Chapter 3

1106 Words
"OH, MY GOD! Launching na pala ng newest design ng Louis Vuitton bag sa Japan." Muntik nang lumuwa ang mga mata ni Zoe sa nabasa niya sa magazine. Bumangon pa siya mula sa hinihigaang beach bed na nasa gilid ng swimming pool, para lang basahin uli ang nakasulat sa headline. "Gosh, it's true nga. Bakit hindi ako na-inform? I really want this bag pa naman." "H'wag mong sabihin na magpapabili ka na naman kay Daddy, Ate?" Itinigil ng kapatid ni Zoe na si Zhang, short for Olivia Zhang, ang pagdutdot nito ng cellphone para balingan siya. Mas bata ito sa kaniya nang anim na taon. Pero mukha pang mas matured tignan kumpara sa kaniya. "Eh, last month lang nabili 'yong Hermes bag mo, ah." "Why not? Daddy has a lot of money naman, eh. Kering-keri niya kahit ano pa ang hilingin natin," turan ni Zoe. "Siya na nga ang nagsabi, ' di ba? That's why he did not let me work." "Ewan ko sa'yo, Ate. Napakaluho mo talaga," reklamo pa ni Zhang. "Para kang magkakasakit kapag walang nabibili na bagong signature item." "Hayaan mo na si Ate Zoe, Ate Zhang. Eh, sa pagsa-shopping siya masaya, eh," pagtatanggol sa kaniya ng kanilang bunso at nag-iisang kapatid na lalaki na si Qui, short for Hayden Qui naman. Mas bata ito kay Zhang nang tatlong taon. "Parang ikaw. Sobrang addict ka na rin sa Minecraft at Roblox. Pero hindi ka namin sinasaway because we know na diyan ka happy." Tatlo silang magkakapatid at lahat ng pangalan nila ay pinaghalong Filipino at Chinese names. Purong Chinese kasi ang kanilang ama at pure Filipino naman ang kanilang ina. Dito sila ipinanganak at lumaki sa Pilipinas. At dahil magkaiba ang lahi ng kanilang mga magulang kaya madalas ay multilingual ang gamit sa bahay nila. Mandarin at English ang palaging ginagamit ng kanilang ama na si Herbert Tan. Pero marunong na rin itong mag-Tagalog. Pilipit lang kung minsan. Samantalang Fillipino at English naman ang salita ng mommy nila na si Dahlia Tan. Kahit papaano ay may alam naman ito sa Mandarin. Silang magkakapatid lang ang fluent sa tatlong lengguwahe. "Seventeen years old ka na pero sa Roblox at Minecraft ka pa rin nababaliw, Ate Zhang," dagdag pa ni Qui at saka tumawa. "Dapat Mobile Legend na ang nilalaro mo, eh." Inirapan ni Zhang ang bunso nila. "Mind your own business, Qui-boy. Burahin ko iyang t****k account mo, eh. Iyak ka diyan. Goodbye 3M followers." Tatawa-tawa lang si Zoe habang nakikinig sa asaran ng dalawa niyang kapatid. Ganoon lang talaga sila kung minsan. Okrayan at basagan ng trip pero love nila ang isa't isa. Lagi silang magkakampi kapag may inaway isa man sa kanila. Nagkataon lang talaga na magkakaiba sila ng mga hilig sa buhay. Kung si Zoe ay sa pagsa-shopping at pagta-travel around the world ang hilig, mobile games naman ang gusto ni Zhang. Partikular na ang Roblox at Minecraft nga. Kabaligtaran din niya ito ng pag-uugali. Kung gaano siya kaarte, ganoon naman ito kasimple. Maipusod lang ang buhok, okay na. Kahit ang pagli-lipstick ay inaayawan din ni Zhang. Pero sa kanilang tatlo ay ito ang pinakamatalino at totoong achiever. Nagta-top one sa class kahit hindi gamitan ng impluwensiya ng Daddy Herbert nila. Palibhasa ay masipag mag-aral. Si Zhang din ang pinakakuripot sa tatlong magkakapatid. Kaya asar na asar ito kay Zoe na puro pagwawaldas lang ang alam. Wala namang trabaho. Si Qui naman ay adik sa social media, lalong-lalo na sa t****k at Youtube. Vlogger, in short. Mahilig sa exposure pero ayaw namang mag-artista o mag-model kahit marami namang kumukuha rito dahil nga sa guwapo at pang-model ang height. Kahit fourteen years old pa lang ay para na itong binatang-binata kung tingnan. Parang si Qui naman ang boy version ni Zoe. Conyo at maarte. Kaya sila ang palaging magkasundo. "Mga ate, nagre-request ang mga followers ko. 'Ate reveal' daw," mayamaya ay sabi ni Qui pagkatapos nitong mag-upload ng video na kasama silang dalawa ni Zhang, pero nakatalikod naman. Dahil nga hindi sila madalas i-publicize ng kanilang ama, kaya bihira ang may nakakaalam ng totoo nilang estado sa buhay. Lalo na sa social media. Kaya ang akala ng mga followers ni Qui ay simpleng t****k-er lang ito na gustong sumikat at kumita. "Si Ate Zhang mo na lang. Alam mo namang wala akong hilig sa ganiyan, eh," tanggi ni Zoe at muling bumalik sa pagkakahiga sa beach bed at ipinagpatuloy ang pagbabasa ng magazine. "Come here, Ate Zhang. Ipapakilala na kita sa mga followers ko." Kinalabit ni Qui ang kapatid. "For sure, magte-trending ka kaagad." "H'wag mo nga akong dinadamay sa kalokohan mo, Qui-boy. Nanahimik ako rito, eh." "Stop calling me that, Ate. Ang jologs mo talaga. Tapos ang KJ pa." Inis na binato ni Zhang ng tsinelas ang kapatid na lalaki. "Bi zui!" Mandarin language ang gamit nito na ang ibig sabihin ay "Shut up!" "Ting xa lai," pagpapatigil ni Zoe sa mga kapatid. Kahit siya ang pinakamaarte at childish kung minsan, sinunod pa rin naman siya ng mga ito. Mayamaya ay dumating na ang isa sa marami nilang kasambahay para ihatid ang kanilang merienda. "Ah, Dindi," tawag dito ni Zoe pagkalapag ng juice. "Pakipunasan nga ang feet ko. Sumayad kasi sa wet floor, eh." Mula sa gilid ng kaniyang mga mata ay nakita ni Zoe na tiningnan siya nang masama ni Zhang. Alam niyang kumokontra na naman ito sa kaartehan niya. But she just ignored her. Sanay na siya sa ganoong reaksiyon ng kapatid. Kung paanong nasanay na rin ang mga kasambahay nila sa kaartehan ni Zoe. Bukod doon, over all, mabait naman siyang amo. "Sige po, Ma'am Zoe. Kukuha lang ako ng towel." Pagkabalik ni Dindi ay may dala na itong pamunas at lumuhod sa paanan niya para punasan ang makinis at namumulang talampakan niya. "Thank you, Dindi," ani Zoe. "Pakiabot na rin ng juice ko." Tumalima naman ang maid at inabot sa kaniya ang baso. Pero muntik na niya iyong maihagis nang may makita siyang maliit na insekto na lumulutang doon. "Ewww. What's that, Dindi? It's so kadiri. Ayoko niyan! Palitan mo, please." "Naku, sorry po! Hindi ko alam kung saan galing ang langgam na iyan, Ma'am Zoe. Papalitan ko na lang po. Pasensiya na uli." Dala-dala ang baso ay nagmamadaling bumalik sa kusina ang kasambahay. "Ang arte mo talaga, Ate Zoe. Hindi mo naman ikamamatay 'yong langgam, eh," sita sa kaniya ni Zhang. "Arte your face," irap niya sa kapatid. "Natural, mandidiri talaga ako. Kung saan-saan kaya gumagapang ang mga ant." Hindi na niya pinansin si Zhang nang may sinabi pa ito. Maarte na lang na bumalik sa pagkakahiga si Zoe. Samantalang tatawa-tawa lang sa kanila si Qui.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD