na kahit ayaw kumanta ay napapakanta sa aking isipan.   But my heart's been locked away I hid inside just so I'd feel safe I'll give in, won't be afraid Cause you are the one I've waited for   “Oo Direk. Idol na idol ni Skye si Austin e. Gwapings daw kasi. May kinantahan pa nga s’ya n’yan e.’’ Natatawang sabi ni Erin kay Direk bago tumingin kay Jasper.   "Really? Kanino mo kinanta yan Skye?" Napaawang ang labi ko at saka itinikom ang bibig para ngumiti ng tipid habang nakatingin kay Direk. Si Erin naman ay pinipigilan ang paghalakhak kung kaya't sinamaan ko s'ya ng tingin. Napalingon naman s'ya sa katabi n'ya na si Drake kaya ang ngiti sa labi na kanina ay biglang naglaho na parang bula. Umatras s’ya at hindi na muling tinapunan ng tingin si Drake. Quarrel huh?   With this love, this love, this love With this love, this love, this love I've been searching so long for a feeling like this Cause you are the one I've waited for Girl you are the one I've waited for   Binigay sa akin ni Direk yung isang mikropono. Umiling ako pero sadyang mapilit sila.   I said when the time is right I'll meet that someone that'll make me shine And right now that time has come Cause you are the one I've waited for   "Sabayan mo na kasi." Pilit sa akin ni Erin. Lumingon naman si Jaz sa akin na kumakanta pa rin at tila hinihintay ako. Siniko ako ni Erin na parang kinikilig pa dahil sa ginawang paglingon sa akin ni Jasper.   I guess you have waited too To fall in love with someone that's true, yeah So tonight, don't let it go Cause you are the one I've waited for   Maging ang crews ay nakisali na rin sa pagpilit sa akin, kaya napilitan ako na tumayo at saka kinuha ang mikropono.   With this love, this love, this love With this love, this love, this love I've been searching so long for a feeling like this Cause you are the one I've waited for Girl you are the one I've waited for   Sinabayan ko ang kanta katulad ng gusto nila mangyari. Nakatingin lang ako sa screen. Hiyawan naman sila ng hiyawan kung kaya't napapailing na lang ako. Maging si Jaz ay ganoon rin. "Mabuhay ang bagong loveteam!" Sigaw ni Direk   ."SkyPer forever!" Sigaw ni Erin at saka sila nagsihiyawan at nagtawanan.   "Isang holding hands naman dyan." Nanlaki ang mata ko sa sinabi nung isa sa mga crew. Hindi ko alam kung bakit tila gusto ng mga tao ngayon dito sa harap ko ang asarin ako o sadyang pinagtitripan lang ako ng tadhana at ganito ang nangyayari sa akin?! Dumako ang tingin ko kay Erin na nakangisi. Ayoko isipin pero mukhang kinutsaba ni Erin ang lahat ng mga tao rito para asarin ako. Wala sa sariling nagkatinginan kami ni Jasper habang hawak-hawak ang aking kamay. Lumakas ang t***k ng aking puso ng pagsalukupin n’ya ang kamay naming dalawa.   Dammit! Ano ba sa tingin mo ang ginagawa mo Jasper Cy?!   "Ayun oh." Natatawang sabi ni Direk. Si Erin at si Drake ay hindi alam kung ano ang irereak. Hindi siguro nila inaasahan na gagawin ni Jaz ang gusto nila. Kinagat ko ang ibabang labi ko at lihim na napayukom.   And will you believe? I can be all you need I won't ever leave It may be you and me for eternity Cause you are the one I've waited for   Iniharap n’ya ako sa kanya at saka tinitigan sa mata, sinasabayan ang kanta habang ako ay nanginginig. Hindi pa s'ya nakuntento dahil ngumiti s'ya sa akin sa kabila ng masamang tingin na ipinupukol ko sa kanya. Wala tuloy akong magawa kundi magkunwari na walang pakielam at isipin na trabaho lamang ito kahit na nagsisimula na ako mainis. Bakit ba kasi kailangan pa ako titigan?! Ni hindi ko magawang makakilos! Para pa nga akong naestatwa nang ilapit pa n’ya lalo ang mukha sa akin na ikinagulat ko. Ano ba ang ginagawa n’ya?!   With this love, this love, this love With this love, this love, this love I've been searching so long for a feeling like this Cause you are the one I've waited for Girl you are the one I've waited for   Ibinaling ko ang atensyon sa magkahawak pa rin na kamay naming dalawa bago ako muling nag-angat ng tingin sa kanya. Umatras pa ako ng kaonti dahil pakiramdam ko ay sobrang sikip ng paligid dahil malapit s’ya sa akin. Nakailang hinga pa nga ako ng malalim bago magawan tumingin sa kanya at sigurado akong nahalata n’ya ‘yon. Para na naman akong naestatwa ng iangat n’ya ang mukha ko na parang wala lang iyong ginawa n’ya. Yeah right! This is just a fanservice! Kailangan nga pala naming mapaniwala ang mga fans na inlove pa rin kami sa isa’t isa kahit na ang totoo ay one sided na lang ngayon.   Girl you are the one I've waited for Yeah, you are the one I've waited for   Pero nakakainis dahil kahit anong paalala ko sa sarili ko na trabaho lang ito, hindi ko pa rin maiwasan na malito sa ginagawa n’ya. Awtomatikong umawang  na naman ang labi ko dahil sa pagkakatitig n'ya sa akin pagkatapos n'ya sabihin ang huling linya ng kanta. Lalo pa lumala ang kabog ng dibdib ko ng ulitin n'ya iyong huling linya na hindi man lang inaalis ang tingin sa akin.   "You are the one I've waited for.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD