Chapter 7

1605 Words
NANG makalayo si Zoe sa kanilang bahay ay pansamantala niyang itinigil ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi siya makapagmaneho nang maayos dahil sa dami ng luhang bumabalong sa mga mata niya. Hindi rin niya alam kung saan siya pupunta. Why did you do this to me, Dad? I thought I was your princess, your precious one. I thought you loved me. Pero bakit mo ako ipamimigay sa Lawrence na iyon? Thinking of that once more crushed her to the core. Kanina pa niya tinatawagan si Candice pero hindi ito sumasagot. Hanggang sa napag-isip-isip ni Zoe na hindi nga pala siya puwedeng magtago sa bahay ng best friend niya o sa sinumang kakilala niya. Madali siyang matutunton ng kaniyang pamilya. Kaya pinatay na lang ng dalaga ang kaniyang cellphone. Nang mapakalma ang sarili ay itinuloy ni Zoe ang pagmamaneho. Bagaman at wala pa rin siyang alam na pupuntahan nang makarating siya sa EDSA. Palipat-lipat ang tingin ng dalaga kung sa North o South ba siya pupunta. Hanggang sa namalayan na lang niya ang sarili na binabaybay na ang SLEX o South Luzon Expressway. Ilang beses na rin siyang nakarating sa maraming lugar sa rehiyon na iyon. Kaya medyo pamilyar pa kay Zoe ang mga nadadaanan niya, partikular na ang Laguna na madalas nilang puntahan ni Candice tuwing summer. Ang gusto lang niya nang mga oras na iyon ay makalayo sa kaniyang pamilya. Tuloy-tuloy lang ang pagmamaneho ng dalaga kahit habang palayo nang palayo ay nagiging unfamiliar na ang lugar na nakikita niya. Ni hindi niya alam kung parte pa ba ng Laguna ang binabaybay niya. Ang alam lang ni Zoe ay kanina pa siya nakalabas ng siyudad. Dahil maliliit at medyo liblib na bayan na ang nadadaanan niya. 12:15 A.M. bulong niya sa oras na nakita niya mula sa suot niyang wristwatch. Sanay na si Zoe na inaabot ng madaling araw sa labas dahil sa hilig niya gumimik. Pero hindi sa ganoong pagkakataon na nasa ibang lugar siya at hindi alam ang pupuntahan. Nakaramdam ng kaba si Zoe nang makarating siya sa lugar na walang gaanong ilaw at kabahayan. Nakakatakot ang tunog ng mga owls at crickets. Doon na naisipan ng dalaga ang bumalik na lang. Pero naligaw siya. Ang tagal na niyang nagpaikot-ikot pero hindi niya makita ang main road na pinanggalingan niya kanina. Hanggang sa makarating siya sa mas mabundok na lugar. Nakita niya ang kagandahan ng Mt. Banahaw mula sa sinag ng buwan. "Malinao Spring and Resort, Majayjay, Laguna," basa ni Zoe sa nakasulat sa karatulang pinaghintuan niya ng kotse. Medyo maliwanag ang lugar at may naririnig siyang mga ingay. Nabuhayan ng pag-asa ang dalaga nang makitang bukas pa ang resort at may mga nag-o-overnight swimming pa. May mga maliliit na cottages din siyang nakita. Lalong natuwa si Zoe nang mapatingin siya sa kabilang side ng kalsada. Isang nagngangalang Samkara Restaurant and Garden Resort ang nakita niya. Parehong maganda at nakakahalina ang dalawang resort. Nag-agaw tuloy ang loob niya kung saan magpapalipas ng gabi. Habang nag-iisip ay biglang nakarinig si Zoe nang sunod-sunod na alulong ng mga aso. Nakakatawa man pero isa iyon sa kinatatakutan niya tuwing gabi. Hindi kasi mawala-wala sa isip ng dalaga ang madalas na sinasabi ng kaniyang yaya noong bata pa siya. Na kapag may asong umalulong daw, ibig sabihin ay may mamamatay. Nakikita raw ng aso si kamatayan o grim reaper kung tawagin niya. "What now, Zoe Mei?" kausap niya sa sarili nang hindi pa rin tumitigil sa pag-alulong ang aso, at sinundan pa ng iba. Kinikilabutan na siya. "Gosh, hindi rin ako makakatulog nito habang iniisip ko na nasa paligid lang ang grim reaper. Damn! Kung bakit kasi ang hilig kong magpakuwento kay Yaya Auring ng horror stories noon." Nang makarinig ng iba't ibang huni ng insekto na lalong nagpakilabot kay Zoe ay sumibat na siya. Noon lang niya nakita ang karatulang "Welcome To Lucban, Quezon". Boundary na pala ng probinsiya ng Laguna at Quezon Province ang Malinao Spring and Resort. She has never been to that place. Pero naririnig na niya na maganda nga raw ang lugar na iyon. Kilala rin sa tinatawag na Pahiyas Festival ang Lucban. Dinadayo nga rin daw ng mga artista. So out of curiosity, dumiretso si Zoe. Ngunit nang makarating siya sa madilim na bahagi ng kalsada ay biglang sumabog ang gulong niya. At doon lang niya pinagsisisihang dumiretso pa siya. Walang alam ang dalaga sa pagpapalit ng gulong. Dahil lagi namang nandiyan si Mang Roldan para gumawa niyon. And besides, papayag ba naman si Zoe na madumihan at magbuhat ng gulong? Of course not, over her dead body! Pero mag-isa lang siya nang mga oras na iyon. Alangan namang papuntahan pa niya roon si Mang Roldan. Eh, 'di natunton siya ng kaniyang ama. Napakadilim naman ng lugar kung maglalakad siya at susubukang maghanap ng tulong o ng talyer. "Think, Zoe. Think!" malakas na usal ni Zoe habang nagtatalo ang kalooban kung hihingi na ba ng tulong kay Mang Roldan o sa Daddy niya. Ngunit nang makitang low battery na pala ang cellphone niya ay napasigaw na lang ang dalaga sa sobrang pagkainis. "Uurrghh! You are so malas talaga, Zoe Mei. Ito na ba ang punishment sa ginawa kong paglalayas? At sa pagiging maluho ko?" Nanggagalaiti na ibinato ng dalaga ang kaniyang mamahaling cellphone. "Wala kang silbi sa'kin ngayon dahil hindi mo ako matutulungan. At ikaw din." Sinipa niya ang clutch ng sasakyan. "And you, stupid self!" singhal niya sa sarili nang makita ito sa rearview mirror. Napangiwi siya nang makitang mukha na siyang losyang dahil sa stress nang oras na iyon. Tila kinapos ng hangin si Zoe dahil sa sobrang pagkainis kaya binuksan muna niya ang isang bintana para sumagap ng sariwang hangin. But out of nowhere, bigla na lang may sumungaw na dalawang lalaki at tinutukan siya ng baril. "Bababa ka ba riyan o papatayin ka namin?" "W-who are you? And what do you want from me?" nasisindak na tanong ni Zoe. Kulang na lang ay himatayin siya sa dulo ng baril na nakatutok sa kaniya. "Waw, inglesera! Naka-dyakpat tayo, brad," anang isang lalaki at todo-ngisi. "Hoholdapin ka namin, Miss. At kukunin namin itong kotse mo," wika naman ng isa na siyang may hawak ng baril. "Kaya bumaba ka na kung ayaw mong iputok ko sa'yo itong baril ko." Lalong nanginig sa takot si Zoe. "Handa po akong ibigay lahat ng meron ako. You can have my money, my cellphone, my watch... anything. Basta h'wag lang itong kotse ko." "Eh, gag* ka pala, eh. Dito nga kami dyakpat sa sasakyan mo," giit na naman ng isa. Kung wala lang sa alanganing lugar si Zoe, walang pagdadalawang isip na ibibigay niya lahat. Kahit ang kotse pa niya na million dollar ang halaga. Pero kung pati iyon ay ibibigay niya, paano pa siya makakauwi? Saan siya pupulutin? "Ano, Miss? Bababa ka ba o pasasabugin ko na ang ulo mo?" Takot siyang mag-isa nang mga oras na iyon. Pero mas natatakot siya sa dalawang holdaper na mukhang hindi nagbibiro. God, she's not yet ready to die. Kahit malaki ang tampo niya sa kaniyang ama, pipiliin pa rin niya ang mabuhay. Mariing napapikit si Zoe. Ilang sandali pa ay binuksan na niya ang automatic lock ng kotse. Habang bumababa ng sasakyan ay nakasunod sa kaniya ang lalaking may hawak na baril. "Ang seksi pala ni tisay, brad. Sayang naman kung hindi natin matitikman," animo'y naglalaway na sabi ng kasama nito. "Ngayon lang tayo makakatikim ng ganito kabango at kagandang babae. Kaya daliin muna natin bago tayo sumibat." Nahindik na naman si Zoe. Subalit pinili niyang maging alerto nang mga sandaling iyon. Wala siyang alam na kahit anong self-defense. Pero kahit anong mangyari, hindi siya papayag na ma-rape ng dalawang lalaking iyon na mga mukhang pusit. "Oo nga, brad. Daig pa natin nito ang nakahuli ng artista," pagsasang-ayon ng lalaking may hawak na baril at nasa likuran ni Zoe. Parang takam na takam na nag-usap ang dalawang lalaki at saglit na nakalimutan siya. Sinamantala naman iyon ng dalaga. Gamit ang kaniyang Hermes bag ay hinampas niya nang malakas sa mukha ang lalaking nasa likuran niya. Sa pagkagulat ay nabitiwan nito ang baril at tumalsik sa malayo. Sumunod namang hinampas ni Zoe ang kaharap niya at tinuhod sa harapan. Ganoon din ang ginawa niya sa isa na aktong dadamputin ang baril. Sunod-sunod na hampas pa sa ulo ang ginawa ng dalaga. Napakatigas ng kaniyang bag kaya napaigik ang dalawang holdaper. Parehong nakasapo sa ulo at sa harapan. Litong-lito at natatarantang iniwan ni Zoe ang mga ito. Wala na siyang pakialam sa mga gamit niya o kung saan man siya mapadpad. Hindi niya alintana ang napakadilim na paligid. All she wanted was to escape. Walang katapusan na kalsada ang tinakbuhan ni Zoe. Kahit hinihingal man ay lalo pa niyang binilisan nang makitang hinahabol siya ng dalawang lalaki. Umiiyak na siya sa sobrang takot at pagod. Aminado ang dalaga na hindi siya religious na tao. Pero bigla siyang napadasal nang paulit-ulit para humingi ng tulong sa Diyos. "Papa God, iligtas Mo lang po ako ngayon. Promise, uuwi na ako sa'min. Hindi na ako maglalayas. Hinding-hindi na ako magiging maluho," umiiyak na dasal ng dalaga. Mayamaya ay may nakita si Zoe na paparating na sasakyan. Pinara niya iyon kahit malayo pa. Napaiyak siya sa sobrang tuwa nang tumigil ang sasakyan at bumaba ang isang lalaki. Mukhang dininig ng langit ang tulong na hiningi niya. Nasisilaw siya sa liwanag ng headlight ng sasakyan nito kaya hindi niya mamukhaan ang inaasahan niyang anghel na ipinadala ng Diyos para iligtas siya. "Oh, God! Thanks, Papa God!" Binilisan pa niya ang pagtakbo para humingi ng saklolo sa bagong dating na lalaki.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD