Chapter 3

1784 Words
Mabilis lumipas ang mga araw at lingo, naging mas close na nga sila ni Angie. Madalas magkalapit ang kanilang mga schedules kaya kapag gusto nilang mamasyal after duty ay nagagawa nila iyon. Minsan kahit off ng isa sa kanila, nagkikita pa rin sila para lang gumala, o magkuwentuhan. Para na nga silang magkapatid nito at hindi mapaghiwalay sa sobrang close nila sa isa’t isa. Kagaya ngayong araw, magka-shift na naman sila ni Angie dahil pareho silang panggabi nito, at excited na siyang makakuwentuhan ang kaibigan. Inagahan niya ang pag-alis sa kanilang bahay dahil Friday ngayon, at alam naman niyang kapag ganitong araw ay punuan ang mga sasakyan. Kaya kahit na puno at tayuan na ang bus na unang huminto sa kaniyang harapan ay sumakay pa rin siya roon. Agad siyang lumakad patungo sa bandang likuran, kung saan mas maluwag ang puwesto, nang biglang nagpreno ang driver ng bus. “Ayyyy! Kabayo!” sabi pa niya nang nawalan siya nang balanse sa pagkakatayo at sumubsob sa katawan ng isa pang pasahero. “Sorry po! Sorry po!” Hinging paumanhin niya rito habang ibinabalanse ang kaniyang katawan sa pagkakatayo. Nang tingalain niya ito, parang biglang huminto ang kaniyang mundo. The man standing in front of her is so gorgeous. Matangkad, fair complexion, chinito, matangos ang ilong at mga labing parang kay sarap halikan. ‘Halikan talaga girl?’ sita ng isang panig ng kaniyang isip.  Nasa kalagitnaan siya ng pag-a-eye scan sa lalake nang muling magpreno ang bus, dahilan para masubsob siyang muli rito. This time mas naging maagap ito, nahawakan siya nito sa kaniyang baywang para hindi siya tuluyang bumagsak. Tila naman may mumunting kuryenteng naglakbay sa bawat himaymay ng kaniyang katawan. ‘Ayyy, ang bango naman niya. Juice colored!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili habang nakapikit na sinisinghot ang amoy ng lalake sa kaniyang harapan. “Miss, humawak ka para hindi ka masubsob,” seryosong saad ng lalakeng umalalay sa kaniya. Doon naman siya parang natauhan at biglang napamulat nang marinig ang buo at malaking boses nito. Kaya naman umayos siya nang pagkakatayo at kiming ngumiti rito. “Bayad, bayad! ‘Yong wala pang mga bayad diyan!” sigaw ng mamang kunduktor. Agad siyang dumukot ng pera sa kaniyang bag at iniabot kay manong. “Sa Wak-Wak lang po,” sabi niya rito, saka inabot dito ang kaniyang bayad. Pasimple pa siyang lumingon sa katabing lalake na seryoso pa ring nakatingin lang sa labas ng bus. ‘Hayyy! Cute sana, kaso mukhang suplado!’ sabi ng isang parte ng utak niya. ‘Gaga, malay mo naman may pinagdaraanan lang!’ kontra naman ng kabilang panig niyon. Umayos na siya sa kaniyang pagkakatayo sa tabi nito at manaka-nakang lingunin ito. Hindi niya talaga maiwasang hindi pagmasdan ang mukha ng kaniyang katabi. Hindi niya alam pero ang lakas ng karisma nito sa kaniya. Nang makarating ang bus sa Kamuning ay maraming nagbabaang pasahero kaya naman nakaupo siya sa upuang malapit sa kinatatayuan niya. Umisod siya sa may bandang bintana para makaupo rin ang sinomang nais na maupo sa kaniyang tabi. Ilang sandali lang ay naramdaman nga niyang may umupo sa bakanteng upuan sa kaniyang tabi, paglingon niya ay medyo nagulat pa siya nang makitang si cutie pie pala ang umupong iyon sa kaniyang tabi. Agad niyang ibinaling sa bintana ang kaniyang paningin at kinikilig na napangiti. Halos maihi pa siya sa pagpipigil sa kakiligang nadarama ng mga sandaling iyon. Hindi niya alam kung bakit, pero kinikilig talaga siya! ‘Anong pangalan mo? Ilang taon ka na? Bakit ang cute mo?’ gusto niya sanang itanong sa lalake kaso nahihiya siya kaya nakuntento na lang siyang katabi ito sa upuan. “O, ‘yong mga bababa ng Wak-Wak diyan lapit na po!” sigaw ni mamang kundoktor. Napasilip pa siya sa labas ng bintana nang marinig ang turang iyon ni mamang kundoktor. Parang ang bilis naman kasi ng kanilang biyahe at naroon na pala siya sa kaniyang bababaan. Agad siyang tumayo at nag-excuse sa lalakeng katabi para makiraan. Tumayo naman ito at binigyang daan si Ayen na pigil-pigil pa ang paghinga habang umaalis sa kaniyang upuan. “Bye, cutie pie!” halos pabulong na saad niya sa lalakeng katabi, saka nagmamadali ng bumaba ng bus. Tila naman nabigla ito sa kaniyang ginawa kung kaya’t sinundan siya nang tingin nito habang pababa siya ng bus. Yaman din lamang na nagpaalam siya rito kanina sa loob ng bus, nilubos na niya ang kakapalan ng kaniyang mukha at kinawayan pa niya ang lalake. ‘See you, cutie pie! Ayyy, kailan kaya ulit kita makikita?’ kinikilig na tanong pa niya sa kaniyang sarili habang kumakaway rito. Nakita naman niyang ngumiti ito sa kaniya at napapailing na ibinaling ang tingin sa harapang bahagi ng bus. Halos maihi naman siya sa kakiligan nang masilayan niya ang pagngiti nito sa kaniya. Nang umandar ng muli ang bus ay masaya na siyang naglakad sa direksiyong patungo sa BSC, na hindi napapawi ang ngiti sa kaniyang mga labi. At dahil nga tila siya lumulutang sa  alapaap, ni hindi niya narinig na may tumatawag na pala sa kaniya, hanggang sa may kumalabit na lang sa kaniyang likuran. “Huyyy, kanina pa kita tinatawag deadma lang?” Si Angie iyon na ngayon ay kaagapay na niya sa paglalakad. “Angie! Sorry naman, may nakasabay kasi akong cutie pie eh!” kinikilig pa niyang sambit sa kaibigan, at agad na nag-twinkle ang kaniyang mga mata. Humagikhik pa siya nang maalala ang kaniyang kalokohan kanina bago siya bumaba ng bus na iyon. “Ayos! Kaya naman pala eh, nakakaloka ka! Pero cutie ba talaga?” pang-uusyoso pa nito sa kaniya. “Sobra! Grabe feeling ko nga ang kapal ng mukha ko eh, nagba-bye pa ako sa kaniya kakaloka ‘di ba?” kinikilig na sambit pa niya sa kaibigan. Dahil supportive friend si Angie, nakitili naman ito sa kaniya. Natutop pa nila ang kanilang mga labi nang mapansing napapalingon na sa kanila ang mga taong nadaraanan nila. Sabay pa silang napabungisngis at nagpatuloy na sa paglalakad nang ma-realize iyon. “Naku playmate dapat magkita kayo ulit niyan ni Mr. Cutie pie na iyan. Malay mo baka siya na ang matagal mo nang hinihintay!” kinikilig pa ring sabi ni Angie sa kaniya, habang sabay nilang tintahak ang daang patungo sa Bitter-Sweet Cafe. “Oo nga sana magkita kami ulit ‘no? Hayyy!” nakangiti naman niyang turan sa kaibigan, habang tila nangangarap pa nang gising. “Kaka-aliw ka pagmasdan playmate. Halika na nga, bilisan na natin baka ma-late pa tayo niyan eh.” Saka siya hinila ni Angie at umabrisyete sa kaniya, habang nagpapatuloy na sila sa mabilis na paglalakad patungo sa kanilang trabaho. Pagdating nila sa coffee shop, nasalubong pa nila si MJ na katatapos lang ng duty. Lumapit ito sa kanila at bumeso. “Mga friends, paano ba ‘yan? Kayo na ang bahala sa negosyo natin ha? Hindi naman busy kanina, kaya malamang kayo ang gumulong mamaya,” nakangisi pang sabi nito sa kanila. “Tse! Talagang nagji-jinx ka pa riyan ha. Kurutin kita sa singit kapag kami talaga gumulong mamaya!” wika naman ni Angie na ikinatawa nila ni MJ. “Ayyy, ‘wag naman inay!” bumungisngis pa si MJ pagkasabi niyon. Pabiro naman itong pinalo ni Angie sa braso nito na inilagan lang ng huli. “Magbihis na nga tayo at itong si MJ masyado tayong inaaliw,” saad naman ni Ayen, bago siya pumasok sa locker. Sumunod na rin naman ang dalawa niyang kaibigan, at sabay-sabay na silang nagbihis at nag-ayos ng kani-kanilang mga sarili. Habang nag-aayos ay nagku-kuwentuhan silang tatlo, kaya naman hindi nila namalayan ang oras. Five minutes na lang pala ang nalalabi para sa kanilang duty. Nagmamadali tuloy sila ni Angie na tumakbo palabas ng locker, upang mag-punch in. Ang pasaway kasing si MJ ay masyado silang inaliw, kaya nakalimutan nila ang oras. Humahalakhak pa ang loka-loka nilang kaibigan habang nagkukumahog silang dalawa ni Angie sa pagpa-punch in. “Ikaw talaga MJ loka-loka ka!” sigaw pa ni Angie dahil muntik na silang ma-late sa pag-punch in. “Muntik na tayo roon playmate. Baliw talaga ‘yon si MJ,” tugon naman niya habang inaayos ang kaniyang hairnet. “Naku, sinabi mo pa!” naiiling namang wika ng kaibigan sa kaniya. Agad silang nagbasa ng love letter sa log book, bago nag-umpisang mag-check ng mga gamit sa kusina, para sa kanilang operation ngayon. Malaya silang nakapagtrabaho dahil wala pa naman silang mga guests. “Playmate sino mauunang mag-break sa atin?” tanong ni Angie sa kaniya nang sumapit ang ala sais ng gabi. Iyon kasi ang unang oras ng break time nila. Since dala wa lang sila ngayon, hindi sila puwedeng magsabay ng break. “Sige, playmate, ikaw na ang mauna. Busog pa naman ako eh, nakapagmiryenda pa nga ‘di ba?” humahagikhik pa niyang saad na ikinatawa naman ni Angie. “Ayyy, oo nga ‘no, nabusog ka nga pala kay cutie pie!” anito saka nakihagikgik na rin sa kaniya. “Sino namang cutie pie iyan?” tanong ni Thummy na kapapasok lang sa kusina para kumuha ng toyo. “Future ni Ayen, Thum,” sagot ni Angie bilang sagot sa tanong ni Thummy. “Wow! Talaga? Teka mukhang mauunahan mo pa ako ah!” namimilog naman ang mga matang sabi ni Thummy sa kaniya. “Naku, Thummy, ‘pag hindi ka nagmadali, talagang mauunahan ka nga!” tatawa-tawa namang singit ni kuya Raffy na nakatayo sa dishwashing area. “O sige, mamaya manghahatak na ako riyan sa daan pag-uwi. Sapilitan na ito!” pabirong tugon naman nito ,with action pa ng kamay nito pataas. Nagtawanan naman sila sa sinabing iyon ni Thummy. “Hindi madaan sa santong dasalan, sa santong paspasan na lang eh ‘no?” nakatawang sabi ni Kuya Raffy. “Oo Kuya Raff. Hindi ako makakapayag na maunahan ako ni Ayen!” pabirong sagot naman nito kay Kuya Raffy. “I-serve mo na iyang toyo Thum, baka bungangaan ka na ng guest mo,” paalala naman niya nang tila nakalimutan na nito ang isinadiya nito sa kusina. “Ayyy, oo nga! Inaliw niyo kasi ako eh!” Nagtawanan namang silang tatlo nang halos matapon ang dalang toyo ni Thummy sa kamamadali nito. “Kuwento pa more!” pang-aasar naman ni Kuya Raffy habang hinahabol ng tanaw si Thummy. Napapailing naman siya sa kaibigang nagmamadaling maglakad palabas ng kusina. Maya-maya pa’y muli niyang binalingan si Angie upang utusan an itong mag-break, na agad namang sinunod ng kaibigan. Sa sobrang kaaliwan, mukhang nakalimutan din nito na magbe-break na nga pala ito. Naiwan naman siya sa kusina at inabala ang sarili sa pagpe-prepare ng mga kakailanganin nila mamaya, kapag dumami ang kanilang mga panauhing pandangal. Ahahaha.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD