Walang pagsidlan ang sayang nadarama ni Bernie ng mga oras na iyon. Bukod kasi sa nakasama niya ng buong araw ang dalaga, napapayag din niya itong ihatid bukas sa trabaho nito. Para tuloy siyang lumilipad sa alapaap habang naglalakad patungo sa kanilang bahay. Nang makarating siya sa kanila ay agad siyang nagtungo sa banyo upang maligo. Habang naliligo, hindi niya maiwasang maisip ang naging date nila ni Ayen kanina. Napapangiti pa siya habang sinasariwa ang buong araw na magkasama sila ng dalaga. FLASHBACK... Ito na ang araw na pinakahihintay niya, aaminin niyang nanabik siya sa magiging date nila ni Ayen. Hindi rin niya maipaliwanag, ngunit ang simpleng pagkagusto niya sa dalaga ay tila lumalalim na. Alam naman niyang masyado pang maaga para masabi niyang pagmamahal na nga ang kaniyang