Chapter 1

2613 Words
Bitter-Sweet Café. Iyon na nga ang kanina pa hinahanap ni Ayen na establishment. First day niya sa work today at kailangan niyang mag-report ng alas diyes ng umaga. Mabuti na lang at maaga siyang umalis sa kanilang bahay kaya maaga pa rin siya ng kalahating oras sa kaniyang trabaho. Agad siyang nagtanong sa guard kung saan ang entrance ng mga empleyado, at itinuro naman ng mamang guard sa kaniya ang daan patungo sa likurang bahagi ng coffee shop.             Pagpasok niya sa loob ng employees entrance ng coffee shop ay agad niyang hinanap ang opisina ng manager kung saan siya magre-report. Nakita naman agad niya ang maliit na opisina malapit sa bundy clock, pagkalagpas ng mini dining area, katabi ng isa pang pintuan, kaya naman agad siyang naglakad patungo roon at kumatok. Dahil bukas naman ang pintuan ng opisina, agad naman siyang nilingon ng isang babaeng tingin niya ay ang manager ng Bitter-Sweet Cafe. Nakasuot kasi ito ng isang brown checkered blouse at light brown slacks, habang ang saping pampaa nito ay isang brown close shoes. Maamo ang mukha nito at nakaka-good vibes ang matamis nitong ngiti. “Good morning po,” agad na bati ni Ayen sa babaeng nasa loob ng silid na iyon habang nakatayo’t nakahawak sa kaniyang bag. “Good morning. Ikaw ba si Analyn Sanchez?” nakangiting tanong naman nito sa kaniya. “Opo, ako po ang bago niyong kitchen specialist,” tugon naman niya rito. “Hi, Analyn, ako nga pala si Ada, ang magiging manager mo. Miss A ang tawag nila sa akin dito, kaya iyon na lang din ang itawag mo sa akin,” nakangiti pa ring pakilala nito sa kaniya. “Anyway, ang schedule mo for the entire week ay from ten in the morning, to seven in the evening. Ang schedule rito ay weekly nagbabago, minsan pang-umaga, minsan naman panggabi or mid-shift kagaya ng sschedule mo this week.” Tumayo ito mula sa kinauupuan nito saka siya iginiya palabas ng opisina. Sinundan naman niya ito at matamang nakikinig sa mga sinasabi ng kaniyang manager. “Ito ang mini dining area natin, dito tayo kumakain kapag break time.” Naglakad itong muli at pumasok sa pintuang katabi ng opisina nito. “Ito naman ang locker natin, dito mo itatago ang mga gamit mo, like your bags and oher personal belongings. Locker number twenty four ang magiging locker mo, sana may dala kang lock para riyan,” nakangiti pang turan nito. “And ito ang CR natin,” pagtatapos nito sa sinasabi nito sa kaniya bago siya haraping muli nito. “May tanong ka ba sa akin?” “Ahm, wala naman na po Miss A,” nakangiting tugon na rin naman niya rito. “Okay, magbihis ka na muna tapos puntahan mo ulit ako sa opisina para maipakilala kita sa mga kasamahan mo,” anito saka siya iniwan nito sa locker. Napangiti naman siya saka nag-ayos na nga ng kaniyang sarili. Kagaya nga ng sinabi ni Miss A sa kaniya, muli niya itong pinuntahan sa opisina nito. Pinag-punch in na muna siya nito saka dinala sa kusina na katabi lang din ng bundy clock at saka ipinakilala sa mga kitchen staff na naroon. Graduate naman siya ng kursong HRM kaya may idea na rin siya sa trabahong kaniyang pinasok. “Girls, siya nga pala si Analyn Sanchez, ang bago niyong makakasama rito sa kusina. Ate Maddy, pakituruan na lang siya ng mga gawain dito sa kusina,” bilin pa nito sa isang babaeng mukhang mataray. “Sure Ma’am,” agad namang sagot nito sa kanilang manager. “Okay, Analyn, iiwan na kita sa kanila. Kapag may problema, magsabi ka lang sa akin, okay?” sabi pa nito sa kaniya na kaniya namang tinanguan. “Thank you po Ma’am,” tanging naisagot niya bago ito umalis sa loob ng kusina. Agad siyang nag-obserba sa loob ng kusina, tumulong rin siya sa mga ginagawa ng mga kasamahan habang hindi pa siya maharap ni Maddy. Madali lang naman ang mga ginagawa ng mga ito kaya madali niya itong nasusundan. Nagtungo siya sa pantry area para tingnan kung ano ang mga naroon nang may lumapit sa kaniya. “Marunong ka bang humawak ng kutsilyo?” maya-maya’y tanong sa kaniya ng isang babaeng may kalakihan ang katawan— malaking katawan in terms of height and body built, na naroon sa loob ng kusina. May hawak itong kutsilyo at mga gulay nang lumapit ito sa kaniya. “Opo marunong naman po akong humawak ng kutsilyo. Hihiwain po ba ang mga iyan?” tanong naman niya rito sabay turo sa hawak nitong mga gulay at kutsilyo. Inilapag nito ang mga hawak na gulay at kutsilyo sa kaniyang tabi saka naghiwa ng lettuce, cucumber, tomato, at carrots. “Hiwain mo ang lahat ng mga ito ng ganito,” anito sa kaniya saka ipinakita ang klase ng hiwang gagawin niya sa mga gulay. Tinanguan naman niya ito’t kinuha ang kutsilyo saka nag-umpisang maggayat ng mga gulay. ‘Ito lang ba?’ tanong pa niya sa kaniyang isip. Umalis naman na ito sa kaniyang tabi at hinayaan na siyang tapusin ang pinapagawa nito sa kaniya. Saglit lang niyang tinapos ang mga ipinagawa sa kaniya, dahil nga gaya nga nang nabanggit kanina, hindi na siya bago sa mga gawaing kagaya noon. Nang matapos ay maayos niyang isinilid sa loob ng ref, na nasa ibaba ng working station niya ang mga nagayat na gulay. Itinabi na rin niya ang kutsilyong ginamit niya kanina at nilinis ang working station niya. Sumilip siya sa loob ng hot kitchen upang hanapin ng kaniyang paningin ang babaeng nag-uts sa kaniya kanina. “Ano pa pong gagawin?” tanong niya rito nang makita niya itong nakikipagkuwentuhan lang kay Maddy. Tila naman may naisip itong kalokohan at nakangisi pa itong naglakad patungo sa kaniyang kinaroroonan. “Halika sundan mo ako,” anito sa kaniya, kaya sinundan naman niya ito. “Nakikita mo ito? Inventory sheet ‘to, mag-imbentaryo ka. Lahat nang nakikita mo rito, iniimbentaryo ‘yan. Maliwanag ba?” tanong pa nito sa kaniya sabay turo sa lahat ng mga spices na nasa loob ng isang cabinet. ‘Ito lang ba? Sisiw!’ bulong pa niya sa kaniyang sarili bago siya bumaling dito. “Opo. Nasan po iyong weighing scale para sa mga powdered items?” tanong niya sa babae, dahil nakita niyang puro spices halos ang iimbentaryuhin niya. “Ito oh,” anito sabay abot sa kaniya ng weighing scale na inabot nito mula sa taas ng cabinet. “Pero itong pamintang buo, anis, at pepper corn, binibilang ‘to ha, hindi tinitimbang.” Bilin pa nito sa kaniya. Napakunot naman ang noo niya sa sinabi nitong iyon. ‘Kailan pa binilang ang mga ito? Maski no’ng nag-aaral ako tinitimbang ang mga ito,’ bulong pa niya sa kaniyang isip. “Ma’am, pasensya na po ha, pero seryoso po ba kayong binibilang ninyo ang mga ito?” Pagkaklaro pa niya rito. “Oo binibilang ‘yan. Hindi ba naituro sa school niyo iyan?” sagot naman nito sa kaniya, na nakataas pa ang isang kilay. Gusto sana niyang matawa sa sinabi nito pero pinigilan niya nag kaniyang sarili. “Sa pagkakaalam ko po kasi, hindi po binibilang ang mga ito. Tinitimbang din po ang mga ito kagaya ng mga powdered items. Kung bibilangin ko po ito isa-isa, baka ito na lang po ang gawin ko hanggang matapos ang duty ko.” Pangangatwiran pa niya sa babae. “Aba’t sumasagot ka na ha! Kabago-bago mo lang dito sumasagot ka na! Saan ka ba nag-aral?” mataray namang nitong tanong sa kaniya. “Pasensiya ka na Ma’am, mali naman po kasi talaga ‘yong pamamaraan ng pag-iimbentaryo ninyo ng mga items na ito. Kung bibilangin ninyo nga ang mga ito, tiyak na maraming oras ang makukunsumo niyo rito. Saka po, wala naman pong kinalaman kung saan ako nag-aral. HRM graduate po ako at nagtrabaho na rin po ako sa hotel. Kaya po alam kong hindi binibilang ang bawat butil nitong mga ‘to,” mahaba-habang paliwanag niya rito. Tila naman napahiya ang kaniyang kausap dahil bahagya pang namula ang mukha nito. Magsasalita sana ito nang awatin ito ni Maddy na malamang ay tapos na rin sa ginagawa nito sa loob ng hot kitchen. “Mitch, tama na iyan. Ituloy mo na lang iyong ginagawa mo sa loob, ako nang bahala kay Analyn,” anito sa kasama na agad namang sumunod sa sinabi ni Maddy. Nasundan na lang niya ito ng tingin hanggang sa mawala na ito sa kaniyang paningin. “Sige na Analyn, ituloy mo na ang pag-iimbertaryo mo,” sabi ni Maddy sa kaniya nang makaalis na si Mitch. “Ayen na lang po ang itawag niyo sa akin,” nakangiting saad niya rito. “Okay, sige, ipagpatuloy mo na iyan at kakausapin ko lang si Mitch,” paalam na nito sa kaniya. Nasundan na lang niya ito ng tingin saka napahugot nang malalim na paghinga saka inumpisahan ang pag-iimbentaryo. Nag-uumpisa na siyang magtrabaho nang may lumapit sa kaniya. “Ang galing mo roon girl! Ako nga pala si Juliet,” anang babae sa kaniya. Nilingon naman niya ito saka sumagot, “Ako naman si Analyn, Ayen for short,” pagpapakilala naman niya rito. Nginitian pa niya ito bago itinuloy ang pag-iimbentaryo. “Madali lang naman ang trabaho natin dito, paniguradong kayang-kaya mo iyon!” natutuwang saad pa ni Juliet sa kaniya habang nakasandal ito sa working station malapit sa kaniya. “Salamat,” tipid na sagot naman niya rito saka muling ipinagpatuloy ang kaniyang ginagawang pag-iimbintaryo. Hindi naman sa ayaw niyang makipagkwentuhan dito, pero medyo inaaral pa kasi niya ang galaw ng bawat isa sa bago niyang trabaho. Nagpasalamat na lang siya at biglang nagka-order,  dahilan upang bumalik na sa trabaho si Juliet. Pagkatapos niyang mag-imbentaryo ay tumulong siya sa pagpe-prepare ng mga orders. Gumaan na rin ang sitwasyon lalo  na no’ng makauwi na si Mitch. Hindi na siya kinibo nito simula nang bumalik ito sa kusina. Hinayaan na lang din niya ito at ipinagpatuloy ang paggawa ng mga orders. “Ayen, mag-beak ka na muna,” maya-maya’y pukaw sa kaniya ni Maddy. Nang tingnan niya ang oras ay alas-dos na pala ng hapon. Agad naman siyang sumunod at nagtungo na sa maliit na kainan sa likod ng kusina. Inilabas na niya ang kaniyang baon at nag-umpisang kumain, sinabihan naman kasi siya ng kanilang opisina na magbabaon siya kasi wala namang malapit na bilihan ng pagkain sa BSC. Masyadong sosyal ang location ng coffee shop kung kaya’t malayo ang mga fast food chains mula roon. Isang oras din ang break niya kaya nakapag-cellphone pa siya habang naghihintay ng oras. Nag-check lang siya ng kaniyang mga messages, pagkatapos noon, nag-ayos na siya ng kaniyang sarili at saka muling nag-punch in. “Ayen, pasensya ka na nga pala kanina kay Mitch ha? Bully kasi talaga iyon sa mga bagong empleyado eh. Hayaan mo’t malilipat na rin naman ng brunch ‘yon bukas eh.” Naggagayat siya ng lettuce ng mga oras na iyon, nang lapitan siya ni Maddy. “Okay lang po Ma’am. Nadala lang din po ako sa pagsagot ko sa kaniya kanina,” mahinahong sambit naman ni Ayen dito. “Lakas mo naman maka-teacher! Ate na lang, senior citizen na ako rito, pero ate lang tama na ‘yon,” humahagikhik pang saad nito sa kaniya. Mukha lang pa lang mataray ito pero mabait naman pala. Mabuti na lang at malilipat na rin pala ‘yong Mitch ng branch. Ayaw kasi niyang magtrabaho ng may nakakasamaan ng loob hanggat maaari. Gusto niya lahat ng mga makakatrabaho niya ay makakasundo niya. Mas masarap kasing magtrabaho ng ganoon. Nginitian lang din niya si Maddy saka tinapos ang kaniyang ginagawa, habang ito naman ay bumalik na ulit sa loob ng hot kitchen. “Mga bakla, uuwi na ako! Kayo nang bahala sa negosyo natin ha?” Narinig nilang paalam ni Maddy. Sinulyapan niya ang orasang nakasabit sa kusina at nakitang alas-tres na pala ng hapon. Naging abala kasi sila ni Juliet kaya hindi nila namalayan ang oras. Isang oras pa at si Juliet naman ang uuwi. Opening kasi sila kaya maaga rin ang uwian ng mga ito. “Sige po Ate ingat po!” sabi pa niya rito, saka pumuwesto sa pantry at inaral ang mga platings. Wala pa naman silang orders kaya malaya niya itong nagagawa. “Ate Ayen, ang galing mo talaga kanina. Saludo ako sa iyo, ikaw lang ang nakabara sa babaeng ‘yon.” Pagka-alis ni Maddy ay agad siyang nilapitang muli ni Juliet. “Ibig sabihin ginagawa niya ‘yon sa lahat?” kunot-noong tanong ni Ayen dito. “Naku, Ate opo. Nasampolan din ako niyan dati eh, nagkataong wala si ate Maddy, kaya walang nagtanggol sa akin,” kuwento pa nang madaldal niyang kasamahan. “At ginawa mo naman?” muli niyang tanong dito, habang ibinabalik ang menu sa lagayan nito. “Opo eh, kasi wala naman pong magtatanggol sa akin. Saka first job ko kasi ito eh, kaya takot pa akong sumagot-sagot,” kakamot-kamot sa ulong tugon nito. Napailing na lang siya sa sinabing iyon ng katrabaho. “At hindi niyo siya isinusumbong sa manager? Kaya naman pala paulit-ulit niyang ginagawa iyon sa mga baguhan eh,” napapalatak niyang turan dito. Naawa naman siya bigla sa mga nabiktima nito. Napangisi naman si Juliet bago muling nagsalita, “‘Di bale ate, tatahimik na ang kusina kasi mawawala na siya rito. Sana lang mabait ‘yong malilipat na kapalit niya rito,” anito sa kaniya, saka pumasok na sa hot kitchen dahil may order na sila. ‘Sana nga para naman maganda ang pag-i-stay ko rito,’ tanging sambit niya sa kaniyang isip. Pagpatak ng alas kwatro, si Juliet naman ang nagpaalam sa kaniya. Nginitian naman niya ito’t tinanguan bilang pamamaalam sa dalaga. Maya-maya pa ay may dumating na isang maliit na babaeng may malaking hinaharap. “Hello po! Bago ka rito?”  bati nito sa kaniya, mukhang makakasundo naman niya ito dahil mukha namang mabait. “Ako nga pala si MJ.” Inilahad pa nito ang kamay sa kaniyang harapan upang makipagkamay sa kaniya. “Ayen,” sagot naman niya, sabay abot sa kamay nito. “‘Wag kang mahihiya sa akin ha? Bago lang rin naman ako rito mga two months pa lang,” nakangiti pa ring saad nito sa kaniya. “Okay. Salamat,” tanging naisagot niya rito. Nginitian niya ito bago sila nagbalik muli sa kanilang trabaho. Naging matiwasay naman ang shift nila kaya natulungan pa niya itong mag-prepare ng ibang gamit na gagamitin nito sa kusina. Wala kasi itong katulong ngayon pero okay lang naman daw, dahil hindi naman daw busy ang ganitong araw. Sumapit na ang uwian ni Ayen. Alas-siyete pa lang ng gabi kaya maaga siyang tiyak na makararating sa kanilang bahay. So far okay naman ang trabaho. Dahil may experience naman na rin siya sa trabahong kaniyang pinasok, sisiw na lang sa kaniya ang mga gawain sa coffee shop-restaurant na iyon. “MJ mauuna na ako sa iyo ha. Thank you! See you tomorrow!” Paalam pa ni Ayen dito bago mag-punch out. “Sige friend, mag-iingat ka sa pag-uwi. See you!” tugon naman nito sa kaniya saka ito kumaway sa kaniya. Agad naman siyang nagtungo sa locker at nagbihis ng kaniyang pang-uwi. Matapos magbihis ay maya na siyang naglakad palabas ng coffee shop, at tinungo ang sakayan ng mga bus. Hindi rin naman siya natagalan sa pag-aabang ng sasakyan at agad rin siyang nakasakay. Nakangiti pa siya habang bumabiyahe dahil masaya naman siya sa bago niyang trabaho. ‘Tomorrow will be another day!’ nakangiting sambit pa niya sa kaniyang sarili, habang naglalakad na pauwi sa kanilang bahay nang makababa na siya ng bus.  
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD