Nang makauwi si Bernie sa kanila ay hindi pa rin nawawala ang ngiti sa kaniyang mga labi. Paano ba naman kasi, nalaman lang naman niya kung saan nakatira si Ayen. Actually, hindi naman niya sinasadyang makasabay itong muli, ginabi lang din siya sa kaniyang pag-uwi kaya nakasabay niya ang dalaga. After niya kasing magpunta sa kanilang ahensiya ay naglaro muna siya ng arcade sa mall. Isang oras din niyang pinagsawa ang sarili sa paglalaro ng arcade, hanggang sa tawagan siya ni Peter, isa sa kaniyang mga kaibiga’t katrabaho sa abroad. FLASHBACK... “P’re, nasaan ka?” tanong ni Peter sa kabilang linya nang sagutin niya ang tawag nito. “Nandito sa mall nagpapalamig habang naglalaro ng arcade. Bakit?” balik tanong naman niya sa kasamahan sa trabaho, habang ipinagpapatuloy ang kaniyang paglalar