“Playmate!” agad siyang sinalubong ni Angie na nakatayo sa labas ng kanilang tambayan. “Okay ka lang ba?” tanong pa nito sa kaniya nang tuluyan na silang magkalapit. Pilit naman siyang ngumiti saka niyakap ang kaibigan. “Uyyy, first time kitang makitang malungkot playmate. Okay lang iyan, babalik naman siya ‘di ba?” Hinagod pa nito ang likod ni Ayen. “Hayyy, playmate ayaw ko ng ganitong pakiramdam. Alam mo iyon ang dami kong what ifs ngayon,” sabi ni Ayen matapos bumitiw sa kanilang pagyayakapan, at saka bumuntong hininga. “Ayan ‘Dalagang Pilipina yeah!’ ka kasi eh,” wika naman ni Angie sa kaniya, sabay pose pa ng parang rakista. Natawa naman siya sa ginawang iyon ng kaniyang kaibigan. “Tayo na ngang pumasok sa loob at doon na natin iyan pag-usapan sa harap ng malamig na malamig na be