Chapter 15

1687 Words

Dumating na ang araw ng pag-alis ni Bernie. Off ngayon ni Ayen at pinuntahan siya ni Bernie sa kanilang bahay upang magpaalam. Mamayang gabi pa naman ang flight niya kaya may oras pa sila para magpaalamanan. Nakaupo sila ngayon sa sala habang nag-uusap. “Oh, ‘wag mo akong mami-miss masyado ha?” nakangising biro sa kaniya ni Bernie, kaya naman pabiro rin niya itong hinampas sa balikat nito. “At ako pa talaga ang makaka-miss ha? Baka ikaw riyan ang maka-miss sa akin.” Pagyayabang naman niya rito at kunwa’y inirapan ito. “Oo naman sure iyon. Mami-miss ko ‘yung mga yakap mo sa akin,” sabi pa nito na ikinalaki ng kaniyang mga mata. “Uyyy, walang gano’n ‘no! Yakap ka riyan, kailan naman nangyari ‘yon aber?” Nakataas pa ang isang kilay niyang usisa rito. “Sa tuwing ihahatid kita sa trabaho,

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD