MAHIGPIT na nakahawak ang kamay ni Zoe sa braso ni Ethan habang ang kaniyang isip ay sumisigaw ng "tama na". Pero hindi iyon ang ipinapahiwatig ng kaniyang katawan. Kaya siguro kahit anong saway niya sa binata ay parang wala itong naririnig. Habang tumatagal ang paghaplos ng palad ni Ethan sa dibdib niya ay nagsisimula nang makaramdam ng kakaiba si Zoe. Iyong tipo ng kiliti na nararamdaman niya noon sa tuwing niroromansa siya nito. At parehong pakiramdam na dulot sa kaniya sa tuwing sinasariwa niya sa isip ang maiinit nilang tagpo. "Ethan, please..." Don't stop. Napamura na lang nang tahimik si Zoe nang sumang-ayon na rin ang kaniyang isip sa gusto ng katawan niya. "It's okay, baby girl..." bulong ng binata sa likod ng tainga niya bago nito pinaliguan ng halik ang leeg niya. Pagkatapo