Revenge of a Battered Wife By: JOEMAR P. ANCHETA (Pinagpala) CHAPTER 12 Tinanggal niya ang kamay niya. Bumangon. Nagsindi ng sigarilyo. Nakangiti siya. Iba yung ngiti niya. Naglabas siya ng foil at parang tawas. Oh my God. Hindi ako tanga. Droga ba iyon? “Habang nagpapahinga, sabayan mo ako rito. Gusto ko next round, wild tayong dalawa.” Makapangyarihang sinabi niya sa akin. Oh God! Ano itong napasok ko? “Ano na? Bumangon ka. Ngayon lang ‘to. Subukan lang natin pampagana kasi mapapalaban pa tayo mamaya. Unang round pa lang ‘yon eh.” “Pero, hin-“ “Susubukan mo ba o hindi?” mataas na ang kanyang boses. Yung mata niya, yung buong mukha niya, biglang parang sumasabog na sa galit.