Chapter One

959 Words
Chapter One     “ANG AGA-AGA, nakasimangot ka." Ani Erin.   "Sinong hindi sisimangot? Tss. Kung alam ko lang na mangyayare 'yon, hindi na sana ako nagpalipas ng gabi do'n!"Napilitan ako magpalipas ng gabi sa dati kong bahay dahil umulan ng malakas. Kaya lang naman ako pumunta doon ay para alamin kung sino ang buyer pero nagkamali ako. Hindi ko na dapat 'yon ginawa. Pero ayun nga, kung alam ko lang na may kapalit ang pagtulog ko sa bahay na 'yon, naghanap na lang sana ako ng hotel kahit na bumabagyo.   Tss! Bakit ba ang malas ko sa mga ganito?   "So doon ka na talaga titira sa bahay na 'yon? Kasama si Jasper?" Hindi ako umimik at sumimangot na lang ulit. Sa tuwing naaalala ko kung paano n'ya ako nablack-mail ay naiinis lang ako lalo! At ako naman itong si shunga, pumayag ako sa kagustuhan ng lalakeng 'yon!   Ghad! I can't believe this! It's been 1 year since we got separated pero ganito pa rin ako sa kanya! Ugh!   Nasa istasyon ako ngayon para sa isang photoshoot ng Vogue Magazine. Hindi pa nagsisimula yung photoshoot dahil wala pa yung photographer at yung magiging kasama ko for this photoshoot. 1 day photoshoot lang 'to dahil balik na ulit ako sa taping bukas. Bukas kasi magsisimula yung taping ng bagong drama kung saan ako yung leading lady. Hindi pa nadidiscuss sa'kin ni Erin ang buong detalye at ganoon rin ang direktor ng drama, pero nabasa ko na iyong script at nagandahan ako kaya tinanggap ko kaagad. Pagkatapos nitong photoshoot ididiscuss iyong tungkol sa drama at kung sino ang makakasama ko ng halos apat na buwan sa taping.   "Hi Skye!" Bati sa akin ni Drake. Nakita ko ang paniningkit ng mata ni Erin kay Drake. Tumingin naman si Drake sa kanya na may bakas pa rin na ngiti. "Bakit ka late?!" Ani Erin na naiinis.   "Natanghali ako ng gising Ma'am." Umirap si Erin sa kanya at saka tinawag ang hairstylist para utusan na ayusan si Drake. Umupo naman ito sa katabi kong upuan at saka bumaling ng tingin sa akin.   "Skye. Jasper called me yesterday." Lumingon ako kay Drake at saka s'ya tinaasan ng kilay. May nakakalokong ngiti sa kanyang labi na tila nang-aasar sa'kin.   "Kailangan ko na ba kumanta ng muling ibalik ang tamis ng pag-ibig?" Sinamaan ko s'ya ng tingin kaya lalo s'ya tumawa.   "What's with you and him? He told me na sa kanya ka na titira pagkatapos mo lumayas sa Mansion?" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Drake. That guy! Matapos n'ya ako iblackmail, sasabihin din n'ya pala kay Drake ang nangyare!   "Wala." Maikling sagot ko sa kanya at saka humarap na lang sa salamin upang tignan ang ayos ko.   "May sinabi pa pala sa'kin si Jasper sa'kin." Lumingon ako na lalong ikinangisi ni Drake.   Okay?   What was that?   "He told me that you should go home early because he's waiting for you."Maaga natapos ang photoshoot. Ang inaakala ko na aabutan ng limang oras dahil sa kakulitan ni Drake ay inabot lang ng tatlong oras. Madalas kasi na nagtatagal kami dahil puro adlibs si Drake kaya imbes na magseryoso ay natatawa na lang kami lalo kaya lalong naiinis si Erin.   "Anong oras yung meeting?" Ani ko kay Erin.   "After this lunchbreak." Sagot n’ya na hindi lumilingon sa akin. May hawak kasi syang libro at kasalukuyan n’ya iyon binabasa.   "Anong meeting?" Ani Drake.   "Meeting ng cast para sa bago kong drama." Tumingin naman si Drake na may halong pagtataka sa kanyan uka sa akin.   "Tinanggap mo iyong project?" Hindi makapaniwalang tanong n’ya sa akin.Tumango ako. Wala naman kasi akong nakikitang masama para hindi tanggapin yung project. Nakita ko na tumingin si Drake kay Erin, pinanlakihan naman s'ya nito ng mata at saka ito siniko na ikinatahimik ni Drake.   Kumunot ang noo ko. "What's with the two of you?" Pareho silang umiling at saka nagpatuloy sa pagkain. Nagkibit-balikat na lamang ako at hindi sila pinansin. Pagkatapos ng lunchbreak ay saka kami nagtungo sa board meeting para pag-usapan ang drama. Nandoon na si Direk Wenn nang dumating kami ni Erin. Nandoon na rin pati ang script writer.   "Parating na daw yung partner mo for this drama Skye." Ani Direk "Okay." Binasa ko ulit iyong summary ng drama. It's about married life. Bigla ko tuloy naalala kung paano ako dati. Napailing na lang ako nang magsimula na naman ang utak ko na alalahanin ang nakaraan. Dahil wala pa naman, nagpaalam muna ako kay Erin na lalabas ako sandali para magrest room.   Bitbit ang aking bag ay lumabas ako sa board room at saka pumunta sa may rest room. Inayos ko ang aking buhok at saka nagretouched ng make-up. Bumalik na ako sa loob pero wala pa rin iyong magiging kapartner ko sa drama. Napansin ko rin na wala si Direk sa loob at tanging assistant na lang ang naiwan at saka kaming dalawa ni Erin. "Nasaan si Direk?"   "Sinusundo yung partner mo for this drama." Tumaas ang aking kilay pero hindi na ako umimik. NapakaVIP naman ata nung lalakeng 'yon at kailangan pa talaga s'ya sunduin. Ano s'ya bata na kailangan sinusundo? Late na nga s'ya tapos susunduin pa s'ya? Tss.   Bumukas naman ang pinto at iniluwa si Direk. Pumalakpak ito at saka ngumiti.   "Nandyan na sya!”Tumayo kaming lahat para salubungin s'ya. Pero agad rin nawala ang ngiti sa aking labi nang makita ko kung sino s'ya. Kumabog ang puso ko ng tuluyam ng tumama ang mata ko sa kanya.   Anong ginagawa n’ya dito?   Bakit s’ya nandito?!   Wala sa sariling napatingin ako kay Erin. Kinagat n'ya ang ibabang labi n'ya at hindi makatingin ng diretso sa akin.   The fvck? Is this a set up?   Tinapunan n'ya ako ng tingin. Nakuha pa n'ya makipagkamay sa akin. Wala akong magawa kundi titigan ang nakalahad na kamay n’ya na nasa ere. Hindi ko tuloy alam kung gusto lang ba n'ya ako asarin dahil nakukuha pa n’ya ngumisi sa harap ko.   "Hi."   Parang gusto ko na lang umatras sa project na 'to. Damn Jasper Cy!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD