Chapter 2

2167 Words
Kinabukasan, maagang bumangon si Ayen para makapaghanda pa siya ng kanilang almusal bago siya pumasok sa kaniyang trabaho. Buong isang lingo siyang mid-shift kagaya ng sinabi sa kaniya ni Miss A. Matapos makapagluto ay agad na rin siyang naligo at nagbihis ng kaniyang pampasok. Isang maong na pantalon at dilaw na body hugging shirt ang kaniyang isinuot, habang isang sandals na itim naman ang kaniyang saping pampaa. Sinuklay niya ang tuwid at mahaba niyang buhok saka hinayaan iyong nakalugay. Mamaya na lang niya iyon itatali pagdatining niya sa BSC. Kinuha na niya ang kaniyang bag na naglalaman ng kaniyang uniporme saka bumaba ng kaniyang silid. Pagdating niya sa kusina ay inihanda niya ang kaniyang baon bago kumain. Itlog at longganisa ang kaniyang niluto kanina at saka sinangag na maraming bawang. Nagtimpla rin siya ng kaniyang kape na masarap kapares sa kaniyang almusal. Pagkatapos kumain ay niligpit muna niya ang kaniyang mga pinagkainan saka nag-tooth brush bago umalis ng kanilang bahay. Tulog pa ang kaniyang Ate kaya naman siya lang mag-isa ang nag-agahan ngayon. Dahil excited siya masyado, maaga siyang nakarating sa BSC, kaya naman marami pa siyang oras para mag-ayos ng kaniyang sarili. Ilang minuto rin siyang nag-ayos at sinigurong maayos na nakatabi ang kaniyang mga gamit bago siya nagtungo sa kusina. ‘Work mode on, self!’ nakangiti pa niyang bulong sa sarili. “Good morning Ate Ayen!” masiglang bati sa kaniya ni Juliet matapos niyang mag-punch in. Nakatutuwa ang pagiging hyper ng babae, tila kasi hindi ito napapagod at parating masigla. “Magandang umaga!” nakangiting bati rin niya sa dalaga. Nakakahawa ng energy ang babaeng ito kaya naman maganda ang umpisa ng umaga niya. “Kumusta naman dito, busy ba?” tanong pa niya rito. “Hi Ate Maddy!” bati pa niya kay Maddy, na nakikipagdaldalan sa manager nila na kumare raw nito. Ngumiti naman ito sa kaniya saka kumaway. Muli rin itong binalik ang atensiyon sa kanilang manager at itinuloy ang pagchi-chickahan ng mga ito. Bumaling naman siya kay Juliet nang sumagot ito sa kaniya. “Wala nga Ate eh, langaw,” nakangising sagot nito na ikinatawa naman ni Ayen. “Hindi mabenta ang beauty mo kung ganoon,” nakangisi niyang saad kay Juliet. “Hahaha! Hindi ako, ‘yong mga taga dining staff ang hindi mabenta ang beauty!” natatawang sagot naman ni Juliet sa kaniya. Napailing na lang siya at nag-umpisa ng magtrabaho. Maya-maya pa’y dumagsa na ang kanilang mga guests. Kaya naman naging busy na rin sila sa kusina. “May balat ka yata sa puwet Ate Ayen. Bigla tayong pinutakte ng guests,” natatawa pang sabi ni Juliet, nang matapos nilang gawin lahat ng mga orders. “Wala ha! Grabe ka, charm ang tawag doon,” ganting biro naman niya rito, saka ipinagpatuloy ang paglilinis sa kanilang puwesto. “Kaya niyo na iyan ha? Mag-iinventory muna ang mother witch ninyo,” maya-maya’y saad  ni Maddy, na ikinalingon naman nila ni Juliet. “Sige po mother!” natatawang sagot naman nila ni Juliet. Ayon kasi kay Juliet, Mother Witch daw ang bansag dito ng mga taga dining dahil na rin sa mala-witch nitong pagtawa. Buong umaga silang busy ni Juliet habang si Maddy ay gumagawa ng imbentaryo at ordering. Mabilis uling lumipas ang mga oras at nang sumapit ang alas-tres, nagpaalam na si Maddy dahil off na nito. “Babayu! Uuwi na ako mga anak, kayo na ang bahala sa ating negosyo. Muwahhh, muwahhh, tsup, tsup!” paalam ni Maddy sa kanila, sabay flying kiss pa nito sa kanila ni Juliet. “Bye mother! Ingat kayo ng driver mo,” pabirong wika pa ni Juliet. Tumawa namang parang witch si Maddy saka lumakad palabas ng coffee shop. Driver ang tawag ng mga kasamahan nila sa asawa ni Maddy dahil na rin sa loka-lokang babae, na siyang nagbansag sa asawa nitong driver. Motor kasi ang sasakyan ng mga ito kaya hatid-sundo ito ng asawa nito. Ilang minuto pa lang na nakaaalis si Maddy, nang dumating naman ang isang maliit na babae na naka-uniform ng pangkusina kagaya nila. Mukha naman itong mabait at friendly, base na rin sa itsura nitong nakangiti ngayon sa kanila habang naglalakad itong palapit kasama ng kanilang Manager. ‘Ito na siguro ‘yong kapalit ni Mitch,’ nasabi niya sa kaniyang isipan. “Ladies, she’s Angie bago niyong makakasama rito sa kusina, galing siya sa ibang branch at siya ang papalit kay Mitch.” Pagpapakilala sa kanila ng kanilang manager sa kasama nitong babae. “Hello po!” mabait na bati nito sa kanila. Nginitian siya nito saka nakipagbeso kay Juliet, mukhang magkakilala na ang dalawa base na rin sa nakikita niyang batian ng mga ito. “Ate Angie, mabuti na lang at ikaw ang nalipat dito!” natutuwang sambit pa ni Juliet sa bagong dating. “Kung alam ko nga lang sana na nandito ka, sana tumanggi pala ako,” tumatawang sagot naman nito kay Juliet. “Hala, nakakainis ka naman eh! Hindi mo ba na-miss ang anak mo?” nakasimangot na tanong nito sa babae. Niyakap pa nito si Angie,  na bumubungisngis naman habang nakayakap dito. “Joke lang naman ‘nak!” turan naman nito kau Juliet. Masayang nagkumustahan ang dalawa habang nakikinig lang si Ayen. “Julieta, magbibihis muna ako, baka ma-late pa ako sa kadaldalan mo.” Maya-maya pa ay paalam nito upang mag-ayos ng sarili, dahil ilang minuto na lang ay duty na rin ito bilang panggabi. Pagbalik ni Angie sa kusina ay siya namang out ni Juliet. “‘Nay, paano ba iyan, aalis na ako. Ayaw man kitang iwan, pero kailangan eh,” nakangising paalam ni Juliet kay Angie. “Ate Ayen, iiwan na kita sa pangangalaga ng nanay ko. Huwag kang mag-alala, mabait iyan.” Kindat pa nito sa kaniya nang balingan siya nito. “Sige ingat!” sagot naman ni Ayen dito. “Sige, ‘nak, ingat!” tugon naman ni Angie saka nakipagbeso kay Juliet. Nang maiwan na sila ni Angie sa kusina ay tahimik lang siyang ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawa. Pinapakiramdaman niya ang bago nilang kasama dahil kahit mukha itong friendly, nahihiya pa rin siya rito. Hanggang sa ito na mismo ang kumausap sa kaniya. “Hello, anong name mo?” Ang cute niya makipagkilala parang bata ang kausap niya. “Analyn po, pero Ayen na lang po ang haba kasi ng Analyn eh.” Pakilala niya sa sarili kay Angie habang nakangiti siya rito. “Ay po? Hindi pa naman ako matanda. Baka nga magkaedad lang tayo eh. Angie na lang or Angel para name basis lang tayo.” Tumawa pa ito  pagkasabi niyon sa kaniya, nahawa naman siya sa pagiging jolly nito. “Saang branch ka galing?” tanong pa nitong muli sa kaniya, habang nagbabasa ito ng love letter sa log book. “Bago lang ako rito, kaka-start ko lang kahapon. Galing akong hotel, contractual lang kasi roon saka mababa ang sahod dahil under agency kaya hanap-hanap ng ibang masmalaki ang sahod,” nakangiting sagot niya rito. “Taray you naman pala, sa hotel ka galing. ‘Wag mong lalaitin ang mga platings namin dito ha?” humagikgik pa nitong saad sa kaniya, na ikinatawa rin naman niya. Ang cute kasi talaga nitong makipag-usap. “Hindi naman. Okay naman ang mga platings niyo rito,” nakangiting sambit niya kay Angie. “Ibang-iba pa rin sa hotel ‘di ba?” tanong pa nito sa kaniya saka ibinalik sa lagayan ang kanilang log book. Ngumiti na lang siya rito bilang tugon, hindi rin naman niya alam sasabihin niya eh. Tama rin naman kasi ang sinabi ni Angie, mas maarte ang pagpe-plaiting sa hotel kaysa sa BSC. Pero maganda rin naman ang presentation ng mga pagkain sa BSC, simple pero class namang tingnan. Isa pa, hindi naman niya sure kung naa-appreciate iyon ng mga guests. Ang alam lang niya ubos ang laman ng plato ng mga ito kapag inililigpit na ng mga Service Specialist. “Gaano ka na katagal dito?” maya-maya’y tanong niya kay Angie. “Hmmm, first job ko ito at mga magti-three years na rin ako rito,” tugon naman nito sa kaniya habang naglalabas ito ng mga gulay sa ref. “Wow! Ang tagal mo na pala rito ‘no?” namamanghang tanong naman niya rito na ikinahagikhik lang ng dalaga. “Oo, senior citizen na ako rito,” tugon pa nito sa kaniya na binuntutan pa nito ng pagtawa. Dahil sa nakakatuwa itong kakuwentuhan,  marami pa silang napag-usapan ni Angie kaya naman mas bumilis pa ang oras at mag-uuwian na pala siya. Iyon ang akala niya, dahil ngayon ay papasok sa kusina ang store manager nila upang kausapin siya nito. “Ayen, pasensya ka na, pero puwede ka bang mag-overtime ngayon? Umabsent kasi ang kasama ni Angie at may big group na biglang nagpa-reserve. Hindi naman puwedeng maiwang mag-isa si Angie rito, dahil tiyak na maraming orders ang big group na iyon mamaya,” nag-aalalang paliwanag ng Manager nila sa kaniya. Tumatanggap kasi sila ng reservation sa BSC dahil maganda ang lugar at good for business deals. At dahil wala namn siyang importanteng lakad ngayon, pumayag na lang siya. Isa pa, natutuwa rin naman siyang kasama si Angie. Feeling niya ang tagal-tagal na nilang magkakilala sa sobrang gaan ng loob niya rito. “Sige po ma’am okay lang po sa akin,” mabilis pa niyang sagot dito. Nagningning naman ang mukha ng kanilang Manager at saka nagpasalamat sa kaniya. “Naku maraming salamat Ayen! Hayaan mo’t bukas kayo na ni Angie ang buddy, i-mi-mid shift ko na lang si MJ. Salamat talaga!” Parang nabunutan ito nang malaking tinik sa kaniyang lalamunan dahil sa pagpayag niya rito. “Yey! Buti na lang hindi ka pa nakakaalis kung hindi, gugulong akong mag-isa rito mamaya,” natatawang sabi pa ni Angie sa kaniya. Nagkatawanan pa sila sa sinabi nito bago sila muling kumilos. Agad silang naghanda ng mga back-ups, para kung dumating man ang mga orders ng kanilang mga guests ay ready to fight sila. Nang dumating na nga ang longest table nila ay agad snilang pinagtulungan ang paggawa ng mga orders. Wala muna silang usap-usap ni Angie at inilabas muna nila lahat ng mga orders nila. Bale wala ang pagod sa kanila dahil magaan katrabaho ang bawat isa. Salitan silang pumupuwesto sa pantry para hindi sila masyadong mainitan sa loob ng hot kitchen. Nang matapos ang kanilang pagluluto ng mga orders ay saka sila naglinis ng kanilang mga puwesto. Nang malinis na ang paligid, saka sila tumayo lang sa pantry para magpahinga. “Parang walang nangyari ah!” sabi naman ng dishwasher nilang si Kuya Raffy na nakatayo sa kanilang harapan, sa likod ng mga condiments sa pantry table. Nakasandal kasi sila ngayon sa tapat ng pantry table habang nakaharap sa dishwashing area kung saan naroon si Kuya Raffy. “Siyempre naman pards kami pa?” sabi naman ni Angie rito. Mukhang magkakilala na rin ang dalawa base sa tawag ni Angie rito. Mabait din si kuya Raff at masayahin ding tao kaya nakasundo rin niya ito agad. “Maganda ang inyong tandem malupit! Kung si Juliet at Mitch iyan, malamang nagsisigawan na ‘yong dalawang ‘yon. At saka for sure sabog-sabog na ang mga gamit dito,”  tatawa-tawang sabi ni Kuya Raffy na ikinatawa rin nila ni Angie. “Ikaw talaga kuya Raffy puro ka kalokohan,” wika naman ni Ayen dito. “Uyyy, hindi ah! Totoo ‘yong sinasabi ko ‘di ba pards?” Baling pa nito kay Angie, na tumango-tango bilang pagsang-ayon sa sinabi ni Kuya Raff. Napangiti na lang din siya sa tinuran ng mga ito, sa bagay may pagkamasama kasi ng ugali si Mitch eh, kaya hindi naman na siya magtataka kung wala itong makasundo. Ilang minuto pa silang nanatiling nakatayo roon bago muling kumilos si Angie. “Tara nang magligpit, playmate. Anong petsa na oh?” Maya-maya’y yaya ni Angie sa kaniya. “Playmate?” nagtatakang tanong naman niya rito. “Tayo, mag-playmate,” nakangisi namang sagot nito sa kaniya. “Mahilig talaga akong magbansag ng mga endearments. Since para lang naman tayong naglalaro rito sa kusina, playmate na lang itatawag ko sa iyo,” paliwanag pa nito kay Ayen nang hindi umimik kaagad ang dalaga. “Ahhh, okay!” masigla na niyang sagot rito nang maunawaan ang nais nitong iparating sa kaniya. Feeling tuloy niya, close na close na nga sila nito. Inumpisahan na nga nilang maglinis ng kusina kagaya ng sinabi ni Angie sa kaniya kanina. Natapos naman sila agad at wala naman ng humabol pang order. Hindi naman nagtagal at sumapit na ang uwian nila. Sabay-sabay silang lahat na naglakad at nag-abang ng sasakyan. Dahil sa magkaiba ang way nila ni Angie, magkaibang bus din ang sinakyan nila. Nagpaalaman muna sila sa isa’t-isa bago sumakay ng bus. Nakakapagod ang araw na ito pero masaya, lalo’t nagkaroon na naman siya ng bagong kaibigan. Mukhang magkakasundo talaga sila ni Angie dahil magkaedad lang sila. Masayahing tao si Angie kaya naman nakakahawa ang vibes nito. Tingin niya, magiging matalik silang magkaibigan nito.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD