Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 31 Nang nakababa na ako ay agad akong huminga nang malalim. Pinuno ko ng hangin ang aking baga. Mabilis kong tinanggal ang seatbelt ng animo’y wala nang buhay nang si Mrs. Delacerna. Buong lakas kong hinila ito palabas ng sasakyan. Wala nang malay pa si Mrs. Delacerna pero baka buhay pa siya. Sa kabila ng aking panghihina dahil sa dugo na umagos mula sa akin, sa kakulang ng oxygen kanina sa loob ng sasakyan, sa pagod sa panganganak at sa hirap na na aking pinagdadaan ay buong lakas kong hinila si Mrs. Delacerna. Nanginginig na ako. Nanlalambot na ang aking mga tuhod. Lumalagablab na ang apoy ng sasakyan. Naroon pa rin ako, habang may kaunti pang lakas, habang kaya ko pa, matiyaga kong hinihila ang animo’y walang buh