Chapter 1

1249 Words
"WOW, Zoe! Meron ka na agad niyan? Kakabasa ko pa lang last week sa magazine ang Hermes collection na iyan, ah. Pati ang sandals mo, latest model din ng Hermes Birkenstock." Napangiti si Zoe sa reaksiyon ng kaniyang kaibigan na si Candice. Para itong aatakehin sa puso habang hangang-hanga nang makita ang bago niyang bag at sandals. "Si Daddy ang bumili nito for me," may pagmamalaki na sagot niya. Hinampas siya nito sa braso. "Ikaw na talaga ang spoiled ng daddy mo, sis. Sana lang talaga lahat ay kasingsuwerte mo." Mayaman din naman ang pamilyang pinagmulan ni Candice. Pero hindi kasing yaman ng pamilya nila. Isang kilalang business magnate sa bansa ang Filipino-Chinese na ama ni Zoe na si Herbert Tan. Pag-aari ng kanilang pamilya ang isa sa pinakasikat na mall sa Asia. Sa kanila rin ang pinakamalaking real estate na Zoe Mei Homes; na sa kaniya mismo ipinangalan. Bukod doon ay marami pang ibang negosyo ang kaniyang ama na hindi rin biro ang net income. Bilang panganay sa tatlong magkakapatid at anim na taon bago nasundan, walang luho si Zoe na hindi naibibigay ng kaniyang mga magulang; lalo na ng kaniyang ama. Isang lambing lang ay kaagad niyang makukuha kahit ang pinakamahal at latest model ng cellphone sa buong mundo. At daig pa niya ang isang China doll kung ingatan ng mga ito. Lumaki siya na kahit ang dulo ng kaniyang daliri ay bawal masugatan. At kahit isang hibla ng kaniyang buhok ay hindi puwedeng madumihan. Kaya nga sa edad na twenty three ay wala pang alam na kahit anumang trabaho si Zoe. Sobra-sobra na raw ang yaman ng pamilya nila kaya hindi na niya kailangan pang magtrabaho. Pagta-travel kung saan-saan, pagsa-shopping, gimik o kung ano-ano pa ang alam lang niyang gawin. Masaya na ang mga magulang niya na natapos niya ang kursong BSID o Bachelor of Science in Interior Design sa pinakaprestihiyosong unibersidad sa bansa. "Ang suwerte-suwerte mo, Zoe. Kaya magpakabait ka na, huh? Ayusin mo na ang buhay mo," mayamaya ay sermon sa kaniya ni Candice habang namimili sila ng mga damit sa loob ng mall na pag-aari mismo ng pamilya nila. Maarteng tumawa ang dalaga. "Why? Maayos naman ang buhay ko, ah. I graduated valedictorian in high school and magna c*m laude in college." "Which is alam natin na nakuha mo lang dahil na rin sa impluwensiya ng daddy mo," sermon uli sa kaniya ni Candice. "Tapos sobra ka kung makawaldas sa pera ng parents mo. Parang hindi mo man lang iniisip na pinaghihirapan din iyon ng daddy mo at hindi pinupulot lang." "Oh well, thank you for the compliment, sis. Best friend ba talaga kita?" Pabiro niya itong inirapan at tinaasan ng kilay. Sanay na si Zoe sa panenermon sa kaniya ni Candice. Kung gaano siya kagastador ay ganoon naman ito kakuripot. At kung gaano siya katamad ay ganoon naman ito kasipag. Nagtataka nga silang dalawa kung paano sila naging mag-best friend, eh. College days pa lang ay magkaibigan na sila. "Ayoko lang na dumating ang araw na pagsisisihan mo ang pagwawaldas," dugtong pa nito. "Hindi habambuhay ay nandiyan ang parents mo. Dapat marunong ka ring mag-work para sa sarili mo." Pinaikot ni Zoe ang eyeballs. "You know, kaysa sa sermunan mo ako today, bakit hindi mo na lang ako samahan sa salon? Magpapa-manicure and pedicure ako." "Again? Eh, kahapon ka lang nagpalit ng nail polish, ah." "Gusto ko lang na maiba naman," kibit-balikat na sabi ni Zoe, at saka hinila si Candice palabas ng department store. "Ililibre kita ng manicure, pedicure, at foot spa. Para naman ma-relax ka at magmukhang bata uli. Nagmumukha ka ng manang dahil puro work ang inaatupag mo." Tiningnan siya nito nang masama. "Thank you! You are really my best friend." Natawa si Zoe sa reaksiyon ni Candice. Kapagkuwan ay natawa na rin ito. Ganoon lang talaga sila. Mas gusto nila na pinaprangka ang isa't isa kaysa ang magplastikan. Kaya siguro nag-click silang dalawa. Maayos na nakalabas ng department store sina Zoe at Candice. Kung alam lang ng mga tao, lalo na ng mga empleyado, na anak siya ng may-ari ng mall na iyon ay siguradong pinagkaguluhan na siya. Ngunit malabo iyon mangyari dahil ang akala ng lahat ay isa lang siyang anak-mayaman na suki sa mall na iyon. Sa kabila kasi ng kasikatan ng ama, nanatiling pribado ang kanilang buhay. Bihirang-bihira ang pagkakataon na pina-publicize sila nito. Proteksiyon daw iyon laban sa mga tao na gusto silang pagsamantalahan dahil sa yaman nila. At pabor iyon kay Zoe dahil ayaw din naman niya ang pinagkakaguluhan siya. Mas gusto niya ang pribadong buhay at nagagawa ang lahat ng gusto. Kaya nga kahit marami ang kumukuha sa kaniya na maging artista o modelo, tinatanggihan niya. "Pauuwiin ko na muna si Mang Roldan," tukoy ni Zoe sa personal driver niya. "Baka kasi matagalan tayo sa salon, eh. Nagpaalam 'yon kanina na uuwi muna sa kanila dahil may sakit ang asawa. Ako na lang ang magda-drive mamaya." "One of the reasons kung bakit nakatagal ako sa friendship natin kahit maluho ka. Napaka-thoughtful mong amo." Proud na nginitian siya ni Candice. "At binabawi ko na ang sinabi ko kanina na wala kang alam na trabaho. You can drive nga pala." "Of course!" pagmamalaki pa ni Zoe. "Basta ba huwag lang umulan at abutan ako ng baha sa kalsada. Takot akong ma-stranded." MALAKAS ang buhos ng ulan nang dumating sa Maynila si Ethan. Kung available lang sa Quezon Province ang mga spare parts na kailangan sa inaayos niyang sasakyan ay hindi siya luluwas. Pinakaayaw niya ang traffic at polusyon. Sanay pa naman siya sa sariwang hangin sa probinsiya. Kaya para siyang nahihilo kapag nakakalanghap ng maitim at mabahong usok. Lumuluwas lang talaga siya kapag sobrang kailangan. Pero malas pa rin siya ngayong araw. Dahil wala ngang mabahong usok, baha naman ang sumalubong sa kaniya. Ibang-iba talaga rito sa Maynila. Kaunting ulan lang ay umaapaw na kaagad ang tubig. Habang naghihintay na umusad ang mga sasakyang nasa unahan, binasa muna ni Ethan ang text mula sa numerong kanina pa tawag nang tawag pero hindi niya sinasagot. Lumuwas ka raw ng Manila. Puwede ka bang dumaan dito sa bahay? May idi-discuss lang sana ako. He smirked nang mabasa kung kanino iyon nanggaling. That was his father. Inabandona nito ang kaniyang ina noong ipinagbubuntis pa lang siya at nagpakasal sa ibang babae. Lumaki siya na hindi man lang ito nakita. Kahit noong namatay ang kaniyang ina ay never din itong dumalaw. Nagsimula lang itong magparamdam sa kaniya noong namatay na rin ang asawa nito at mag-isa na lang sa buhay. Hijo, please... Kahit sandali lang. Importante lang talaga. Sa halip na reply-an ang ama ay pinatay na lang ni Ethan ang cellphone niya. Hindi niya masikmura ang humarap sa taong nagpabaya sa kanilang mag-ina. Itinuloy niya ang pagmamaneho nang makitang gumalaw na ang mga sasakyan na nasa unahan niya. Pero nang dahil sa baha kaya mabagal pa rin ang pag-usad. Laking pasalamat niya nang malampasan niya ang traffic. Dapat ay mabili niya kaagad lahat ng kailangan. Wala siyang balak na mag-overnight sa "banyaga" na siyudad na iyon at tumuloy sa hotel. Mas gusto pa niya ang matulog sa kaniyang bahay-kubo. Bibilisan na sana ni Ethan ang pagpapatakbo nang makita niya ang isang kotse na tumirik sa baha. Mekaniko siya at iba't ibang sasakyan na ang nahawakan. Kaya alam niya na ang isang iyon ay hindi biro ang halaga. At bilang mekaniko rin ay hindi niya maatim na hindi tulungan ang bawat sasakyang nakikita niya na nangangailangan ng tulong.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD