Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 32 Tumawa siya. Oh my God, lalo siyang gumwapo. “Ikaw ha. Pinagnanasaan mo yata ako eh.” “Hindi ah.” Tumalikod ako. Kinilig. “Ang kapal mo naman. Ako magnanasa sa’yo?” Oh God! Ang landi ko na yata talaga. “Alam mo, may singsing ka. Wedding ring ‘yan, hindi ba?” “Hindi ko alam.” “Hindi kaya may asawa ka na?” “Hindi ko alam eh.” Huminga ako nang malalim. “Wala ka pa rin bang natatandaan?” naramdaman ko ang mabigat niyang paghawak sa aking balikat. Iba yung bigat no’n. Parang nahawi pa niya yung buhok ko. Nahawakan ni Calvin ang buhok ko at may ibang dating. May kung anong parang biglang pumasok sa isip ko na nasabunutan ako ng issang lalaki at parang narinig kong tinawag ako ng lalaking sumabunot sa akin ng… “