Prologue

1312 Words
DAPAT ay masaya si Zoe nang lumapag ang eroplanong sinasakyan niya sa Manila International Airport. Dahil isa iyong patunay na sa wakas ay narito na uli siya sa Pilipinas. Ngunit kabaligtaran ang nararamdamam ngayon ng dalaga. It's just reminded her of what she had lost. Kahit ang mga salitang "welcome home" ay hindi kayang sabihin ni Zoe sa sarili. Sa halip ay takot at pagluluksa ang sumalubong sa kaniya sa paglabas niya sa airport. Wala ang dating masayang pamilya o ang kulay itim na Limousine na madalas sumusundo sa kaniya kapag nanggagaling siya sa ibang bansa para sa walang katapusan niyang world tour. "Welcome back, hija! I miss you so much." Napakurap ang dalaga nang tila marinig niya sa hangin ang boses ng ama na siyang pinakamasaya kapag sinasalubong siya sa lugar na iyon. Sa pamamagitan niyon, kahit sandali lang, naramdaman niyang may nag-welcome sa pagbabalik niya. "I love you so much, sweetheart. I'm here and I will always be here for you." Sumakit ang lalamunan niya sa pagpipigil umiyak nang muling maulinigan ang boses ng ama. Sumasabay iyon sa malamig na hangin na animo'y yumayakap sa kaniya. "Ma'am, taxi po?" Napakislot si Zoe nang may tumigil na taxi sa harapan niya. Kahit sa parteng iyon ay napangiti siya nang malungkot. Muntik na niyang mapagkamalan ang driver na si Mang Roldan, ang kaniyang personal driver at kasa-kasama sa halos lahat ng lakad niya noon. "Saan po tayo, Ma'am?" muling tanong sa kaniya ng taxi driver. Noon lang niya namalayan na nasa loob na pala siya ng taxi nito. "Sa Makati po tayo, manong." Mas kumirot ang puso ng dalaga habang nasa biyahe, at isa-isa nilang nadadaanan ang mga establishment na dati ay pag-aari ng kanilang pamilya. Dati-rati, kapag nakikita niya ang mga iyon, proud na proud siya. Dahil alam niyang balang araw ay isa siya sa mga magmamana ng mga iyon. Lalong nasaktan si Zoe nang masulyapan niya ang bakanteng lote na pagtatayuan sana ng kaniyang ama ng dream house niya. "No Tresspassing. Private Property," basa niya sa sign na nakapaskil doon na nagpapatunay na kahit ang kaniyang pangarap ay pag-aari na rin ng iba. Tears fell from her eyes. Totoo pala na talaga na walang bagay sa mundo ang permanente. SANDALING natigilan si Zoe nang makarating siya sa tapat ng isang three-story home sa Makati. Mula sa kinatatayuan ay kitang-kita niya ang impressive facade at enviable outdoor area nito: stone columns, sliding doors, at malalaking glass windows. Nakadagdag sa appeal nito ang mga nagtataasang puno, malawak at kulay-asul na swimming pool na tila laging nag-aanyaya, at well-maintained na hardin. Naalala pa niya kung paano sabihin ng bawat bisita na parang high-end resort daw ang mansiyon na iyon. Pikit-mata na tinanaw ni Zoe ang malawak na balkonahe. Isa iyon sa paboritong lugar ng kanilang pamilya para mag-hang out. Doon din siya mahilig mag-emote kapag nalulungkot siya. "Bakit umiiyak ang princess ko?" naalala niyang tanong ng kaniyang Daddy Herbert nang minsang mahuli siya nitong umiiyak sa lugar na iyon. "Nahuli ko po si Josh na may ibang babae, Dad. Kaya nakipag-break na ako sa kaniya. I hate him so much na. Pero it's hurt pa rin, eh," parang bata na sumbong ni Zoe. "Minahal ko naman siya nang sobra pero niloko pa rin niya ako." Niyakap siya nito. "He is not even worthy of your tears, okay? Always remember that you are Zoe Mei Tan. You deserve to be with somebody who treats you like a princess more than I do." Yumakap din siya sa ama. "Thank you, Dad. I love you..." "I love you more, my princess." Kumalas ito sa kaniya at tumayo sa harapan ng glass wall. "Basta kapag nalulungkot ka, sumayaw ka lang ng Budots habang tinitingnan ang sarili mo salamin." Pagkasabi ay walang ano-ano na sumayaw ng hindi pamilyar na dance steps ang kaniyang ama sa harap ng salamin. Kahit umiiyak ay napahagalpak ng tawa si Zoe. Aliw na aliw siya rito. "You're so funny, Dad! Where did you learn that? Hindi naman po ganiyan ang mga isinasayaw n'yo, eh." Natatawang tumigil sa pagsasayaw ang ama at tumabi uli sa kaniya. "Nakita ko na sinasayaw ng mga empleyado ko. Naaliw ako kahit marami akong problema. Kaya simula noon, sinasayaw ko na rin kapag gusto kong patawanin ang sarili ko. At napatunayan kong effective talaga." Ngumiti ito sa kaniya. "Napasaya naman kita, 'di ba?" "Yes, Dad. And thank you. Dahil kahit papaano ay nakalimutan ko ang ginawa sa'kin ni Josh." Masuyong hinaplos ni Daddy Herbert ang buhok niya. "Basta lagi mong tandaan na ang pag-ibig ay hindi katulad ng pamasahe sa jeep. Na susuklian ka ayon sa halaga na ibinigay mo." "Ma'am Zoe?" Napakislot ang dalaga nang marinig ang pamilyar na boses. Kahit papaano ay nagkabuhay ang malungkot niyang mga mata nang makita ang isa sa pinakamatapat nilang driver at hardinero--si Mang Pido. Isa ito sa tatlong matatapat nilang tauhan na nananatili sa kanila sa kabila nang mga nangyari. "Kailan pa ho kayo dumating?" tanong nito sa kaniya sa nasisiyahang boses habang binubuksan ang malawak pero luma ng gate. "Ngayon lang ho, Mang Pido." Pumasok si Zoe at nagpasalamat dito. "Nasaan po sina Mommy?" "Nasa master's bedroom po si Ma'am Dahlia. Nasa eskuwela naman ang mga kapatid mo." "Sige ho, Mang Pido. Ako na ang bahalang magdala niyan sa loob," aniya nang akmang hihilahin nito ang kaniyang maleta. Nang magpaalam ito ay tumuloy na rin si Zoe papasok sa malapalasyong bahay na iyon. Pilit niyang iniignora ang paninikip ng kaniyang dibdib sa tuwing natatanaw niya ang bawat sulok ng bakuran nila. Kasingganda pa rin iyon ng dati pero kulang na sa sigla. Napasinghap si Zoe nang maramdaman niyang tila may mga matang nagmamasid sa kaniya. Bumalik ang pamilyar na t***k ng kaniyang puso nang mula sa patio, nakita niya ang lalaking minsan nang "nagmay-ari" sa kaniya. Ethan. Tila may mga daga na naghabulan sa dibdib ni Zoe nang humakbang ito palapit sa kaniya. Titig na titig sa kaniya ang itim nitong mga mata na nagpapakita ng sobra-sobrang emosyon na hindi niya matukoy kung ano. Ibang-iba na ang hitsura nito kaysa noong huli silang nagkita. Mula sa simpleng T-shirt at kupas na maong noon, mamahaling classic navy blazer at may inner na light blue collared shirt, na tinernuhan ng grey trouser, ang suot ngayon ni Ethan. Ganoon pa man ay ito pa rin ang guwapong mekaniko na unang nagpatibok ng puso niya. "Welcome back, Zoe. It's been two years, right?" Kahit ang pananalita nito ay ibang-iba na rin. Pero paano iyon nangyari? At ano ang ginagawa nito sa mansiyon nila? "It's nice seeing you again, Ethan. B-but what are you doing here?" pagsasatinig ni Zoe sa gumugulo sa isip niya. Tinawid ng binata ang pagitan nila. Muli na namang bumilis sa pagtibok ang kaniyang puso nang walang ano-ano na hinapit siya nito sa baywang at kinabig palapit sa katawan nito. Nanginig siya nang bahagya; hindi dahil sa takot kundi sa antisipasyon nang maramdaman niya ang init na nagmumula sa katawan nito. Lumakbay ang makikislap nitong mga mata sa kaniyang mukha. "Nandito ako para gawin ang isang bagay na sana ay noon ko pa ginawa, Zoe." "What do you mean?" Umangat ang isang kamay ni Ethan at masuyong hinaplos ang kaniyang pisngi. "Ang pakasalan ka..." May bahagi ng puso ni Zoe ang kinilig sa sinabi ng binata. Pero mali iyon. "You are two years late, Ethan. Dahil ikakasal na ako sa iba." "Babawiin kita sa kaniya dahil akin ka, eh," puno ng determinasyon na sagot ni Ethan."Patutunayan ko sa'yo na ako ang dapat mong pakasalan at hindi siya." Sumikdo ang puso ni Zoe. "Ethan--" Naputol ang pagsasalita niya nang bigla na lang nitong sinalubong ng mainit na halik ang mga labi niya. Mabilis na nagprotesta ang isip ng dalaga. Ngunit nang maramdaman niya ang sobrang pananabik sa bawat halik ni Ethan, mas mabilis na yumapos ang mga braso niya sa leeg nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD