SA pagkawala ni Lawrence ay nabawasan na ang pag-aalala ni Zoe sa kaniyang pamilya. Lalo siyang nagsusumikap para mas makaipon siya nang malaki at kahit papaano ay may maitulong siya sa kaniyang pamilya. Batid niyang ibang-iba na ang buhay na madadatnan niya sa Pilipinas kapag umuwi siya. Balak din ng dalaga na magpaalam na sa boss niya sa L. Crew Associates. Pero hinihintay pa niyang bumalik si Gerard na umuwi ng Pilipinas para dalawin daw ang mga magulang. Tatlong buwan na itong naroon pero kahit isang beses ay hindi man lang tumawag kay Zoe. Pero kahit papaano ay nagcha-chat naman. Busy lang daw ito sa pag-aasikaso sa inang maysakit. Babawi na lang daw kapag nakabalik na sa New York. "Hi, Zoe. Kailan ang balik ni Architect Solis?" tanong ng katrabaho niyang si Lynell nang magkasabay