“Playmate!” agad siyang bineso ni Angie matapos niyang mag-punch in sa kanilang bundy clock. Mid-shift si Angie kaya makakasama pa niya ito nang matagal-tagal dahil panggabi naman ang kaniyang schedule. “Make kuwento na dali!” excited na sabi pa nito sa kaniya, habang hawak-hawak siya nito sa kaniyang kamay. Natatawa naman niyang inawat ang kaibigan upang bitiwan siya nito saglit. “Wait lang playmate kukuha lang ako ng tubig. Nauuhaw na ako eh,” aniya rito saka siya nagtungo sa bar area para kumuha ng isang basong tubig bago bumalik sa kusina. Hindi pa man siya nakakalapit nang husto sa kaibigan ay agad na muli siyang kinulit nito. Natatawa na lang siya sa ikinilos nito, para kasi itong teenager na kilig na kilig kahit wala pa naman siyang sinasabi rito. “Dali na! Anong ganap? Bakit ‘d