Kinabukasan maaga pa lang ay nag-aayos na si Ayen ng kaniyang sarili. Hindi niya malaman kung ano ba ang isusuot niya sa date nila ni Bernie. Inilabas niya ang kaniyang yellow off shoulder na dress, na may print ng maliliit na bulalaklak, at saka ipinatong iyon sa kaniyang katawan. Tumayo siya sa harapan ng salamin upang tingnan ang kaniyang itsura. Nagustuhan naman niya ang nakita sa salamin kaya iyon na lang ang kaniyang isusuot. Teternuhan na lang niya iyon ng white flat sandals para hindi manakit ang mga paa niya sakaling maglakad marathon sila ni Bernie. ‘Ganda mo talaga girl!’ Puri pa niya sa kaniyang sarili bago niya kinuha ang tuwalya, at nagtungo sa banyo upang maligo. Matapos magbihis at mag-ayos ng sarili ay bumaba siya sa kaniyang kuwarto at nagtungo sa tindahan para magpa-lo