NAABUTAN ni Zoe ang kapatid na nagpapalit ng damit sa kuwarto nito. Pero nang makita siya ay aktong isasara na nito ang pinto. Mabuti na lang at mas mabilis niyang naiharang ang sarili. "Zhang, please... Can we talk?" pagsusumamo ni Zoe nang makapasok siya sa loob. "Let me explain." "Wala akong oras para makinig. Marami pa akong kailangang gawin." Itinuloy lang ng kapatid ang pagbibihis at ni hindi siya tiningnan. Noon pa man ay sanay na si Zoe sa mga pagsusungit sa kaniya ni Zhang. Pero nang mga oras na iyon ay hindi niya mapigilan ang masaktan. Ramdam niya ang malalim nitong sama ng loob. "Gaano ba kaimportante ang gagawin mo? Para ipagpalit mo sa pakikipag-usap sa'kin na ngayon mo lang uli nakita after two years?" Tila walang narinig na humiga sa kama si Zhang at nagbasa ng pabor