Chapter Seven
SINUNDO na ni Ate Renesmee si Emy sa bahay kaninang umaga. Muli na naman tumahimik ang bahay dahil wala ng maingay. I texted my mom that i will visit Ares later. Kaya naman nagmadali akong maligo at nagbihis. Paalis na ako nang makita ako ni Jasper na bihis na bihis.
"Saan ka pupunta?"
"I'll visit my parents." Hindi s'ya sumagot sa akin at tinignan lang ako. Hindi ko alam at wala akong balak na alamin ang iniisip n'ya. Nangako ako sa sarili ko kagabi na maglalagay ako ng linya at distansya sa amin dalawa. Na hindi na muli akong magpapadala sa nararamdaman ko para sa kanya. Iyon na lang ang tanging paraan na naiisip ko para maging maayos ang set-up namin dalawa.
"Ihahatid na lang kita." Mabilis akong umiling.
"Hindi na kailangan. My family hates you."
"I know. Pero handa akong gawin ang lahat para mapatawad nila ako."Sumeryoso ang mukha ko sa sinabi n'ya. Halata naman na hindi s'ya nagbibiro sa mga binitawan n'ya na mga salita pero ayoko na rin umasa. Alam ko na kahit naman mapatawad pa s'ya ng pamilya ko ay alam ko na hindi na rin kami babalik sa dati. Ayoko na rin naman magsalita dahil paulit-ulit na lang. Palagi na lang ganito. Palagi na lang n'ya ako sinasabihan na mahal n'ya ako pero hindi pa rin nawawala sa akin kung paano n'ya ako binitawan. Masakit pa rin.
"How about you Skye?"
Hindi ako nakapagsalita. Nanatili lang ang mata ko sa kanya habang pinapakiramdaman ang aking puso na unti-unti na naman nakakaramdam ng kirot.
"When will you forgive me? When will you give me another chance?"
Madali naman magpatawad. Kung kapatawaran lang naman ang hinihingi n'ya, magagawa ko 'yun pero hindi e. Hindi basta kapatawaran ang hinihingi n'ya. He's asking me to give him another chance. Siguro nga ay hindi ko pa talaga kaya na patawarin s'ya ng buo dahil hindi ko pa alam ang buong dahilan kung bakit n'ya ako ginawang gaguhin at saktan noon. Baka hindi ko pa talaga tanggap na matapos ang lahat ng ginawa n'ya sa akin ay eto pa rin ako at mahal na mahal s'ya o kaya ay dahil sa nagpakalunod na rin ako noon sa sakit na nararamdaman ko at nakalimutan na ang mga tao ay may kakayahan din na magbago. At siguro iyon din ang dahilan kung bakit hindi ko s'ya magawang bigyan ng isa pang pagkakataon.
Nakakatakot na kasi sumugal. Hindi mo alam kung kailan ka n'ya ulit gagaguhin o sasaktan,
"I--I don't know." Malungkot na ngumiti sa akin si Jaz. Hindi s'ya nagsalita sa sagot ko at bahagyang dumistansya sa akin. Tumingin ako ng direkta sa kanyang mata.
"Kaya kita patawarin Jaz. Pero hindi ko kaya na bigyan ka pa ulit ng pagkakataon. I'm sorry."
Umuwi ako sa Mansion pagkatapos sunduin ni Ate Renesmee si Emerald kinabukasan. Hinalikan ko si Emy sa pisnge bago ito tuluyan umalis. Umiyak pa si Emy kaya sinabi ko na dadalawin ko s'ya agad. Hindi ko naman hinayaan si Jaz na ihatid ako dahil baka makita n'ya si Ares sa labas ng Mansion. Naabutan ko si Ares na dahan-dahan naglalakad habang inaalalayan ni Manang sa may hardin.
"Hija, nandito ka pala. Hindi sinabi sa akin ng Mommy mo na uuwi ka."
"Sandali lang naman po ako Manang, may maaga po akong interview bukas at sa makalawa ay nasa Baguio naman po ako."
Binuhat ko si Ares at pinaulanan ng halik.
"Mo-Mmy." Tumingin ako kay Ares na tulala. Ngiting-ngiti s'ya sa akin. Naluluha akong ngumiti sa kanya dahil sa tuwa. Ngumiti ito sa akin at kitang-kita ang malalim n'ya na dimples. Halos lahat ay namana n'ya sa kanyang ama. Kulay lang ata ang namana n'ya sa akin dahil may pagkamestizo si Ares. Kahit ang kanyang singkit at mahahabang pilik mata ay namana sa kanyang ama.
"Kamukha sya ng Daddy n'ya."
Tumango ako dahil hindi ko naman itatanggi ang bagay na 'yun.
"Sila Mommy po?"
"Ay naku Hija. Kakaalis lang para sa isang business meeting. Hindi nga dapat sasama ang Mommy mo kung hindi lang s'ya kailangan ng Daddy mo doon."
"Kumain ka na ba? Paghahainan kita." Tumango ako kay Manang habang karga-karga si Ares. Muli kong pinaulanan ng halik si Ares. Sa isang linggo ay isang beses lang ako nakakadalaw at kung minsa'y pa hindi sapat para makasama ko ang anak ko dahil sa patong-patong na schedule. Buti na lamang ay naawa si Direk at nagbigay ng isang araw na pahinga para sa amin lahat. Naglaro kami ni Ares sa sala. Pinapatugtog ko ang nursery rhymes na paborito n'ya pakinggan dahil wala itong tigil sa kakatawa. Nakaupo lang kami sa sahig habang nakakalat ang kanyang mga laruan. Dinala naman sa amin ni Manang ang meryenda. Masaya dumaan ang hapon ko dahil nakasama ko ang anak ko. Kinarga ko ito at hinalikan bago ibigay kay Manang.
"Manang. Kailangan ko na umuwi. Salamat po. Tatawag na lang po ulit ako para kamustahin ang anak ko."
"Oh sige. Ako na bahala magsabi sa Mommy mo." Ngumiti ako at hinalikan si Ares sa noo.
"Mag-ingat ka Hija sa pagmamaneho ha?"
Tumango ako sa sinabi ni Manang. Mukhang aabutin ako ng mahigit isang oras dahil trapik ang galing QC. Dahil masyadong trapik ay pumunta muna ako sa Mall para bumili ng damit. Wala akong masyadong dinala na damit noong lumayas ako kaya kinakailangan ko bumili ng bagong damit.Medyo natagalan pa ako dahil bumili na rin ako ng pagkain namin ni Jaz. Pagkabili ko ay dali-dali akong sumakay sa sasakyan at nagmaneho pauwi ng bahay. Lalo pa lumala ang trapik dahil may aksidente na nangyari sa daan kasabay ang pagbuhos ng malakas na ulan. Bigla na lamang akong kinabahan sa aksidente na nangyari. Rumehistrado sa isip ko ang mukha ni Jaz. Umiling ako at pilit na inaalis sa isipan ko ang naiisip ko.Wala sa sariling inalis ko ang kamay ko sa manibela habang nakatigil dahil sa trapik at sakap kinuha ang cellphone ko. Nagsisimula na ako manginig at kabahan. Nainis pa ako dahil lobat ang cellphone ko.
Ilang beses na rin ako tumingin sa orasan ng sasakyan kung anong oras na at kung hanggang kailan ako maiipit sa trapik na 'to. Buti na lang ay lumuwag na doon sa bandang pagkatapos ng stop light kaya mabilis ko pinaharurot ang sasakyan kahit na wala pa rin tigil ang pagbuhos ng malakas na ulan
.
Hanggang sa makarating ako sa bahay, ay nanginginig ako. Ni hindi lumipas ang isang segundo na hindi kumalma ang puso ko. Hindi ko na inayos ang pagkapark ng sasakyan at agad-agad na hinanap si Jaz.
"Jasper?!" Sigaw ko pero walang sumagot. Hinanap ko s'ya sa loob ng bahay pero wala kaya lalo akong kinabahan. Nagsisimula na ako mangiyak at sumikip ang dibdib ko. Ayoko kabahan at mataranta pero sadyang pasaway ako dahil hindi ko maiwasan. Kahit anong pilit ang gawin kong pagpapakalma sa isipan ko ay hindi ko magawa. Kumalma ka lang Skye. Kalma lang.
Hindi ko alam kung ilang beses ako nagpabalik-balik sa loob para lang hanapin si Jaz. Muli akong bumalik sa may labas para makita s'ya pero wala pa rin.
"Skye.."
Mahina lang ang pagkakatawag n'ya no'n pero sapat na para marinig ko agad. Agad naman ako lumingon sa likuran ko at nakita ang mukha nito na puno ng pagtataka.Tinakbo ko ang distansya na meron kami at yinakap si Jasper ng mahigpit. Hindi ko na inawat ang sarili ko na yakapin s'ya dahil sa sobrang takot na nararamdaman ko mula kanima pa.
Ramdam ko ang paninigas n'ya sa ginawa ko pero yinakap n'ya rin ako pabalik. Naramdaman ko pa pati ang paghalik n'ya sa may ulo ko.
"Nandito lang ako wife. Hindi na ulit kita iiwan.