Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 21 Huminga ako ng malalim. Naluha ako sa narinig kong sinabi ni Aling Pacing. “Mangako kang pagpasok ko, hindi mo ako sasaktan ha? Kailangan kong paniwalain si Sir na kakampi ko siya. Kailangan kong makuha ang kanyang tiwala.” “Sige Aling Pacing. Hindi ko kayo sasaktan,” sagot ko. Ngunit may plano ako. Kailangan kong malaman kung sino ang nasa loob ng kuwartong nakakandado. Ang plano, pagpasok na pagpasok ni Aling Pacing ay tatakutin ko siya. Sasakalin, susuntukin sa sikmura para makuha sa kanya ang susi at muling ipagpatuloy ang aking naudlot na pagtakas. Kung tulog na nga si Jaxon at kampanteng nakakulong ako ngayon dito, may may pagkakataon akong maghanap