Prologue

434 Words
Prologue     “WHAT ARE YOU DOING HERE?" Malakas na sigaw ko. Tinignan naman n'ya ako na nakasimangot.   "This is my house." Mariin na pagkakasabi n'ya sa akin.Bahay? Bahay n'ya 'to? So he bought this house after we got separated?   "I bought it." Akala ko iba ang nakabili pero s'ya rin pala ang bibili. Hindi ko alam na s'ya ang bibili nitong bahay matapos ibenta ito. After 1 year and 7 months of being separated, ngayon lang ako nakabisita sa bahay na 'to. Nabalitaan ko kasi na may nakabili kaya balak ko sana kilalanin ang nakabili pero hindi ko na pala dapat ginawa.   "Anong ginagawa mo dito?" Pinasadahan n'ya ako ng tingin. Tinignan n'ya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay lumipat ang tingin n'ya sa katabi kong maleta na hawak ko.   "Lumayas ka?" Hindi ako umimik. Binuksan n'ya ang gate at saka ako hinila papasok na hindi man lang nagtanong kung gusto ko ban a pumasok o hindi. Hinila ko naman ang kamay ko sa kanya. Nagkibit-balikat s'ya at binalewala ang ginawa ko.   "Ayaw mo pumasok? Mukang uulan pa ng malakas." Iiling pa sana ako ng bigla naman kumidlat ng malakas kaya nagulat ako. Napayakap tuloy ako sa kanya ng wala sa oras. Nanatili akong nakapikit at hinihintay ang susunod na kidlat pero wala ng sumunod.   "Ayos ka lang?" Dahan-dahan ko iminulat ang mata ko at saka tumingin sa kanya. Napasinghap ako nang makita ko kung gaano kami kalapit sa isa't isa, halos maramdaman ko na nga ang mainit na paghinga n'ya sa aking balat, at wala sa sariling napatingin ako sa kanyang mapupulang labi   "I love you Skye."   "I love you more." Hinalikan n'ya ako sa aking noo at saka ako yinakap.   Umiling ako sa aking isipan ng maalala ko ang bagay na 'yon. Bakit ko pa ba naaalala ‘yon? Bakit ko nga ba naalala pa ‘yon? Hindi na dapat inaalala ang mga bagay na walang kwenta.  Ibinalik ko ang atensyon ko sa kanyang muka hanggang sa tuluyan ng magtama ang tingin namin sa isa't isa, kumabog naman ang puso ko kaya agad ko s'ya itinulak palayo sa'kin. Syet Skye! Ano ba ang ginagawa mo sa buhay mo?! For pete's sake, he's your ex-husband!   Hindi s'ya umimik at tinignan lang ako. "Tatayo ka na lang ba d'yan o papasok ka sa loob?"   "Aalis na ako." Malamig na sabi ko pero hindi pa man ako nakakaalis ng biglang bumuhos ang malakas na ulan kung kaya't nabasa na ako ng tuluyan. Sinamahan pa iyon ng malakas na kulog kung kaya't napaigtad ako.Inis akong napasabunot sa aking buhok at saka tumingin kay Jasper na ngayon ay may nakakalokong ngiti sa kanyang labi.   "I'll be waiting inside."   Ugh! Damn Jasper Cy!  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD